Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 12, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 40minuto
Direktor: Jason Paul Laxamana
Kategorya: Drama, Komedya
Panulat ni: Charlene Sawit-Esguerra
Istorya ni: Enrico C. Santos
Prodyusers: ABS-CBN Film Production
Bida nang Pelikula: Angel Locsin (Andi Medina), Sam Milby (Max Labrador), Zanjoe Marudo (Christian Pilar)
Musika: Jessie Lasaten
Sinematograpiya: Dexter dela Peña
Taga-ayos: Noah Tonga
Taga-pamahagi: Star Cinema
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog
Buod:
Ang kuwento ay tungkol kina Andi isang event manedyer na gustong maging isang fashion designer at kay Max na isang cosmetic surgeon na humanap ng paraan upang mabuo pa rin ang kanilang samahan kahit hindi na sila. Ngunit kalaunan nakahanap ng bagong mamahalin si Max sa katauhan ni Christian na isang bading na oncologist. Pagkakaibigan at pagkilala sa sarili ang tinatalakay sa pelikulang ito.
Pagsusuri:
Sa unang pagkakataon ito ay isang pelikula na tumatalakay sa relasyon ng mga bakla na walang halong drama o histerya at nagpapakita lamang ng kakaibang klase ng pagmamahalan.
Sina Andi at Max ay magkasintahan noong kolehiyo ngunit sila ay nagkahiwalay ng umalis si Max papuntang ibang bansa upang mag aral ng medisina. Nagdalamhati siya sa pag-alis nito pero tinuloy niya ang kaniyang buhay sa paggawa ng mga event upang maabot ang kaniyang pangarap na maging fashion designer.
Pagkalipas ng ilang taon, muling nagkita sina Andi at Max na isa ng doctor, at pinakilala siya sa isa pang doctor na si Christian na kaniyang nobyo. Halos gumuho ang mundo ni Andi sa nalaman niya. Ang kuwento ng The Third Party ay umikot sa tatlong karakter at sa kakaibang relsyon ng dalawang bading.
Sina Max at Christian ay nagsasama bilang mag-asawa, puno sila ng pagmamahalan at respeto sa isat-isa. Ngunit ang tahimik nilang buhay ay nagulo ng dumating sa bahay nila si Andi.
Kahit nakakailang ang sitwasyon ng tatlong karakter pinagaan itong tingnan sa pagkakagawa ng direktor na si Jason Paul Laxamana. Ang mga eksena sa kainan at tulugan ay maingat na ginawa kung saan hindi nakakaoffend sa iba. Nakakatawa ito at puno ng saya, na hindi sinasakripisyo ang diwa ng palabas at ang nais nitong maipaabot sa mga manonood.
May kani-kanyang bahagi din ng drama ang bawat isa tungkol sa kanilang kakaibang set up at maging tungkol sa kani kanilang pamilya.
Hindi ka madidismaya sa pag-arte nina Angel, Sam at Zanjo. Ang drama aktres na si Angel ay kagulat gulat sa kaniyang natural na pagiging komedyante. Si Zanjo naman ay umaangat na upang maging mas magaling na aktor.
Kilala si director Jason Paul Laxamana sa kaniyang maingat na pagpapakita ng buhay ng mga bading, kanilang relasyon at pamilya. Malaking papel ang ginagampanan ng pamilya sa mga pagsubok na kinasasangkutan ng mga karakter. Kagaya na lang ng kakaibang relasyon ni Andi sa kaniyang ina at ang kanilang mga pag-aaway ay nagpapatotoo dito.
Sa huli kung paano nalutas ang mga isyu at nabunyag ang katotohanan ay magdadala ng pananabik sa istorya na tiyak na ikabibigla ng mga manonood. Kaya humandang umiyak, tumawa at magulat sa palabas na ito.
No comments:
Post a Comment