Friday, October 14, 2016

Cafe Society

Petsa nang Pagpapalabas: Oktubre 5, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 36minuto
Direktor: Woody Allen
Kategorya: Drama, Romance
Panulat ni: Woody Allen
Prodyusers: Letty Aronson, Stephen Tenenbaum, Edward Walson
Bida nang Pelikula: Jesse Eisenberg (Bobby Dorfman), Kristen Stewart (Veronica ‘Vonnie”Sybil), Steve Carell (Phil Stern), Blake Lively (Veronica Hayes), Parker Posey (Rad), Corey Stoll (ben Dorfman), Jeannie Berlin (Rose Dorfman), Ken Stott (Marty Dorfman)
Isinalaysay ni: Woody allen
Sinematograpiya: Vittorio Storaro
Taga-ayos: Alisa Lepselter
Taga-Pamahagi: Amazon Studios, Lionsgate
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Sa paghahanap ni Bobby Dorfman ng kakaibang karera nilisan niya ang ganda at ningning ng Hollywood noong 1930. Nung makahanap siya ng trabaho nagkagusto siya kay Vonnie na kerida ng kaniyang manedyer. Kung kaya naging magkaibigan na lang sila, dahil hindi niya ito matanggap umalis siya doon at nagtrabaho sa Bronx na isang nightclub. Muli siyang nagmahal sa katauhan ng isang magandang babae, ngunit bumalik si Vonnie sa kaniyang buhay at muli niya itong minahal.
Pagsusuri:
Napagpasyahan ni Bobby na iwan ang kanilang negosyo sa New York upang pumasok sa mundo ng pelikula, kaya hiniling niya sa kaniyang tiyuhin na tulungan siyang magsimula. Noong una hirap na hirap siyang makausap ang kaniyang tito at inabot ng tatlong linggo bago niya ito nakapulong. Nagustuhan niya agad si Vonnie na sekretarya nito. Gusto sana niya itong ligawan ngunit nalaman niya na mayroon na itong nobyo.  Nalaman niya na si Phil ang lalaking iyon na gusto ng makipgahiwalay sa kniyang asawa ngunit hindi nito magawa.
Halos ganito ang mga istoryang ginagawa ni Allen. Pinakita ni Allen ang karakter ni Carelle bagaman mahal niya ang asawa, nababaliw din siya kay Vonnie. Kaya nung muling piliin ni Phil ang kaniyang asawa muling bumalik si Vonnie kay Bobby. Hindi din natin masisisi si Vonnie. Laging sinasabi ni Bobby na gusto na nitong magpakasal at ang magandang buhay naghihintay sa kaniya sa isang nayon. Ngunit sa huli bumalik sa New York si Bobby ng mag-isa.

Dito sa parteng ito ako talagang nagulat. Nagpakasal si Bobby sa isang magandang diborsyada at nagkaroon sila ng mga anak. Ngunit tuwing pumupunta si New York si Vonnie kasama ang kaniyang asawa na si Phil, lagi pa ring nagkikita sila ni Bobby.  Mahal nilang pareho ang kanilang mga asawa ngunit hindi nila kaya hindi magkita. Pinapakita dito ni Allen na kahit ano pang mangyari may mga tao na nanatili sa puso mo habangbuhay. Naintindihan na ni Bobby ang hirap ng desisyon na ginawa ni Vonnie noon. Kagaya ngayon sa kaniya, mahal niya ang asawang si Veronica ngunit kayang kaya niyang iwan ito para kay Vonnie. Romantiko ang pagkakagawa ni Allen nitong pelikula ngunit laging siyang may matinding dahilan kung bakit nagaganap ang pagtataksil sa isang relasyon ng bawat karakter. Hindi man ito katanggap tanggap ng lipunan ngunit hindi ito maitatanggi ng isang pusong nagmamahal ng lubos. Pusong hindi makasarili ngunit mapagbigay at mapagparaya.

No comments:

Post a Comment