Theater movie Poster |
Petsa nang Pagpapalabas: Pebrero 15, 2017
Haba nang Pelikula: 1oras 58minuto
Direktor: Cathy Garcia-Molina
Kategorya: Drama, Komedya, Romance
Panulat ni: Carmi Raymundo, Jancy Nicolas, Gillian Ebreo, Cathy Garcia-Molina
Prodyusers: Charo Santos-Concio, Malou Santos
Bida nang Pelikula:
- Liza Soberano bilang si Cali/Calixta – may-ari ng blog na “Bakit List”, hirap ng magtiwala dahil sa nangyari sa kaniyang mga magulang, niloko ni Gio.
- Enrique Gil bilang si Gio – may-ari ng blog na “Dahil List”, ex-boyfriend ni Cali na gusto niyang balikan.
- Ryan Bang bilang si Lee – bestfriend nina Gio at Cali na nag-imbita sa kanila sa Korea upang umatend sa kaniyang kasal.
- Karen Reyes bilang si Nina – bestfriend ni Cali.
- Joey Marquez bilang si Pops – ama ni Gio.
- Ara Mina bilang ina ni Cali – niloko at madalas na pinagpapalit ng kaniyang ama sa ibang babae.
- Emilio Garcia bilang ama ni Cali.
Taga-pamahagi: StarCinema
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog, Ingles, Korean
Buod:
Si Cali ang blogger sa likod ng sikat na blog na “Bakit List” sa pen name na Delilah. Dati niyang nobyo si Gio na nangakong hindi siyang sasaktan at lolokohin ngunit hindi inaasahan na may mangyari dito at sa road manager niya nung lasing na lasing si Gio. Mula noon hirap ng magtiwala si Cali isali pa ang panlolokong ginawa ng kaniyang ama sa kaniyang ina. Lahat ng bakit ay itinatanong niya sa kaniyang blog na umaani ng madaming komento at followers. Hindi sinasadyang makita siya ni Gio sa isang blog conference na muli nagpabalik sa pagmamahal ni Gio kay Cali. Ginawa ni Gio ang lahat upang patawarin siya ni Cali at ipakita dito na nagbago na siya. Ngunit hindi naniniwala si Cali, hanggang unti unting muling mahulog ang loob niya kay Gio dahil sa pagpunta nila sa Korea.
Pagsusuri:
Pinuno muli ng direktor na si Cathy Garcia-Molina ng mga hugot lines at mga hindi makakalimutang mga linya ang pelikula na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Ang pelikula ay nagsimula sa isang babae na umoorder sa isang restaurant na umiiyak, habang naglalakad siya nagkasalubong sila ng isang lalaki at natapon ang order ng babae. Nagmamadaling umalis ang babae at ipinakita si Soberano bilang Cali kung saan nakaisip ito ng dapat na ipost sa kaniyang “Bakit List”. Halos common na ang istoryang ibinahagi sa atin ng pelikulang ito. At alam na alam na natin ang magiging katapusan ng mga ganitong klaseng pelikula.
Pero hindi pa rin natin matatanggi na relate na relate tayo sa mga linya at mga sinasabi ng bawat karakter. Na minsan naiimagine pa natin na nasa katayuan ng bidang lalaki o bidang babae. Tayong mga Filipino ay likas na mahilig sa mga romantikong pelikula. Relate ang iba dahil may mga parte ng buong palabas na nakuha o nahahawig sa pinagdaanan ng marami. Paano nga ba muling magtitiwala ang pusong nasaktan ng labis? Eto ang tanong na nais masagot ng ‘My Ex and Whys’.
Gumamit ang direktor ng mga pagbabalik tanaw upang mas bigyang diin ang mga pinagdaanan ni Cali at Gio. Nagbigay daan din ito upang mas madaling maintindihan ang kuwento at malaman kung saan nanggagaling ang sakit sa puso ni Cali.
Bagay na bagay din ang pagkanta ni Kyla sa theme song ng palabas na mas lalong nakapagpaganda sa eksena nila sa Korea.
Ibinahagi din ng palabas ang ilang magagandang lugar ng Korea lalo na ang Nami island kung nasaan ang sikat na orange trees.
Masyado maeffort sa parte ni Soberano ang pelikulang ito. Mas marami siyang mga dramatic scenes. Challenging sa parte niya. Ngunit kulang at halos hindi pa rin maramdaman ang kaniyang pag-arte. Kung hind dahil sa binibitiwan niyang mga salita baka akalain na ordinaryong eksena ito. May bigat ang kaniyang pagganap ngunit kailangan pa ng mas malalim na emosyon. Samantalang bumagay naman kay Gil ang pagiging chickboy na si Gio. Sinamahan pa si Gil ng mga nakakatuwang sina Joey Marquez, at Joross Gamboa na lalong nagpasaya sa pelikula. Sinuportahan din si Soberano nina Ara Mina, Cai Cortes, Karen Reyes at marami pang iba.
Sa huli masasagot ang katanungan kung bkit kailangan pang muling magtiwala sa taong nananakit sayo. Ating panoorin at suportahan ang “My Ex and Whys”.
No comments:
Post a Comment