Wednesday, October 5, 2016

Sausage Party

Petsa nang Pagpapalabas: Setyembre 28, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 29minuto
Direktor: Greg Tierman, Conrad Vernon
Kategorya: Pantasya, Paglalakbay
Panulat ni: Kyle Hunter, Ariel Shaffir, Seth Rogen, Evan Goldberg
Istorya ni: Seth Rogen, Evan Godlberg, Jonah Hill
Prodyusers: Megan Ellison, Evan Goldberg, Seth Rogen, Conrad Vernon
Bida nang Pelikula: Seth Rogen (Frank), Paul Rudd (Darren), James Franco (Druggie), Kriten Wiig (Brenda), Jonah Hill (Carl), Salam Hayek (Teresa Taco), Michael Cera (Barry), Edward Norton (Sammy Bagel Jr.), Danny Macbride (Honey Mustartd), Bill Hader (Firewater/Tequila/El Guaco), Nick Kroll (Douche), David Krumholtz (Vash), Craig Robinson (Grits), Sugar Lyn Beard (Baby carrot)
Taga-ayos nang Pelikula: Kevin Pavlovic
Musika: Christopher Lennertz, Alan Menken
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Ang mga produkto nang Shopwell na tindahan ay naniniwala sa kodigo na makakatulong sa kanila para sumaya sa buhay hanggang sa dumating ang oras na umalis sila sa supermarket at magtungo sa lupang pinangako. Ngunit hindi sinsadya na maiwan si Frank at si Bun sa kanilang paglalakbay sa lupang pinangako. Ginawa lahat ni Frank upang makabalik sa kaniyang mga kasamahan at muling mkapaglakbay. Ngunit sa kaniyang paglalakbay mula sa supermarket hanggang sa dulo nadiskubre niya ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagiging longganisa.
Karagdagang Impormasyon:
-Ang pelikula ay binuo sa loob nang walong taon.
-Ito ang unang Amerikano palabas na naging R-rated sa loob nang siyam na taon.
-Unang animated na pelikula na sinulat ni Seth Rogen.
Tinanggihan ni Puff Daddy ang  papel na magboses sa isa sa mga karakter.
Pagsusuri:
Ang Sausage Party ay isang nakakatawang paghahalintulad sa isang pang pamilyang animasyon na gingawa nang Pixar. Tinatalakay nito ang mga sekretong aspeto nang buhay at mga bagay na hindi nakikita nang tao na nabigyang buhay nang mga boses nang mga sikat na artista.
Maraming magulang ang mahihirapang ipaliwanag sa kanilang anak na ang palabas na ito ay cartoon ngunit hindi nauukol na pangbata. Maraming mga salita ang hindi angkop na marinig nang mga may murang kaisipan.
Naging kumplikado ang lahat nang malaman ni Frank ang katotohanan sa mga nangyayari sa mga nabibiling longgganisa at nauuwi sa mga bahay. Ginawa lang nang mga tindahan na ito ang konsepto nang happily ever after upang hindi malaman nang mga produktong ang tunay na nangyayari. At nang sinabi ni Frank sa knilang lahat ang katotohanan walang gusto maniwala sa kaniya.
Ngunit ang mga pelikula ni Rogen ay nagpapakita nang mga kakaibang pagkaing kaisipan na kapupulutan nang aral na ginawa sa nakakatawang paraan.

No comments:

Post a Comment