Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 12, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 46minuto
Direktor: Travis Knight
Kategorya: Pantasya, Aksyon
Panulat ni: Marc Haimes, Chris Butler
Istorya ni: Shannon Tindle, Marc Haimes
Prodyusers: Travis Knight, Arianne
Sutner
Bida nang Pelikula:
- Art Parkinson bilang Kubo, bida ng pelikula.
- Charlize Theron bilang Unggoy/Sariatu, ina ni Kubo at isa sa anak ni Haring Buwan, muling nabuhay sa katauhan ng isang unngoy matapos siyang patayin ng kaniyang mga kapatid.
- Matthew McConaughey bilang Salagubang/Hanzo, ama ni Kubo, ginawang salagubang ng mag kapatid ni Sariatu.
- Ralph Fiennes bilang Raiden ang Haring Buwan, lolo ni Kubo, ama ni Sariatu at kaaway sa istorya.
- Rooney Mara bilang Sisters, masamang tiyahin ni Kubo, kambal na anak ni Haring Buwan.
- George Takei bilang Hosato, isang taong bayan na tinituruan ang kaniyang anak ng kultura at tradisyon ng Japanese.
- Cary-Hiroyuki Tagawa bilang Hashi, taong bayan at tagahanga ni Kubo.
- Brenda Vaccaro bilang Kameyo, tumatayong lola ni Kubo.
Musika: Dario Marianelli
Taga-ayos: Christopher Murrie
Taga-pamahagi: Focus Features
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Ang tahimik na buhay ng batang si Kubo
ay biglang nagulo ng aksidente niyang natawag ang isang espiritu mula sa
nakaraan. Sa kaniyang pagtakbo dito, nakipagtulungan siya kay unggoy at
salagubang upang mabuksan ang isang sekretong pamana. Gamit ang kaniyang
mahiwagang instrumento ililigtas niya ang kaniyang pamilya at tutuklasin ang
misteryo sa pagkawala ng kaniyang ama na isang magaling na mandirigma at
labanan ang hari ng Buwan at mga halimaw na kasama nito.
Pagsusuri:
Ang kuwentong ito ay tungkol kay
Kubo na naatasan na hanapin ang mahiwagang kalasag na magiging proteskyon niya
sa paglaban sa masamang si Haring Buwan. Base ito sa alamat ng Japanese na
dinagdagan pa ng mga kakaibang eksena sa
panulat nina Chris Butler at Marc Haimes na magpapasok sa mga manonood sa mundo
ng kathang isip.
Pero sa panahon ngayon ang
pagiging maganda ng isang kathang isip na pelikula ay hindi lang dahil sa
kuwento kundi pati kung gaano ito naipakita sa mga manonood at dito nakalamang
ang Kubo.
Sa nakakatuwang instrumento ni
Kubo, mapapatitig ka sa iyong pinanonooran na parang bata. Dadalhin ka nito sa
isang mundo ng kakaibang kuwento at imahinasyon.
Sa paglalakbay ni Kubo sinamahan
siya ng mainitin ang ulo na unggoy at isang malaking salagubang na nagampanan ng
maayos nina Theron at McConaughey.
Ito ay kuwento na
nagpapakita ng katapangan, pagmamahal ng magulang sa anak at pagkakaroon ng
magandang istorya. Sinabi ni director Knight na ang Kubo and the Two String ay parangal sa buong Japanese mula sa
pagpipinta ng mga ito sa kahoy, ang makalumang sining na origami hanggang sa
mga gawa ni Akira Kurosawa at Steven Spielberg. Nakakamangha ang animasyon at
aksyon ng pelikula na hindi natatabunan ang mga kakaibang karakter. Ang palabas
na ito ay siguradong magpapaiyak, magpapatawa at magpapasaya sa mga manonood.
No comments:
Post a Comment