Tuesday, October 18, 2016

Inferno

Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 12, 2016
Haba nang Pelikula: 2oras 1minuto
Direktor: Ron Howard
Kategorya: Misteryo, Krimen
Panulat ni: David Koepp
Prodyusers: Brian Grazer, Ron Howard
Bida nang Pelikula:
  • Tom Hank bilang Robert Langdon, propesor ng symbology sa unibersidad ng Harvard.
  • Felicity Jones bilang Dr. Sienna Brooks, doctor na tumulong kay Langdon na tumakas.
  • Omar Sy bilang Christoph Bouchard, pinuno ng grupong SRS.
  • Ben Foster bilang Bertrand Zobrist, isang siyentipiko ng transhumanist, na gustong resolbahin ang problema sa dumadaming populasyon ng mundo.
  • Sidse Babett Knudser Elizabeth bilang Elizabeth Sinskey, pinuno ng  World Health Organization.
  • Irrhan Khan bilang Harry “The Provost”Sims, pinuno ng Consortium, tumutulong kay Zobrist sa kaniyang misyon.
Musika: Hans Zimmer
Sinematograpiya: Salvatore Totino
Taga-ayos: Dan Hanley, Tom Elkins
Taga-pamahagi: Columbia Pictures
Base sa Nobela na: Inferno ni Dan Brown
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Sinusundan ng sikat na symbologist na si Robert Langdon ang mga palatandaan na nauugnay sa dakilang si Dante. Nang magising si Langdon sa ospital ng Italya na may amnesiya, nakipagtulungan siya sa doctor na si Sienna Brooks upang maibalik ang kaniyang memorya. Sa tulong nito naglakbay sila sa buong Europa upang makipaghabulan sa oras at pigilin ang  isang kaaway na nais maghasik ng  mikrobyo na puwedeng pumatay sa populasyon ng mundo.
Pagsusuri:
Sampung taon na mula ng unang pagbidahan ni Tom Hanks ang kilalang si Robert Langdon sa The Da Vinci Code at  nasundan ito ng Angels and Demons.
Ang Inferno ay halaw sa pangatlong libro ni Dan Brown na may kaparehas na pamagat. Ang kuwento ay halos nahahawig sa mga nakaraang mga pelikula na tumatakay sa mga kasaysayan at sabwatang naganap sa mga palaisipang ito.
Si Langdon ay muling tinawag upang magsiyasat ng isang kasaysayan. Ang magagandang gallery, simbahan at palasyo ng Florence, Venice at Istanbul ay tiyak na mgugustuhan ng mga manonood.
Samantalang ang mga nakaraang pelikula ay may mga nakataya sa Kristiyanismo laban sa siyensya, ang Inferno naman ay sumasakop sa lahat ng aspeto. Sa panonood nito para kang sumama sa isang paglalakbay na bumibisita sa mga makasaysayang lugar ng mundo.
Nabigyan nang kakaibang twist ang pelikula ng magising si Langdon sa isang ospital sa Florence na hindi makaalala kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Hindi din niya maalala kung bakit may gustong pumatay sa kaniya at kung bakit siya nagkakaroon ng pangitain ng Black Plague. Sinamahan pa ito ng masamang bilyonaryong biochemist  na si Zobrist, at ang Divine Comedy ni Dante na lahat ay kailangan niyang alalahanin.
Hindi lang kailangan na kilalanin niya ang bilyonaryong si Zobrist na gumagawa ng isang kakaibang proyekto kundi pati kung sino ang kaniyang kakampi o kaaway.
Tinulungan siya ng isang doctor na si Felicity Jones na kilala si Langdon at si Dante. Magkasama nilang tinuklas ang mga palaisipan ng kasaysayan sa buong Europa.

No comments:

Post a Comment