Petsa nang Pagpapalabas: Hulyo 6, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 50minuto
Direktor: Brillante Mendoza
Kategorya: Drama
Panulat ni: Troy Espiritu
Prodyusers: Larry Castillo
Bida nang Pelikula: Jaclyn Jose (Rosa), Julio Diaz (Nestor), Baron Geisler (Sumpay), Jomari Angeles (Erwin), Neil Ryan Sese (Olivarez), Mercedes Cabral (Linda), Andi Eigenmann (Raquel), Mark Anthony Fernandez (Castor), Felix Roco (Jackson), Mon Confiado (Sanchez), Maria Isabel Lopez (Tilde)
Musika: Teresa Barrozo
Sinematograpiya: Odyssey Flores
Taga-ayos: Diego Marx Dobles
Taga-pamahagi: Film Production, Paris
Bansa: Pilipnas
Lingguwahe: Tagalog, Filipino
Buod:
May apat na anak ang mag-asawang Rosa at Nestor at munting sari-sari store sa kanilang lugar sa Manila. Ang kita sa kanilang maliit na tindahan ay hindi sapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya, kaya pati mga droga ay itinitinda niya. Isang araw nahuli ang mga ito ng pulis at upang makalaya kailangan nila magbigay ng lagay sa kanila. Nang hindi pumayag sina Rosa nakulong sila at naiwan ang kanilang mga anak upang humanap ng pera upang mailabas ang kanilang magulang sa kulungan.
Pagsusuri:
Ang istorya ng Ma’Rosa ay tumatalakay sa kahirapan ng buhay ng isang tipikal na pamilya na napasailalaim sa mga tiwaling pulis. Nakakagulat at nakakagalit ang mga revelasyon sa palabas na ito.
Napakagaling sa pagganap ni Jacklyn Jose kaya kung hindi ninyo pa nakikita ang pelikula, kailangan ninyo itong panoorin. Dahil siguradong may dahilan ito kung bakit ito naging nominado sa prestihiyosong Cannes Film Festival.
Ikinuwento ng beteranong director na si Brillante Mendoza ang tungkol sa mag-asawang Nestor at Rosa na may maliit na tindahan sa kanilang lugar. Dahil maliit lang ang kinikita ng mga ito sa kanilang tindahan, napupunuan ito ng pagtitinda nila ng shabu na isang klase ng illegal na droga na binebenta nila sa maliliit na pakete.
Sa pamilyang naghihikahos sa hirap lahat ng sentimo ay mahalaga. Kaya gingawa lahat ng mag-asawa upang kumita. Dahilan na rin sa kanilang tatlong anak na kailangan nilang pakainin at ang isa pa ay nagkokolehiyo.
Ngunit hindi nila inaasahan na may magsusumbong sa kanila sa mga pulis.
Dumating ang mga pulis sa bahay nina Rosa at hinuli silang mag-asawa kasama ng mga ebidensyang nakuha sa kanilng bahay. Makikita mo dito ang katotohanang laganap ang droga kahit saan at maging ang mga tiwaling pulis na nagsasamantala sa mga mahihina.
Tinanong ang mag-asawa sa pagdating nila sa istasyong ng pulis. At ang kagulat gulat sa lahat tinanong sila ng pulis kung ano ang pipiliin nila kung makukulong sila at ang krimen nagawa nila ay hindi puwedeng magpiyansa o magbibigay sila sa kanila ng dalawang daang libong piso para ayusin ang kaso at mapalaya na sila. Tinakot nila ang mag-asawa upang bumigay sa mga hinihiling nila. At kung gaano sila pahihirapan sa loob ng kulungan.
Nagpapakita ito kung paano gipitin ng mga tiwaling pulis ang maliliit na tao na nakagawa ng mali. At kung paano nilang itinago ang kanilang kasalanan kanilang ginawa.
Nang malaman ito ng kanilang mga anak gumawa sila ng paraan upang mailabas agad ang kanilang magulang sa kulungan.
May mga parte sa palabas na minsan kagulat gulat at hindi mo inaasahan. Ngunit nais ng pelikulang ito ang ipakita sa mga tao na magkaroon ng bukas na isip sa mga pangyayare, na minsan ay tunay na nagaganap sa maraming tao. Siguradong maraming matututunan ang mga manonood dito.
Kahirapan ng buhay ang minsan nagtutulak sa maraming tao na gumawa ng mali. Idinodokumentaryo nito ang buhay ng isang kagaya ni Rosa.
Mararamdaman mo ang kakaibang aura ng pelikula na inilabas ang walang katarungang sistema na nagaganap sa mga mahihirap na biktima hindi lang ang mga tiwaling pulis kundi ng illegal na droga.
Ang Ma’Rosa ay napiling lumaban sa Palme d’Or sa 2016 Cannes Film Festival. Kung saan nanalo si Jaclyn Jose ng parangal ng pinakamagaling na aktres.
No comments:
Post a Comment