Petsa nang Pagpapalabas: Setyembre 30, 2016
Haba nang Pelikula: 2oras 7minuto, PG-13
Direktor: Tim Burton
Panulat ni: Jane Goldman
Kategorya: Adventure, Fantasy
Prodyusers: Peter Chernin, Jenno Topping
Bida sa Pelikula: Asa Butterfield (Jake), Ella Purell (Emma), Eva Green (Miss Peregrine), Samuel L. Jackson (Barron), Judi Dench (Miss Avocet), Chris O’Dowd (Franklin), Terence Stamp (Abraham), Allison Janney (Dr. Golan), Rupert Everett (Ornithologist)
Musika: Mike Higham, Matthew Margeson
Ipinamahagi nang : 20th Century Fox
Base sa: Miss Peregrine’s Home for Peculiar Children ni Ransom Riggs
Bansa: United States
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Nang madiskubre ni Jake ang isang misteryo tungkol sa pagbalik sa oras, kaniyang napag-alaman ang isang sekretong lugar ni Miss Peregrine’s Home for Peculiar Children. Nakita niya na ang mga nkatira doon ay may mga kakaibang kakayahan na puwedeng magdala sa kanila sa kapahamakan at sa kamay nang kanilang mga kaaway. At dito malalaman ni Jake kung sino ba talaga siya at sino ang mga dapat niyang pagkatiwalaan.
Pagsusuri:
Ang bagong handog na pelikula ni Tim Burton na Miss Peregrine’s Home for Peculiar Children ay halos nakakapreha nang mga palabas na kaniyang ginawa gaya nang Alice in Wonderland at Dark Shadows.
Ang Miss Peregrine ay base sa nobela ni Ransom Riggs’na naisulat noong 2011 na may kaparehong pamagat. Ito ay tungkol sa isang batang lalaki na naghahanap nang katarungan tungkol sa pagkamatay nang kaniyang lolo na naghatid sa kaniya sa isang isla sa Wales. Dito nakatira ang ilang mga kabataan na may kakaibang abilidad kasama ang kanilang punung-guro na may kakaibang ding kapangyarihan na kilala bilang si Miss Peregrine. Ngunit isang araw biglang nanganib ang kanilang buhay nang matuklasan nang mga kaaway ang kanilang pinagtataguang lugar.
Pinangungunahan ang pelikula ni Penny Dreadful na bida sa 300:Rise of an Empire, ang aktres na si Eva Green bilang Miss Peregrine at si Asa Butterfield bilang Jacob, isang binata na napunta sa isang kakaibang lugar na may mga kakaibang nakatira. Kasama din nila sina Samuel L. Jackson bilang isang tao na nagpapalit palit nang katauhan at kumukuha nang mga mata, at si Ella Purnell bilang isang babaeng may kapangyarihan sa hangin sa kaniyang paligid.
Dahil sa kakaibang mga karakter at abilidad ang pelikulang ito ay tamang tama kay Tim Burton. Ngunit mas nakapagpaganda pa dito ang pagsulat ni Goldman upang mas maipakita ang mga kakatuwang abilidad nang bawat isa.
Palaging pa ring nakaw eksena ang mga papel na ginagampanan ni Eva Green. Lagi itong may dating sa kada istoryang kaniyang kinabibilangan.
Nakakabilib ang visual effects na akala mo nasa loob ka mismo nang pelikula at nakikipaglaban. Bukod sa pagkakaroon nang mga kakaibang abilidad nang bawat karakter, halos nahahawig lamang din nito ang ibang palabas gaya nang X-men na kailangan tulungan at protektahan ang kanilang mga kaibigan. At si Green bilang siyang punong tagapag alaga ang siyang nangungunang protector nang mga bata na sinamahan pa ni Butterfield na may kakaibang gagampanan sa istorya ito. Ngunit bagaman kahit parehas lang ito nang iba na tumtalakay sa mga tagapagligtas (superhero) masasabi pa rin na isa ito sa mga magandang pelikula ni Tim Burton. Nagpapaalala sa lahat kung gaano kagaling ang isang Burton hindi lang sa imahinasyon sa pelikula kundi sa pagbuo nang mga eksena.
No comments:
Post a Comment