Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 19, 2016
Haba nang Pelikula: oras minuto
Direktor: Jun Robles Lana
Kategorya: Comedy, Drama
Panulat ni: Denoy Navarro-Punio, Renei Dimla
Istorya ni: Jun Robles Lana
Prodyusers: Vincent del Rosario III, Veronique del Rosario-Corpus
Bida nang Pelikula: Anne Curtis (Kylie), Dennis Trillo (Diego), Paolo Ballesteros (Benj), Will Devaughn, Yam Concepcion (Fiona), Sinon Loresca
Musika: Richard Gonzales
Taga-ayos: Thatchenko Salcedo
Taga-pamahagi: Viva Films
Bansa: Pilipnas
Lingguwahe: Tagalog, Filipino
Buod:
Si Kylie ay isang wedding planner na nagkaroon na maraming boyfriend na puro mga bakla at isa na dito ang kaniyang best friend na ngayon na si Benj. Hinikayat ni Benj si Kylie na patunayan kung bakla din ba ang kaibigan nito at dati niyang crush na si Diego. Kung kaya tiningnan niya ang mga senyales habang nag-aayos sila ng kasal nito sa kaniyang kasintahan na si Fiona.
Pagsusuri:
Ito ay kuwento ng isang desperadang babae na si Kylie. Siya ay isang wedding planner na ang mga naging nobyo ay puro mga bakla. At sa kaniyang mga naranasan naging magaling na siya sa pagtingin at pagkilala sa tunay na kasarian ng mga lalaking nakakasalamuha niya. Ang kaniyang kaibigan at dati niyang bf na si Benj ay hinikayat siya na gamitin ang kaniyang galing upang malaman kung bading ang kaniyang kababata na si Diego na dati niyang crush.
Nakakatawa ang buong pelikula samahan pa ng mga nakakatawang linya ng bawat karakter. Ngunit madaming eksena ang minsan OA at masyadong mababaw na nakakapagpagulo ng daloy ng tunay na kuwento.
Ang mapapangasawa ni Diego na si Fiona ay palaging abala kaya madalas na hindi nakakapunta sa mga paghahanda nila sa kasal. Kung kaya sa mga sumunod na eksena si Kylie ang lagi nitong kasama. Na kung titingnan ay hindi katanggap tanggap para lamang mapaganda at magkaroon ng kuwento ang pelikula.
Nakilala na si Paolo sa kaniyang pagganap bilang bading sa maraming pelikula kung kayat hindi na bago ang ganitong palabas bilang Benj na isang bading na nagpapanggap na lalaki.
Ang palabas ay tumatalakay sa mga bading bilang sentro ng kuwento at kung paano sila mapagkakatuwaan na kadalasan ay kabaligtaran kung ano talaga sila sa kabuuan. Ang mga ekspresyon ni Kylie habang tinitingnan ang mga senyales sa pagiging bading ng isang tao ay hindi makatarungan kung yun lang ang pagbabasehan.
Ngunit binawi ito ng huling parte ng pelikula kung saan lumabas ang matinding emosyon at sentimiento ni Kylie kay Diego na pinatunayan sa kaniya kung gaanong siyang nagkamali sa pagkakakilala sa kaniya.
Sa huli ang pagiging bading/bakla ay isang desisyon at isang pagtanggap sa sarili. Walang madali at mabilis na paraan kung paano. Ikaw ang magtatakda ng sarili mong batas. Dahil mas nakakaramdam ng tunay na kasiyahan ang taong bukal na tinatanggap kung ano at sino pa siya.
No comments:
Post a Comment