Wednesday, October 26, 2016

The Achy Breaky Hearts

Petsa nang Pagpapalabas: Hunyo 29, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 50minuto
Direktor: Antoinette Jadaone
Kategorya: Romantic, Comedy
Panulat ni: Yoshke Dimen, Antoinette Jadaone
Istorya ni: Antoinette Jadaone
Prodyusers: Malou Santos, Charo Santos-Concio
Bida nang Pelikula: Jodi Sta. Maria (Chinggay Villanueva), Ian Veneracion (Ryan Martinez), Richard Yap (Frank Sison), Beauty Gonzalez (Ingrid), Sarah Lahbati (Martha), Desiree Del Valle (Corrine), Erika Padilla (Maxie), Denise Joeaquin (Joan)
Sinematograpiya: Pong Ignacio
Taga-pamahagi: Star Cinema
Bansa: Pilipnas
Lingguwahe: Tagalog, Filipino, Ingles
Buod:
Si Chinggay ay manedyer ng isang tindahan ng alahas at sa edad na 30 taong gulang kailangan na niyang makahanap ng mamahalin at mapapangasawa. Nakikipagdate siya ngunit walang makakuha ng kaniyang atensyon. Siguro dahil na rin sa kaniyang naranasan sa huli niyang nakarelasyon at mataas na pamantayan pagdating sa pag-ibig kung kaya hanggang ngayon wala pa rin siya nobyo. Pitong taon na siyang walang kasintahan. Biglang nabago ang lahat ng dalawang lalaki ang naging interesado sa kaniya. Una si Ryan na bumili sa kaniya ng engagement ring ngunit tinangggihan lamang ng kaniyang nobya. Tinulungan ni Chinggay si Ryan upang makuha muli ang kaniyang kasintahan ngunit nawala nila ang singsing at naging mabuting magkaibigan habng hinahanap ito. At ang ikalawa ay Si Frank na dati niyang nobyo. Bumalik siya para kay Chinggay para humingi ng pangalawang pagkakataon dito na maging kasintahan muli siya. Sino ang pipiliin ni Chinggay? Ang dati niyang minahal o ang taong minamahal na niya ngayon?
Pagsusuri:
Sa panahon ngayon nagiging pamantayan na ng maraming tao ang pagkakarooon na ng asawa sa edad na 30. At ang pelikulang ito ay handog ng hugot director na si Antoinette Jadaone sa lahat ng kababaihan na nagmamahal at naghahanap ng pagmamahal.
Ang kuwento ay umikot sa buhay ni Chinggay na sa edad na 30 taong gulang ay walang pa ring nobyo. Madalas siyang natatanong na “Kailan ka ba mag-aasawa?”. Kasama niya ang kaniyang mga kaibigan na halos wala ding mga kapareha. Madalas nila napag-uusapan kung bakit nga ba wala silang mga nobyo at sa huli humahantong lang sila sa pagkakaroon ng imahinasyon kung ano ba ang pakiramdam ng may nagmamahal sa kanila.
Pero ika nga sa kasabihan, “when it rains, it pours”. Dumating sa buhay niya ang dalawang tao na magmamahal sa kaniya. Si Ryan na naging kaibigan niya dahil sa pagbili sa kaniya ng singsing para sa nobya nitong hindi naman ito tinanggap at si Frank na dati niyang kasintahan na muling bumabalik sa buhay niya. Ngunit takot na magtiwala ulit si Chinggay sa loob ng pitong taon, ayaw na niyang masaktan muli.
Magaling ang pagkakaganap ni Jodi sa papel bilang Chinggay. Nakakatuwa siya at kawiliwili. Bagay na bagay din kina Veneracion at Yap na binansagang TeamTisoy at TeamChinoy. Maraming parte ay naglalaban ang dalawng lalaki para kay Chinggay at kung sino ang dapat para sa kaniya. Kuwela at puno ng aral ang buong palabas na kakatuwaan ng maraming manonood.
Ngunit sa huli nagbibigay ito ng mensahe na kung magiging magisa ka ay hindi ka dapat na malungkot. May mga bagay na kung nakalaan talaga para sayo kahit gaano pa katagal babalik ito sayo. Maraming tao ang masaya at hindi mo kailangan ang kahit sino upang maramdaman ito. Ikaw ang magpapasaya sa iyong sarili. Bonus na lang ang pagkakaroon at dagdag na magmamahal. Hindi mo ito kailangang hanapin dahil dadating ito sa oras na hindi mo inaasahan.

No comments:

Post a Comment