Petsa nang Pagpapalabas: Agosto 8, 2016 (Cinemalaya Film Festival 2016)
Direktor: Ivan Andrew Payawal
Kategorya: Drama, Comedy
Panulat ni: Ivan Andrew Payawal
Prodyusers: Victoria Mostoles
Direktor ng Potograpiya: Carlo Mendoza, FCS
Bida sa Pelikula: Bela Padilla (Erica), Rob Rownd (John Berry), Matt Evans (Boyet), Thou Reyes (Whitney), Sheena Ramos (Joan), Joe Vargas (Topet)
Taga-Likha: The Ideafirst Company, Eight Films
Taga-Disenyo: Michael Espanol
Pangalawang Direktor: Easy Ferrer
Tunog: Wildsound
Bansa: Pilipinas
Buod:
Ang I America ay tungkol sa isang pinay/Caucasian na naghahanap nang isang Amerikano sa Olongapo City na pwede makapagbigay sa kanya ng pasaporte at US visa para makapunta ng Amerika at makita ang kanyang ama.
Pagsusuri:
Ang bagong handog ng direktor na si Ivan Payawal na I America ay isang pagbabalik mula sa huling taong pelikula na The Comeback. Kasama niya sa likod ng pelikula sina Carlo Mendoza na namahala sa mga larawan at si Marilen Magsaysay na nakasama na ni Chito Rono sa pelikulang Golden Boy.
Ang pelikulang ito ay binuo ng dalawang mahalagang yugto. Una ang pagkakaalam ni Erica na mayroon siyang kinakapatid sa kanyang ama at hinihiling nitong hanapin niya ang kapatid. At pangalawa ay ang pag-uusap nila ng kanyang ina na sinabi sa kanya na hindi si John ang kanyang tunay na ama. Nagbigay kulay ito sa istorya kasama nang magagaling na artista at direktor nabuo ang isang kuwento kung saan naipakita ang magulong mundo na umiikot kay Erica.
Maraming paikot ikot ang kuwento na hindi mo maintindihan kung saan ba talaga nakatuon ang istorya. Nabigyang hustisya ni Padilla ang kanyang ginagampanang papel na Erica. Makikita ito sa kanyang mga salita at kung paano ito sasabihin na maaantig ang mga manonood. Tamang tama siya sa karakter nang isang Amerikana na hinanap at natagpuan ang sarili upang buuin ito. Maiiwan ang manonood na nalilito sa mga eksena sa dami ng hinaharap ng bidang artista.
No comments:
Post a Comment