Saturday, October 29, 2016

Robinson Crusoe: The Wild Life

Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 26, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 30minuto
Direktor: Vincent Kaeteloot, Ben Stassen
Kategorya: Komedya, Paglalakbay
Panulat ni: Lee Christopher, Domonic Paris, Graham Weldon
Prodyusers: Gina Callo, Mimi Maynard, Domonic Paris, Ben Stassen, Caroline Van Iseghem
Boses sa Pelikula: Yuri Lowenthal (Robinson Crusoe), David Howard Thornton (Mak), Laila Berzins (Tapir Rosie), Joey Camen (Scrubby), Sandy Fox (Epi), Colin Metzger (Carmello)
Musika: Ramin Djawali
Base sa: Robinson Crusoe ni Daniel Defoe
Taga-pamahagi: StudioCanal
Bansa: France, Belgium
Lingguwahe: Ingles, French, German
Buod:
Si Mak ay isang parrot na inip na inip na sa kanilang isla, gustong gusto niyang umalis doon. Isang araw isang bagyo ang dumating at nawasak ang sinsakyang barko ni Robinson Crusoe. Umalis ang kaniyang mga kasama sakay ng mga bangka at siya kasama ang dalawang pusa at isang aso ay naiwan sa  nasirang barko. Habang naghihintay ng tulong sina Crusoe si Mak ay nagpunta sa barko nila na malapit sa isla. Samantalang ang dalawang pusa naman ay gumawa ng paraan upang makaganti sa mga ginawa sa knila ng mga tao at angkinin ang isla. Sinabi niya sa mga hayop sa isla na kakainin ni Crusoe si Mak, kung kaya gumawa sila ng paraan para sunugin ito na ikinamatay ng isa sa mga ibon ni Crusoe. Matapos ang sunog nagpunta si Crusoe sa isla at doon tumira habang naghihintay ng may tutulong sa kaniya. Isang barko ng pirata ang dumating at pilit isinasama si Crusoe ngunit niligtas niya si Mak at ang nakuha ng pirata ay ang dalawang masamang pusa.
Pagsusuri:
Kainip inip ang pelikulang ito. Walang masyadong bago ang pinakita o nakita sa mga karakter o eksena. Madami na din ang nagawang pelikula n may kaugnayan sa istorya ni Crusoe na mas kaiga-igayang panoorin.
Para itong Cast Away na may Pirates of the Carribean at Rio samahan pa ng mga nagsasalitang hayop na pinagsama-sama sa isang pelikula. Nakakapagtaka din kung bakit magkaiba ang tawag sa pelikula. Robin Crusoe ito sa buong mundo samantalang The Wild Life sa north Amerika.
Sa bagong pelikulang ito si Crusoe ay napapalibutan ng mga nagsasalitang hayop sa isla kung saan ito napadpad. Ngunit ang istorya ay ikinukuwento ng mga hayop at hindi ni Crusoe.
Ang animasyon na gumawa sa palabas na ito ay walang naipalabas na kakaiba at bago sa paningin ng manonood. Maraming ay nakita na at mas maganda pa ang presentasyon.
Ang mga pag-uusap ng bawat karakter ay hindi na din minsang nakakatawa at parang pilit na ito na hindi nakakaganda sa pelikula.
Base sa libro ni Daniel Defoe ito ay kuwento ni Crusoe kung saan napunta ang kaniyang sinasakyan sa isang isla na maraming hayop. Hindi pinagkakatiwalaan ng mga hayop na ito ang mga tao. Ngunit tanging si Mak na isang parrot ang naniniwalang hindi si Crusoe nananakit. Habang naghihintay ng tulong nagtayo si Crusoe ng bahay sa taas ng puno. Tinakot ng mag hayop si Crusoe sa pamamagitan ng mga tunog na nakakatakot na kahit ang mga batang manonood ay hindi man lang ito katatakutan. Na magiging hindi interesante sa mga matatandang kasama nila.

No comments:

Post a Comment