Thursday, October 27, 2016

Good Kids

Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 12, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 30minuto
Direktor: Chris McCoy
Kategorya: Komedya
Panulat ni: Chris McCoy
Prodyusers: Nicolas Chartier, Andrew Miano, Dominic Rustam, Chris Weitz, Paul Weitz
Bida nang Pelikula: Nicholas Braun (Andy), Zoey Deutch (Nora), Mateo Arias (The Lion), Israel Broussard (Spice), Dayo Okeniyi (Conch), Julia Garner (Tinsley), Ashley Judd (Gabby)
Musika: Lucian Piane
Sinematograpiya: Jimmy Lindsey
Taga-ayos: Evan Henke, Amy McGrath
Taga-pamahagi: Vertical Entertainment
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Apat na istudyante ang nakapagtapos na ng high school ngunit nararamdaman nila na parang may kulang sa kanilang buhay dahil masyado silang mababait. Kung kaya’t napag-isipan nilang baguhin ang kanilang sarili upang magsaya at makaranas ng iba’t ibang bagay ng magkakasama bago sila magkolehiyo.
Pagsusuri:
Ang nakakatawang pelikulang ito ay tungkol sa apat na istudyante na nabuhay ng mababait at magagaling sa iskwelahan kumbaga sila ung mga anak na hindi mo proproblemahain. Noong bakasyon bago sila pumasok sa kani kanilang iskwelahan para magkolehiyo naisipan nina Andy, Nora, Spice, The Lion na magsaya at maranasan lahat ng bagay na hindi nila naranasan noon. Si Andy ay nakipagtalik sa lahat ng mayamang may asawa na tumatangkilik sa kanilang club kung saan siya ay isang tennis coach. Si Nora naman ay nagsimulang makipagrelasyon kay Erland na kasamahan niya sa isang lab. Samantalang si The Lion ay tumikim ng iba’t ibang klase ng droga at si Spice ay naghanap kung saan puwede niyang mailabas ang init ng kanyang katawan. Patuloy pa rin si Andy sa pakikipag-ugnayan sa isang babae na taga India na nakilala niya sa internet. Hindi niya alam kung tunay ba ito o hindi.
Ito ang unang pelikula ni Chris McCoy bilang director at panunulat. Walang masyadong kakaiba sa pelikulang ito. Gaya lang din ito ng mga tinedyer na pelikula na sa huli matutunan ang dapat malaman ng bawat karakter. Maraming biro ang hindi na nakakatawa o mas tamang sabihin na hindi katawa-tawa dahil madalas ng nagagamit at naririnig.
Ang pagganap ni Braun bilang Andy ay hindi kapansin pansin. Hindi nakakabumbinsi ang kaniyang mga pag-arte na nagiiwan lamang sa mga manonood ng mga eksenang hindi naman nakakatuwa. Nakuha naman ni Nora ang mga manonood sa kaniyang aking karisma at pagganap na kagigiliwan ng lahat.
Lahat ng bagay sa mundo ay kailangan ng balanse. Hindi maaring puro trabaho lamang at aral ang buong buhay mo. Marami ang hindi naituturo ng aklat o ng mga titser sa iskuwelahan. Kadalasan mas natututo tayo sa mga bagay na nararanasan natin at nagagawa natin sa araw araw.  At dito nalalaman natin ang tama sa mali at nagdedesisiyon tayo ayon sa gusto nating marating o puntahan sa hinaharap.

No comments:

Post a Comment