Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 23,2016
Haba nang Pelikula: 1oras 47minuto
Direktor: Ron Clements, John Musker
Kategorya: Animasyon, Musikal, Aksyon, Pantasya, Komedya
Panulat ni: Jared Bush
Istorya ni: Ron Clements, John Musker, Chris Williams, Don Hall, Pamela Ribon, Aaron and Jordan Kandell
Prodyusers: Osnat Shurer
Bida nang Pelikula:
- Auli’I Cravalho bilang boses ni Moana – anak ng pinuno ng tribo at pinili ng karagatan upang ibalik ang puso ng Te Fiti.
- Dwayne Johnson bilang boses ni Maui – sikat na shapeshifting demigod na sumama kay Moana sa kaniyang paglalakbay upang ibalik ang puso ng Te Fiti na kinuha niya dati.
- Rachel House bilang boses ni Tala – ang lola ni Moana na nang-engganyo sa kaniya na umalis sa kanilang tribo at maglakbay papuntang Te Fiti.
- Temuera Morrison bilang boses ni Tui – ang ama ni Moana.
Musika ni: Mark Mancina, Lin-Manuel Miranda, Opetaia Foa’i
Taga-ayos: Jeff Draheim
Taga-pamahagi: Walt Disney Studios, Motion Pictures
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Simula pagkabata pa lang mahilig na si Moana na maglaro sa dagat na mahigpit na tinututulan ng kaniyang ama na pinuno ng kanilang tribo. Sinabi ng kaniyang ama na si Moana ang magmamana ng pamamahala sabuong tribo kaya kailangan niyang pag-aralan ito at hindi ang karagatan. Noong bata siya madalas siyang laruin ng dagat na parang pinili talagasiya nito para sa isang paglalakbay. Makalipas ang ilang taon nagdalaga siMoana at napansin niyang namamatay ang mga halaman at ang mgaprutas ay nangingitim sa kanilang lugar. Maging ang mga isda ay walading mahuli. Nalaman ni Moana na ang kanilang tribo pala ay isang tribong mga manlalayag at itinatago lamang ng mga ito ang kanilang mgamalalaking bangka sa isang kuweba. Mayroon ding kuwento ang kaniyanglola na maaring ang dahilan ng pagkamatay ng mga halaman at kagubatanay dahil sa pagkawala ng puso ng Te Fiti sa pamamagitan ng pagkuha ditong demi God na si Maui. Kailangan maibalik ang puso sa tamangkalagyan nito upang bumalik ang sigla ng kanilang lugar. Nagpasya si Moana na iwan ang kanilang tribo upang maglakbay, dala ang puso ng TeFiti na mula sa karagatan kailangan niyang hanapin si Maui upangmatulungan siyang ibalik ito. Nahanap niya si Maui na nasa isang isla, pumayag si Maui na tulungan si Moana kung kapalit nito ay tutulungannaman siyang hanapin ang kaniyang hook. Nakuha nila ang hook ni Maui mula sa isang malaking crab, tinuruan din siya ni Maui na maglayag. Nang malapit na sila sa isla kung saan ibabalik ang puso biglang lumitaw angisang dambuhala ng apoy at natapon si Moana at Maui sa malayo. Dahil sapagkakaroon ng crack ng hook ni Maui nagalit siya kay Moana at iniwanito. Halos sumuko na din si Moana ngunit nagpakita sa kaniya ang kaniyang lola at muli siyang nagkalakas ng loob upang ibalik ang puso. Dala ang tapang at talino muling bumalik si Moana sa isla at napagtagumpayan niyang makalusot sa dambuhalang apoy sa tulong nadin ng nagbabalik na si Maui. Naibalik ang puso sa dibdib ng dambuhalaat muling bumalik ang malusog na isla ng Te Fiti.
Pagsusuri:
Tiyak na papatok sa mga bata ang kuwento ng Moana. Hindi lang ito kapupulutan ng mga aral kundi matutuwa din ang lahat sa karakter ninaMoana at Maui.
Ang kuwento ay nagsimula sa batang si Moana na pinili ng dagat upangibalik ang nawalang puso ng Te Fiti katulong ang demi God na si Maui. Maayos ang pagkakalahad ng kuwento at madali itong mainitndihan.Walang paikot ikot kundi direktang ikinuwento ang nais maiparating samga manonood.
Nakakatuwa din ang iba’t ibang karakter na mas lalong nakapagpasaya sakuwento. Andyan ang manok na napasama sa paglalakbay ni Moana nghindi sinasadya. Madalas itong pabigat kay Moana pero palagi parangnaliligtas. Ang tribo ng mga niyog na nais humuli kina Moana at Maui ay nakakatuwa din. Sino magaakala na magkakaroon ng isang tribo ng niyogna naglalakad at humuhuli pa ng tao?
Nagbahagi din ng ilang paraan kung paano maglayag sa isang bangka. Kung paano sukatin ang lamig at init ng tubig. Kung paano basahin angmga bituin at kung paano magtali sa isang bangka. Karagdagangimpormasyon din ang ibinahagi ng pelikulang ito.
Maraming aral ng buhay din ang natunghayan sa palabas. Una ang hindipagsuko kahit gaano kahirap ang iyong pinagdadaanan. Kahit mabigo saunang pagkakataon, huwag tumigil sa pagtatry upang makamit angminimitihing resulta. Pangalawa sundin ang kagustuhan ng puso dahilhindi ito magkakamali kung susundin natin ang ibinubulong nito. Kung saan tayo magiging masaya ito ang gawin natin. At huli maging matapangsa mga pagsubok na maaring dalhin sa ating buhay.
Magaling ang pagkakaganap ng boses ni Johnson at bagay na bagay siyasa karakter ni Maui. Napakagaling din ng boses hindi lang sa pagganapkundi pati sa pagkanta ni Cravalho bilang si Moana.
thank so much
ReplyDeleteano ang iminumungkahi ng pamagat sa moana
ReplyDelete