Petsa nang Pagpapalabas: Setyembre 28, 2016
Haba nang Pelikula: 2oras 14minuto
Direktor: Oliver Stone
Kategorya: Talambuhay, Drama, Thriller
Panulat ni: Kieran Fitzgerald, Oliver Stone
Prodyusers: Moritz Borman, Eric Kopeloff, Philip Schulz-Deyle, Frenando Sulichin
Bisa sa Pelikula: Joseph Gordon-Levitt (Edward Snowden), Shailene Woodley (Lindsay Mills), Zachary Quinto (Glenn Greenwald), Nicolas Cage (Hank Forrester), Scott Eastwood (Trevor), Melissa Leo (Laura Poitras)
Sinematograpiya: Anthony Dod Mantle
Musika: Craig Armstrong, Adam Peters
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Ang mga illegal na pagmamatyag na gingawa nang NSA ay biglang nabunyag sa public sa pamamagitan ni Edward Snowden na isang empleyado nang isang ahensya. Karamihan sa mga dokumento ay naipamahagi sa mga mamamahayag.
Karagdagang Impormasyon:
-Si Edward Snowden ay ang pinakakilalang whistle blower sa kasaysayan nang Amerika.
-Ang tingin nang ibang Amerikano ay bayani siya kaya gumawa sila nang petisyon na hinihiling kay Presidente Obama na patawarin si Snowden. Ngunit kinasuhan siya nang gobyerno nang US nang pagnanakaw at dalawang kaso nang pag-iispiya.
-Noong 2013 humingi siya nang awa sa US ngunit tinanggihan nila ito.
Pagsusuri:
Ang Snowden ay base sa tunay na buhay ni Edward Snowden, isang empleyado nang CIA at NSA na naglabas nang mga impormasyon tungkol sa isang organisasyon sa mga mamahayag noong 2013. Noong 2004 gusto niyang pumasok bilang isang military ngunit dahil sa kalaganyna nang kaniyang kalusugan hindi siya natanggap. Dahil sa kagustuhang magsilbi sa kaniyang bansa nagsimula siyang magtrabaho sa CIA gamit ang kaniyang talino at galing sa teknolohiya.
Isang araw napag-alaman ni Snowden na ginagamit nang gobyerno nang US ang NSA upang ispiyahan ang lahat nang tao. Hindi na lang mga kriminal ang kanila sinusubaybayan kundi pati mga pribadong impormasyon nang ibang tao ay kanilang binubuksan. Dahil nararamdaman niya na mali na ang gingawang ito nang gobyerno, umalis siya dala dala ang mga impormasyong ito at pinakita sa mga mamahayag upang mabunyag, at dito nakilala siya bilang isa sa tanyag na whistle blower nang kasaysayan nang Amerika.
Sa panulat nina Stone at Fitzgerald ginawa ang interaksyon sa pagitan ni Snowden at nang mga mamahayag upang ipakita ang nakaraang buhay ni Snowden. Ngunit putol putol ito kaya minsan nakakapagpalito sa buong kuwento. Ngunit maayos na naipakita ang dalawang parte nang istorya at pinatunayan na isang bayani nga si Snowden.
Gaya nang inaasahan maayos na nagampanan ni Gordon-Levitt ang kaniyang karakter bilang Snowden. Isinabuhay niya ang kaniyang papel hindi lang sa pagarte kundi pati sa kaniyang panlabas na kaanyuan. Makikita mo sa kaniyang pagganap ang kagustuhan niyang labanan ang mali, ngunit nangingibabaw pa din ang pagiging tapat sa gobyerno kahit alam niyang hindi iyon naaayon sa kaniyang prinsipyo. Tamang tama sa kaniya ang papel na ito at nabigyan naman niya nang hustisya.
Sa kabuuan ang pelikulang ito ay upang ipakilala at ipakita kung sino at ano ang naging buhay nang isang Edward Snowden sa lahat nang hindi nakakakilala sa kaniya. Maari ang iba ay maging interesado sa tunay na pinagdaanan niya at himukin ang mas malalim na pag-aaral tungkol sa kaniya.
No comments:
Post a Comment