Petsa ng Pagpapalabas: Enero 27, 2016
Haba ng Pelikula: 2oras 6minuto
Direksyon: Joyce E. Bernal
Kategorya: Comedy, Drama
Panulat: Irene Villamor
Istorya: Mia Concio
Prodyusers: Charo Santos-Concio, Malou N. Santos
Bida sa Pelikula: Vilma Santos (Vivian Rabaya), Angel Locsin (Jaica Domingo), Xian Lim (Albert Mitra)
Pinamahagi ng: Star Cinema
Kanta: Something I Need by Piolo Pascual and Morissette Amon
Nag-ayos ng Kanta: Paulo Zarate
Orihinal na Kumanta: One Republic
Prodyuser ng Musika: Jonathan Manalo
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog, Ingles
Sikat na Linya: “Pag nagkakamali ba ang nanay, di mo na siya nanay? Pag binigo ka niya, nababawasan ba ang pagkananay niya? Nanay pa rin kami. Nanay niya pa rin ako.”-Vivian Rabaya
“Di mo naman sinasabing impakta ang potah!”-Jaica Domingo
Buod:
Ang pelikula ay nagpapakita ng buhay ng isang mayamang negosyante na si Vivian (Vilma Santos). Napag-alaman niya na siya ay may malubha ng sakit na cancer. Kinuha niya si Jaica (Angel Locsin) para maging sariling taga pagalaga. Ngunit mas malaki ang naging papel nya sa buhay ni Vivian ng maging tulay siya sa pagbabati nila ng kanyang anak na si Albert (Xian Lim) na napabayaan nya ng matagal na panahon.
Karagdagang impormasyon tungkol sa Pelikula:
Ang pelikula ay kumita ng 15 milyon sa unang araw ng pagpapalabas.
Pagsusuri:
Ang Everything About Her ang unang pelikula handog ng Star Cinema sa direksyon ni Joyce Bernal. Umikot ang istorya sa mayamang negosyante na si ViVian Rabaya. Ang kanyang talumpati sa harap ng mga pinakamakapangyarihang tao ay nagpapakita ng kanyang matinding tiwala sa sarili sa layo na ng kanyang narating sa kanyang negosyo. Ngunit sa likod ng kanyang tapang ay isang tao na may malambot na puso sa mga palaboy na kanyang pinupuntahan at pinapakain.
Ipinakita din sa pelikulang ito ang simpleng at masayang pamumuhay ni Jaica na siyang nagsilbing sariling taga pagalaga ni Vivian. Sa loob lang ng ilang minuto, nahuli ni Bernal ang dalawang mundo nina Jaica at Vivian. Maraming nakakatawang eksena sa pelikula ay mula kay Jaica sa mga utos ni Vivian. Ang drama ay magmumula sa papel ni Albert na anak ni Vivian na nakumbinsi ni Jaica na umuwi para sa kanyang ina.
Ang Everything About Her ay hindi tumatalaky sa pagkakaiba ng mayayaman at mahihirap sa ating bansa. Kung saan naipakita ang pagtrato sa mga mas nakababang posisyon. Ginamit ang estadong ng pagiging mayaman upang maitago ang nararamdamang sakit ng karakter sa kanyang anak na kanyang napabayaan dahil na rin sa negosyo.
Si Vivian ay produkto ng pantasya. Siya ang babaeng gaya sa pelikulang devil wears Prada, ang Amor Powers na walang pag-ibig at isang perpektong bilyonaryo na lahat nasa kanya na maliban sa pagpapakita ng kanyang sariling emosyon. Sa madaling salita si Vivian ay ang taong ating inaasam asam sa buhay.
Naipakita ni Santos ang pagkakaunawa niya sa kanyang karakter, ang paglipat ng pagiging comical sa pagiging seryoso ay napakahirap sa mga artista na hindi sanay sa ganito. Marami ang nahihirapan sa seryoso papunta sa nakakatwa at nakakatwa sa pagiging seryoso, kay Santos hindi ito naging problema.
Binigyan naman ng suporta ni Locsin si Santos sa mga eksena nila. Siya ay masayahin at puno ng pagasa kahit na mahirap ang buhay bilang isang nurse. Ang pagganap nila sa knilang mga karakter ay tunay na nakakaantig ng damdamin.
Ang karakter naman ni Lim ay tungkol sa isang anak na may tinatagong galit at pagdaramdam sa kaniyang ina. Naipakita nya ito sa pamamagitan ng kanyang mga pagkilos at pagiyak na tumulong sa ikakaganda ng palabas.
Kung mapapanood nyo ito siguro ay mahuhulaan nyo ang magiging katapusan. Hindi man masaya ang kinalabasan ng pagtatapos, marami naman kayo matutunan na mga values. Kitang kita ang magaling na pag ganap ng mga artista na magdadala sa atin ng iba’t ibang emosyon.
No comments:
Post a Comment