Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 5, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 52minuto
Direktor: Tate Taylor
Kategorya: Misteryo, Drama
Panulat ni: Erin Cressida Wilson
Prodyuser: Marc Platt
Bida sa Pelikula: Emily Blunt (Rachel
Watson), Rebecca Ferguson (Anna Watson), Haley Bennett (Megan Hipwell), Justin
Theroux (Tom Watson), Luke Evans (Scott Hipwell), Allison Janney (Detective
Sgt. Riley), Edgar Ramirez (Dr. Kamal Abdic), Lisa Kudrow (Martha), Laura
Prepon (Cathy)
Musika: Danny Elfman
Sinematograpiya: Charlotte Bruus Christensen
Taga-pamahagi: Universal Pictures
Base sa Novela na: The Girl on the Train
ni Paula Hawkins
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Tuwing sumasakay ng tren si Rachel
Watson lagi niyang nakikita ang mag-asawang Scott at Megan sa bintana nang
kaniyang kainauupuan. Isang araw nasaksihan niya ang isang nakakagulat na pangyayari
sa likod bahay nang isang hindi niya kilalang tao. Sinabi niya sa mga pulis ang
kaniyang nakita nang malaman niya na nawawala si Megan at baka patay na. Ngunit
dahil sa kalituhan naging hindi siya sigurado sa kaniyang nakita kaya nagsimula
siyang mag-imbestiga, ngunit pinagbibintangan na pala siya nang mga pulis na baka
siya ang pumatay kay Megan.
Pagsusuri:
Ang The Girl on a Train ay halaw sa
sikat na nobela ni Paula Hawkins na nagkukuwento tungkol sa isang babaeng
lasinggera na palaging sumsakay ng tren
araw araw. Madalas siyang gumawa nang pantasya sa kaniyang mga nakikita kagaya
na lang kay Megan na isang magandang babae na tingin niya ay isang larawan nang
perpektong tao. Nakikita niya kay Megan ang sarili niyang buhay, na nawala
kasama nang pagkawala nang kaniyang asawang si Tom, trabaho, bahay, ang
kaniyang pangarap na maging ina at maging ang kaniyang respeto sa sarili.
Lahat ng ito ay naikuwento ni Rachel sa
simula pa lang nang pelikula sa ilalim nang direksyon ni Tate Taylor. Pinakita
niya ang pagkatao nang bidang karakter sa likod nang kaniyang kamera. Pinuno
din ito ni Taylor nang mga memorya ni Rachel tungkol sa pagkawala nang kaniyang
asawa, ang pagiging lasengga at ang pagtangis sa kaniyang anak na hindi naman
siya nagkaroon.
Si Megan naman ay nagtratrabaho bilang
tagapagalaga nang anak ni Anna na pangalawang asawa ni Tom. Ngunit may lihim
itong si Megan at ito ay ang pagtataksil sa kanyang asawa (Luke Evans) at
pakikipagrekasyon sa kaniyang therapist (Edgar Ramirez). Samantalang si Anna ay
nag-aalala sa dating asawa ni Tom na si Rachel dahil sa madalas nitong pagtawag, mga pagbisita na
hindi inaasahan at ang kaalaman na nakatira ito malapit lamang sa kanila.
Masasabik ka sa kuwentong ito sa huling sampung
minuto. Doon mo mararamdaman ang kaba sa mangyayari. Maayos na naipakita ang
pelikula sa kamay nang mga bumuo nito sa likod nang kamera. Ngunit hindi sila nagtagumpay
sa pagsasa pelikula nang sikat na nobela.
Madalas na nangyayari sa ngayon na kapag bumenta nang marami ang isang aklat
ito ay nagiging palabas. Ayos lang khit hindi maayos ang pagkakasalin sapagkat
tatangkilikin pa rin ito nang mga manonood. Upang malaman lamang sa huli na mas
maganda pa rin ang nasa libro.
No comments:
Post a Comment