Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 26, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 39minuto
Direktor: Mike Flanagan
Kategorya: Katatakutan
Panulat ni: Mike Flanagan, Jeff Howard
Prodyusers: Michael Bay, Bradley Fuller, Andrew Form, Jason Blum, Brian Goldner, Stephen Davis, Trevor Macy
Bida nang Pelikula: Elizabeth Reaser (Alice Zander), Annalise Basso (Lina Zander), Lulu Wilson (Doris Zander), Henry Thomas (Father Tom), Parker Mack (Mikey), Doug Jones (Ghoul Marcus/Devil’s Doctor)
Musika: The Newton Brothers
Sinematograpiya: Michael Fimognari
Taga-ayos: Mike Flanagan
Taga-pamahagi: Universal Pictures
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Tumutulong sa panghuhula ng kanilang ina ang magkapatid na sina Paulina at Doris. Gumamit ang kanilang ina ng ouija board upang tawagin ang kaluluwa ng kanilang ama na namatay na, ng hindi sinasadyang nakatawag ito ng isang masamang ispiritu na sumanib sa katawan ng kaniyang anak na si Doris. Susubukan nilang mga-ina iligtas Doris sa kamay ng masamang demonyo na sumapi dito.
Pagsusuri:
Isa sa magaling na direktor pagdating sa tema ng katatakutan ngayon ay si Mike Flanagan. Nagagawa niyang makakatotohanan ang mga bagay bagay upang mas katakutan ito ng mga manonood. Nagbibigay at nagdadala siya ng mga kakaiba at makabagong paraan sa temang ito. Sa bagong niyang pelikula na OUIJA: ORIGIN OF THE EVIL napatunayan niya ito, kung saan mas pinataas niya ang kalidad na maibibigay ng ganitong klaseng palabas.
Nagsimula ang kuwento sa magiinang sina Alice at dalawang anak nitong si Paulina at Doris. Hindi totoong manghuhula si Alice at pinapaliwang niya ito sa kaniyang mga anak na tumutulong sa kaniya, pero gusto niyang makatulong sa iba. Ipinakita agad ni Flanagan ang pinagdaanan ng pamilya ito, ang pagkawala ng ama ng mga bata, at kung paano sila umahon matapos itong mamatay. Ipinakita ito ng direktor ng hindi gumagamit ng mga pagbabalik tanaw, tuloy tuloy lang ang daloy ng istorya habang binubuo niya ang karakter ng bawat isa.
Ngunit ng magsimula ang paggamit nila ng Ouija board ang kuwento ay nadagdagan ng gulat, takot at pagkabigla sa bawat parte ng palabas. Binalanse din ng director ang lahat ng parte ng pelikula na hindi nagmumukhang tulad, kundi mga bagong paraan kung paano ito isasagawa. Ngunit ng magtagpo ang mga karakter at koneksyon nila sa Ouija lalong naging kapanapanabik ang bawat tagpo. Na kahit alam mo ang magiging katapusan hindi mo pa din maiwasang magulat sa mga susunod na mangyayari.
Magaling ang din ang pagkakasulat ng kuwento na nagbibigay sa istorya ng matalino at takot sa mga manonood. Ang bawat bida sa pelikula ay nagbigay ng magaling at makatotohanang pagganap. Lahat ng karakter ay may kani kaniyang lakas na humubog upang maging maganda ang pelikula.
Sa kabuuan ang pelikulang ito ay mas maganda sa nakaraang pelikula ng OUIJA. Mas madaming naipakita na kagugulat gulat na parte na hindi nasasapawan ang tunay na istorya. Maghahatid ito ng takot, gulat, inis, tuwa at saya sa lahat ng manonood. Tamang tama para sa mga mahilig manood ng mga nakakatakot lalo na ngayong panahon ng Undas.
No comments:
Post a Comment