Petsa nang Pagpapalabas: Setyembre 28, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 58minuto, PG
Direktor: Emmanuel Dela Cruz
Kategorya: Romance, Drama
Bida sa Pelikula: Alex Gonzaga (Rocky/Raquel), Joseph Marco (Rich), Carl Guevarra (Timmy)
Taga-pamahagi: Regal Entertainment Inc.
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog
Buod:
Kilala si Rocky bilang “Pambansang Rebound Girl” dahil lahat nang kaniyang nagiging nobyo ay bumabalik sa kani-kanilang dating girlfriend kapag nagpapakita ang mga ito. Gusto nang kaniyang ama na sumunod na ito sa kaniya sa ibang bansa ngunit ayaw ni Rocky kaya nagtayo siya nang kaniyang sariling negosyo na isang café kasama si Timmy at iba pang kasosyo. Ngunit kagaya din nang iba niyang relasyon, biglang umalis sa negosyo si Timmy nang magkabati sila nang kaniyang dating kasintahan. Dahil si Timmy ang may pinakamalaking bahagi sa gastos sa negosyo nila hindi malaman ni Rocky kung saan siya kukuha nang pera at naisip niya na isara na lang ang café nang bigalng dumating sa buhay niya si Rich. Ang kanilang madalas na pagaaway ay nauwi sa isang romantikong pagtitinginan. Ngunit natatakot si Rocky na baka maging panakip butas na naman siya.
Pagsusuri:
Palaging sawi sa pag-ibig si Rocky sa kaniyang mga nagiging relasyon dahil lagi siyang nagiging panakip butas nang kaniyang mga dating nobyo. Hanggang sa dumating siya sa puntong gumawa siya nang mga patakaran para hindi na ito maulit sa kaniya.
Nagtayo sina Rocky kasama ang kaniyang mga kaibigan nang isang shop nang kape. Gusto nilang maging malakas ang kanilang tindahan kaya humanap sila kung saan may masarap na mapagkukunan nito. At dito nakilala nila si Rich na isang magtatanim nang kape na gustong sagipin ang kanilang taniman mula sa kagustuhan nang kaniyang ina na ipagbili ito. Nakipagkasundo siya sa grupo ni Rocky na siya ang magdadala sa knila nang kape at magiging isa sa kasosyo nila sa negosyo.
Parehas na galing sa hiwalayan sina Rocky at Rich kaya kahit tinutukso sila para sa isa’t isa hindi nila ito binigyan nang pansin. Ngunit dahil palagi silang nagkakasama at nagkakausap umusbong bigla ang isang pagiibigan na hindi inaasahan.
Ang katauhan ni Rocky ay halos napaparehas kay Alex Gonzaga, ang pagiging masayahin at kalog nito sa tunay na buhay. Sa kaniyang karakter naging bossy siya na lahat halos kailangan na dumaan sa kaniya, ultimo pati kulay at ayos nang kaniyang café kailangan pumasa sa kaniyang panlasa.
Ang palabas na My Rebound Girl ay nagnanais na magbigay inspirasyon sa lahat nang umibig, umiibig at iibig na huwag tayong susuko sa pag-ibig kahit ano pa ang ating naging karanasan. Ngunit hindi ito masyadong nakita sa pelikula lalo na nung balikan si Rich nang kaniyang dating nobya na si Sophia at parang gusto na din agad nitong balikan ang babae at biglang nakalimutan na ang kanilang pinagsamahan ni Rocky.
Medyo nakakainip rin ang pelikulang ito marami kasing mga eksena ang hindi naman masyadong kailangan sa mga eksena.
Nagkukulang pa rin sa pag-arte si Marco. Hindi nakatulong ang ganda nang kaniyang katawan sa kaniyang pagganap bilang Rich. Bonus lang ito para sa pelikula.
Ngunit ang spark sa tambalang Gonzaga at Marco ay hindi ko masyadong naramdaman at nakita. Buti na lang binawi namn ito nang magandang tanawin nang taniman nang kape sa Benguet.
No comments:
Post a Comment