Tuesday, October 25, 2016

Max Steel

Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 19, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 32minuto
Direktor: Stewart Hendler
Kategorya: Pantasya, Sci-fi
Panulat ni: Christopher Yost
Prodyusers: Bill O’Dowd, Julia Pistor
Bida nang Pelikula: Ben Winchell (Maxwell “Max”McGrath/Max Steel), Josh Brener (boses ni Steel), Ana VillafaƱe (Sofia Martinez), Andy Garcia (Dr. Miles Edwards), Maria bello (Molly McGrath), Mike Doyle (Jim McGrath), Billy Slaughter (Agent Murphy)
Musika: Nathan Lanier
Sinematograpiya: Brett Pawlak
Taga-ayos: Michael Louis Hill
Taga-pamahagi: Open Road Films
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Ito ay kuwento ng tinedyer na si Max McGrath at ng alien na si Steel na kung saan puwede silang magsama upang makapaglabas ng kakaibang enerhiya upang maging isang superhero na si Max Steel. At dahil dito nahihirapan siyang tanggapin ang kaniyang kapalaran, na nagtulak sa kaniya upang hanapin ang katotohanan at makipaglaban upang mailigtas ang mundo.
Pagsusuri:
Ang Max Steel ay nahahawig sa mga maaksyong karakter gaya ng Transformers. Ito ay kuwento ng isang tinedyer na lalaki na nagngangalang Max na muling bumalik sa dati nilang tirahan kasama ang kaniyang ina matapos ang misteryosong pagkamatay ng kaniyang ama. Kaniyang biglang nadiskubre na nakakapaglabas siya ng isang kakaibang enerhiya na nakakawasak ng kahit anong teknolohiya na nasa paligid niya. Ang enerhiya ding ito ang gumising sa isang alien na si Steel na kumakaen ng kaniyang enerhiya at mukhang may alam tungkol sa nangyari sa kaniyang ama.
At sa hindi inaasahan, pisikal na nakakaugnay si Steel sa kaniya na nakapagbibigay sa kaniya ng malakas na baluti at kakaibang abilidad. At ito ay hindi madalas na nangyayari sa kaniya.  Tumalakay ang kuwento sa paghanap niya ng katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama na hindi naman binigyan ng kahit anong palatandaan si Max sa paghanap nito.
Nakakainip ang pelikula, marami sa mga eksena ay nakita mo na sa iba. Samantalang ang ibang parte ay isinama lang dahil kailangan lagyan o samahan. Gaya na lang ng pagkakaroon ng love interes ng bida. Kung tutuusin inilagay lang upang masabing kailangan nilang mainlove sa pelikula na hindi naman kailangan.
Hindi masyadong nabigyan ng pokus ang pagiging superhero at ang kapangyarihan nito. Marami ay puros pagtatago lang ng mga bagay bagay kay Max, na maaari namang hindi itago sa kniya.
Ang pagarte ni Winchell ay hindi masyadong kaigaigaya, ngunit binawi naman ito ng mga sumusuportang papel na sina Garcia at Bello na nagbigay ng magandang pagganap.
Nakakadismaya ang pelikulang ito sa isang maaskyon karakter gaya ni Max Steel. Ang pinaka buod ng kuwento ay ang maghintay kung paano madidiskubre ang lahat na naging kainip inip sa mga manonood.

No comments:

Post a Comment