Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 19, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 58minuto
Direktor: Edward Zwick
Kategorya: Aksyon, Misteryo
Panulat ni: Richard Wenk, Edward Zwick, Marshall Herskovitz
Prodyusers: Tom Cruise, Don Granger, Christopher McQuarrie
Bida nang Pelikula: Tom Cruise (Jack Reacher), Cobie Smulders (Susan Turner), Aldis Hodge (Major Espin), Danika Yarosh (Samantha Dayton), Patrick Heusinger (The Hunter), Holt McCallany (Colonel Morgan), Austin Hebert (Daniel Prudhomme), Robert Catrini (Colonel Moorcroft), Robert Knepper ( General Harkness)
Musika: Henry Jackman
Sinematograpiya: Oliver Wood
Taga-ayos: Billy Weber
Taga-pamahagi: Paramount Pictures
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Matapos ang apat na taon muling bumalik si Jack Reacher bilang militar. Hinanap niya ang kaniyang dating kasamahan na si Susan Turner na siyang katulong niya dati sa pagresolba ng mga kaso. Ngunit ng bumalik siya kaniyang napag-alaman na si Susan ay nakasuhan ng pagiispiya. Habang humahanap siya ng paraan para mapalaya ito, nakilala naman niya ang isang batang babae na nasa panganib upang malaman lamang na maaring anak niya ito.
Pagsusuri:
Kilalang kilala sa mga blockbuster na pelikula gaya ng Mission Impossible si Tom Cruise. Nakita natin siya bilang si Ethan Hunt at nasabik sa mga pakikipagsapalaran nito. Andiyan din ang The Last Samurai na idinerekta din ni Edward Zwick. At bilang Jack Reacher napatunayan niya na siya pa rin ang nag-iisang hari ng aksyon kasama ang kaniyang mapanggayumang karisma. Maraming eksena ang kapanapanabik lalo na ang pinaka katapusang bahagi kung saan nagpakita si McQuarrie ng kahanga hangang aksyon sa habulan ng kotse.
Sa muling pagbabalik ni Reacher sa Washington D.C. kaniyang nalaman na wala na sa kaniyang puwesto si Turner at naakusahan ito ng pagtataksil. Isa pang hindi inaasahang pangyayari ang gumulat sa kaniya. Isang dating prostitute ang naghahabol sa kaniya at nagsasabi na siya ang ama ng kinse anyos na batang babae na si Samantha. At dahil wala naman tayong alam sa nakaraan ni Reacher hindi natin masasabi kung totoo ito, kung kaya isinama na lamang niya ang bata.
Kung ikukumpara sa unang pelikula nito, masasabi kong mas maganda ito. Sa ekpresyon pa lamang ng mukha at kaunting kilos nakikita mo na ang mga matinding pangyayari sa bawat eksena. Masasabi kong si Cruise pa rin ang nababagay sa karakter ni Reacher at nagwa niya itong ng mahusay kahit pa nga may katandaan na siya. Siya pa rin ang maaring makapaghandog sa atin ng isang maaksyong pelikula na katutuwaan ng marami.
Ang magaling ding si Patrick Heusinger ang siyang kaaway dito kung saan naatasan siya ng isang corrupt na militar upang patayin ang dalawang sundalo upang maisisi kay Turner, at dito nagsimula ang lahat sa kuwento. Ngunit marami sa mga maaksyong parte ay halos hindi na bago at nakita na sa ibang palabas na kung tutuusin ay mas maganda pa ang pagkakagawa. Kung gusto ninyo ng aksyon, tamang tama ang pelikulang ito ngunit hindi siya ung maaalala mo o papanooring muli.
No comments:
Post a Comment