Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 26, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 55minuto
Direktor: Scott Derrickson
Kategorya: Aksyon, Paglalakbay, Pantasya
Panulat ni: Scott Derrickson, C. Robert Cargill
Istorya ni: Jon Spaihts, Scott Derrickson, C. Robert Cargill
Prodyusers: Kevin Feige
Bida nang Pelikula:
- Benedict Cumberbatch bilang si Stephen Strange – isang neurosurgeon na nagkarron ng kapangyarihan matapos ang isang aksidente.
- Chiwetel Ejiofor bilang si Karl Mordo – istudyante ng Ancient One kasama ni Strange.
- Rachel McAdams bilang si Christine Palmer – kasamang surgeon si Strange.
- Benedict Wong bilang si Wong – isa sa mga dalubhasa sa mistiko ng sining at naatasang protektahan ang mahahalagang alaala at libro ng Kamar-Taj.
- Michael Stuhlbarg bilang si Nicodemus West – karibal na surgeon ni Strange.
- Benjamin Bratt bilang si Jonathan Pangborn – isang paraplegic na natutung pagalingin ang kaniyang sarili at may alam ng impormasyon tungkol sa kakaibang pagpapagaling ni Strange.
- Scott Adkins bilang si Lucian – isa sa taga-sunod ni Kaecilius na napatay ni Strange sa isang laban.
- Mads Mikkelsen bilang si Kaecilius – isa sa mga dalubhasa sa mistiko ng sining at kumalas sa Ancient One.
- Tilda Swinton bilang is Ancient One – tagapagturo ni Strange.
Musika: Michael Giacchino
Sinematograpiya: Ben Davis
Taga-ayos: Wyatt Smith, Sabrina Plisco
Taga-pamahagi: Walt Disney Studios Motion Pictures
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Isang talentadong neurosurgeon si Doktor Stephen Strange na matapos ang isang aksidente ay natuto ng isang sekreto sa nakatagong mundo ng mistisismo at alternatibong dimensyon. Base sa Greenwich Village sa lungsod ng New York, si Doktor Stephen ay kailangang maging tagapamagitan sa pagitan ng tunay na mundo at ng kung anong mayroon sa kabila, gamit ang kaniyang malawak na kaalaman sa metapisikong abilidad at artipaks para protektahan ang mundo ng Marvel Cinematic.
Pagsusuri:
Sa pelikulang ito maalala natin si Tony Stark na halos nahahawig sa karakter ni Stephen Stranger. Si Stranger ay isang magaling na neurosurgeon na may napakalaking ego. Matapos ang isang aksidente na naging dahilan ng pagkapilay ng kanyang mga kamay, unti unting nawala ang kaniyang trabaho sa kaniya. Gumawa siya ng paraan upang muling magamot at magamit ang kaniyang mga kamay ngunit wala nakagawa nito kahit ang kaniyang kasamahan na si Christine.
Nang marinig niya ang himalang pagaling ng paralisadong si Jonathan Pangborn, nagpunta sa Tibet si Strange upang hanapin ang misteryosong templo ng Kamar-Taj. Nakasama niya si Baron Mordo isang istudyante ng Ancient One, na nagturo sa kaniya kung paano gamitin ang enerhiya upang makagawa ng mahika.
Kahit kailangan lang ni Strange ang mistikong kasanayan para gumaling siya, pinakita pa rin ni Wong (promoprotekta sa alaala at libro ng Kamar Taj) sa kaniya kung ano ang papel ng salamangkero ng mundo sa mundo ng Marvel Cinematic. “Ang mga Avengers ang promoprotekta sa mundo laban sa panganib”paliwanag ni Wong. “Pinapangalagaan namin ito laban sa mistikong banta.” Sa Doctor Stranger ang bantang ito ay palalabasin ni Kaecilius sa kagustuhan niyang palayain ang sangkatauhan mula sa kaaway nito: ORAS. At dito nagsimula ang lahat.
Kahit ang pinaka istorya nito ay nahahawig lang sa mga ibang pelikula na tungkol sa isang superhero na ililigtas ang mundo laban sa kalaban. Ang kaibahan lang nito ay ang paraan na ginamit kung paano ililigtas ang mundo. Kadalasan hinahanap ng tao sa mahika ng mistikong sining ang pisikal at emosyonal na paggaling kung lahat ng ating natitirang pag-asa ay naubos na.
Ang iskrip na ginawa ni Dan harmon ay nakakatuwa at kasiya siya sa mga manonood. Nagampanan din ng mga karakter ang kanilang mga papel na lalong nakapag paganda sa pelikulang ito.
Ang pagkakuha ni Strange ng kaniyang kapangyarihan ang simula ng kaniyang paglalakbay papuntang sangkatauhan. Ika nga sa mga pelikula ng superheroes “Paglakas ng iyong kapangyarihan, Paglaki ng iyong responsibilidad” (With great power comes great responsibility).
No comments:
Post a Comment