Tuesday, October 11, 2016

Deepwater Horizon

Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 5, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 47minuto
Direktor: Peter Berg
Kategorya: Pagsasapelikula ng isang Sakuna
Panulat ni: Matthew Michael Carnahan, Matthew Sand
Istorya ni: Matthew Sand
Prodyusers: Lorenzo di Bonaventura, Mark Vahradian, Mark Wahlberg, David Womark
Bida nang Pelikula: Mark Wahlberg (Mike Williams), Kurt Russell (Jimmy Harrell), John Malkovich (Donald Vidrine), Gina Rodriguez (Andrea Fleytas), Dylan O’Brien (Caleb Holloway), Kate Hudson (Felicia Williams), Ethan Suplee (Jason Anderson)
Musika: Steve Jablonsky
Sinematograpiya: Enrique Chediak
Taga-ayos: Colby Parker Jr., Gabriel Fleming
Taga-Pamahagi: Summit Entertainment
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Noong Abril 20, 2010 ilang sunod sunod na pagsabog sa isang kuhanan nang langis ang sumira at nagpalubog sa Deepwater Horizon at naglabas nang milyong milyon galon ng petrolyo sa look ng Mexico sa Estados Unidos na nagresulta sa matinding pagkalat ng langis. Sina Michael ‘Mike’Williams at Caleb Holloway ay dalawa sa 120 na tripulanteng nakasakay. Tumulong sila sa pagsagip sa kanilang mga kasamahan, samantalang ang kaniyang pamilya naman ay nakikipagbuno sa epektong dulot nang sakunang ito.
Pagsusuri:
Noong sumabog ang Deepwater Horizon sa look nang Mexico, ang Macondo well na nasa ilalim nito ay naglabas ng milyong bariles ng langis, na nagresulta sa pinakamatinding trahedya sa kapaligiran sa kasaysayan ng Amerika.
Ang pagkasira ang naging resulta ng kapabayaan at epekto ng pagkalat ng langis sa tao, mga hayop at sa kapaligiran ng buong rehiyon.
Ngunit kakaunti ang naging atensyon sa pagsabog na ito. 11 ang namatay na mga tripulante dahil sa hindi inaasahang trahedyang ito.
Ang Deepwater Horizon ay pelikula na nagpapakita nang isang matinding sakuna na kumitil nang 11 buhay.
Bagaman alam na ang magiging katapusan, ginawa pa rin itong kapana panabik ng director na si Peter Berg.
Ang palabas ay sumusunod sa kuwento nina Jimmy Harrell na siyang pinuno nang rig, punong mekaniko na si Mike Williams, Caleb Holloway at Andrea Fleytas bago pa man maganap ang pagsabog.
Nakikipagtalo ang grupo nina Jimmy sa punong tagapangasiwa ng kumpanya na gusto na agad simulan ang paghuhukay samantalang hindi pa nasisiyasat kung ligtas na ba itong gamitin. Ang pinagtatalunang negatibong resulta ng pagsusuri sa presyon ang  dahilan nang pagsisimula ng pagdududa.
Ngunit sa hindi inaasahan, ang bulang tumatakas sa dagat galing sa ilalim sa isang semento na hindi nasuri ang siyang naging dahilan nang pagsabog. Magaling na naipakita ang mga eksena ng pagsabog sa buong paligid. Naging mabisa ang paggamit ng mga tunog upang mas maihatid ang tensyon sa mga manonood.
Ayon sa New York Times na artikulo kung saan base ang pelikula, sa kabila nang maayos na protocol na pangkaligtasan at magandang sistema ng depensa na maaring pumigil sa pagsabog ay hindi naging sapat nung gabing iyon.  Karamihan dito ay dahil sa mga kamalian ng tao na hindi madalas nabibigyang pansin na nagreresulta sa isang sakuna.
Ang Deepwater Horizon ay isang pelikula na kaayang ayang panoorin na hindi kailangang isakripisyo ang istorya o karakter ng gumaganap upang masabing maganda.

No comments:

Post a Comment