Petsa nang Pagpapalabas: Setyembre 23, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 35minuto
Direktor: John Moore
Kategorya: Misteryo, Krimen
Panulat ni: Dan Kay & William Wisher Jr.
Istorya ni: Dan kay
Prodyusers: Pierce Brosnan
Bida sa Pelikula: Pierce Brosnan (Mike Regan), Jason Barry (Patrick), Karen Moskow, Kai Ryssdal, Brian Mulvey (George), Martin Hindy (Joey), Rico Hizon, Anna Fiel (Rose Regan), Stefanie Scott (Kaitlyn Regan)
Sinematograpiya: Ekkhert Pollack
Musika: Tim Williams
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Wala nang ibang mahihiling pa si Mike sa kaniyang buhay. Mayroon siyang mabait na asawa, magandang anak at higit sa lahat isang bahay na napaka high tech. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang ang kaniyang dating kasangguni sa I.T. ay ginamit ang kaniyang sariling galing upang lihim na subaybayan ang kaniyang anak at ilagay sa kapahamakan ang kaniyang pamilya, negosyo at kaniyang sarili. Paano sila proprotektahan ni Mike sa kaniyang kakaibang kaaway?
Pagsusuri:
Ang buong kuwento nang I.T. ay tungkol sa isang sirang ulo na lihim na sinusubaybayan ang pamilya ni Mike Regan. Ito ay ginampanan nang nagiisa at walang katulad na si Pierce Brosnan.
Si Brosnan ay si Mike Regan isang mayamang negosyante na nagkaroon nang problem sa kaniyang Wi-fi sa kaniyang modernong bahay. Inimbitahan niya si Ed upang ayusin ito. Ngunit biglang nagkainteres si Ed sa anak ni Mike na si Stefanie. Lihim niyang sinubaybayan si Stefanie nang hindi nalalaman ni Mike. Nang malamn ito ni Mike, nakilala niya na isang pala itong sira ulo. Kinuha ni Ed lahat nang impormasyon tungkol sa mga Regan at nagplano nang paghihiganti laban sa mga ito.
Ang kuwento nang I.T ay isa sa pinakamalalang puwedeng mangyari sa isang pamilya sa tunay na buhay. Ang paggamit ni Ed nang teknolohiya laban sa pamilya ni Regan ay hindi kadalasang ginagamit. Ang mga kabataan ngayon ang mas madaling maging biktima nang online. Marami na tayong naririnig na mga balita tungkol sa mga kabataang nadidisgrasya sa mga aktibidad sa internet.
Madali mo din malalaman ang magiging katapusan nang palabas. Si James Frechville ay ang gumanap sa nakakatakot na si Ed Porter. Masyado ding sanay at kabisado na ang mangyayari sa kaniyang karakter.
Ang I.T. ay isang kuwento na kathang-isip nang makabagong panahon. Ipinaaalala nito sa atin na hindi tayo basta basta magtitiwala sa mga taong pumapasok at nagaayos sa ating bahay. Maari kasing itong mga tao na ito ang maging dahilan upang mapahamak tayo at ang ating pamilya. At ito ay natututnan nang pamilya ni Mike sa napakahirap na paraan.
No comments:
Post a Comment