Theater Movie Poster |
Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 30, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras
50minuto
Direktor: Marlon
N. Rivera, Tony Y. Reyes
Kategorya: Pantasya,
Komedya
Prodyusers: Orly
Ilacad, Marvic Sotto
Bida nang Pelikula:
- Vic Sotto bilang si Enteng Kabisote – mortal na tao at dakilang tagapagligtas ng Engkantasya.
- Epy Quizon bilang si Dr. Kwak Kwak – kalaban na gustong sirain ang mundo sa pamamagitan ng isag game application.
- Oyo Sotto bilang si Benok Kabisote – anak ni Enteng na isang engkantado na naging NBI sa mundo ng mga tao.
- Jose Manalo bilang si Lola Tinidora/Tini – isang OEW at may kapangyarihan na kumilos ng mabilis.
- Wally Bayola bilang si Lola Nidora/Nini – isang OEW at may kapangyarihan na maging malakas ang boses.
- Paolo Ballesteros bilang si Lola Nidora – isang OEW at may kapangyarihan na kontrolin ang isipan ng mag lalaki.
- Kakai Bautista bilang si Puring/Ora/Oring – isang OEW at may kapangyarihan na makita ang hinaharap.
- Jerald Napoles bilang si Lucas – isang OEW at may kapangyarihan na maging malakas.
- Jelson Bay bilang si Remy – isang OEW at may kapangyarihan na gawing plantsa ang kaniyang mga kamay.
- Sinon Loresca Jr. bilang si Bistika – isang OEW at may kapangyaraihang maging invisible.
- Ryzza mae Dizon bilang Bubu – anak ni Remy.
- Alonzo Muhlach bilang si Benokis Kabisote – anak ni Benok.
- Bea Binene bilang si A2 – gumawa ng Slashman application game.
- Ken Chan bilang si A1 – katulong ni A1 sa paggawa ng Slashman application game.
- Ryza Cenon bilang asawa ni Benok.
Base sa: Okay ka, Fairy Ko
Taga-pamahagi: OctoArts
Films, M-Zet Productions, APT Entertainment
Bansa:
Plipinas
Lingguwahe: Tagalog,
Filipino
Buod:
Ginamit ng masamang si Dr. Kwak
Kwak ang larong Slashman upang maghasik ng kasamaan sa mundo. Ngunit ang
kaniyang kapangyarihan ay hindi sapat upang magamit ito ng lubos. Kaya
kailangan niyang hanapin ang pitong OEW o Outcast Enkantasia Workers upang
gamitin at kunin ang kapangyarihan ng mga ito. Ngunit hindi ito natuloy dahil
tinulungan sila ni Enteng Kabisote sa paglaban sa kasamaan.
Pagsusuri:
Muling nagbabalik si Vic Sotto sa
isa na namang pelikula ng pantasya at komedya na ‘Enteng Kabisote 10 and the
Abangers’. Sinamahan pa siya ng pitong magagaling na komedyante sa pangunguna
ng mga Lola sa sikat na kalye serye ng Eat Bulaga.
Nagsimula ang kuwento sa kagustuhang
gamitin ni Dr. Kwak Kwak ang kapangyarihan ng pitong OEW upang maghasik ng
kasamaan at sa tulong ni Enteng tinulungan niyang hindi ito magtagumpay.
Mas dinagdagan pa nina direktor
Reyes at Rivera ang aasahan sa isa na namang installment ni Bossing na hango sa
sikat na ‘Okay ka, Fairy ko’. Dumami ang mga cast at nagbigay daan din upang
maglabas ng panibagong kapangyarihan si Kabisote. Mabilis ang paglalahad ng
kuwento at hindi ito nakakainip. Ngunit hindi ito napuno ng komedya kagaya ng
mga nakaraang pelikula.
Maraming pagpapaalala at
pangangaral ang karamihan sa linya sa palabas na ito. Nagpapakita lamang na ang
kanilang pelikula ay hindi lang basta nagpapatawa kundi nagpapaalala sa lahat
ng tao na lahat ng labis ay masama. Bagaman hindi ganoong nakakatawa matutuwa
pa din ang mga bata dahil sa mga kakaibang kapangyarihan na handog nito.
Natural pa din kay Sotto ang
pagpapatawa ngunit karamihan sa kaniyang mga punchlines ay hindi na bago kaya
hindi na ganoong nakakatawa. Pero saludo pa din kay Bossing sa walang sawang
pagpapakita ng mga kakaibang kuwento ng pantasya. Tunay ngang nag-iisa lang ang
Vic Sotto ng industriya ng pelikulang Plipino. Nakakatuwa din ang pitong
Abangers na mas nakadagdag ng katuwaan sa buong kuwento.
Nakatulong din bagaman halos walang
kaugnayan ang magandang lugar ng Bohol na isinama sa pelikula. Sa kabuuan tiyak
na katutuwaan ito ng mga bata.
Ating tulungan at puksain ang
masamng si Dr. Kwak Kwak sa ‘Enteng Kabisote 10 and the Abangers’.
No comments:
Post a Comment