Sunday, October 16, 2016

This Time

Petsa nang Pagpapalabas: Mayo 4, 2016
Haba nang Pelikula: 2oras 6minuto
Direktor: Nuel Crisostomo Naval
Kategorya: Drama, Komedya
Panulat ni: Mel Mendoza-Del Rosario
Prodyusers: Viva Films
Bida nang Pelikula: James Reid (Coby Martinez), Nadine Lustre (Ava Buhay), Freddie Webb (Melchor Martinez), Al Tantay (Papa Pards), Candy Pangilinan (Mama Pards), Yam Concepcion (Ate Pards), Donnalyn Bartolome (Mimi), Issa
Taga-pamahagi: Viva Films
Base sa Nobelang: That One Summer ni Alyloony (Wattpad)
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog
Buod:
Bata pa lang ay magkaibigan na sina Coby Martinez at Ava Buhay na nagkikita tuwing bakasyon. Ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa isang romantikong pagtitinginan ngunit hindi nila alam kung ano talaga sila sa isa’t isa. Nang magkolehiyo si Ava nahirapan siya kung ano ang itatawag niya sa kanila ni Coby. Nakakilala siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Aldrin at dito nalaman ni Coby kung ano ang tunay na halaga ni Ava sa kaniya.
Pagsusuri:
Ang This Time ay naiiba sa ibang pelikula na ginawa ng magkasintahang sina James Reid at Nadine Lustre. Magaan ang istorya at nakakaaliw.
Laging masaya si Ava tuwing bakasyon dahil sa panahong ito nakikita niya ang kababatang si Coby. Apo ng ambasador si Coby at sa loob ng 10 taon ganito palaging panahon sila nagkikita kaya nakasanayan na niya ito.
Ito ang unang pelikula nina James at Nadine simula ng maging magkasintahan sila. Nakakilig ang mga eksena nila dito. Lahat ay lumalabas na natural sa kanilang pagarte na magugustuhan ng mga sumusubaybay sa kanila. Mas magaling ang ipinakita nila dito kumpara sa mga nakaraan nilang pelikula. At bilang tunay na magkasintahan inaamin nila na nananabik silang magkita sa araw araw habang nagshoshooting.
Nagpakita ang palabas na ito ng importansiya ng pamilya sa pamamagitan ng hindi pagiwan ni Coby sa kaniyang lolo nung nagkasakit ito kahit miss na miss na niya si Ava. Kailangan unahin ang pamilya kaysa sa pansariling kaligayahan. Samantalang sa kabilang banda ang pamilya naman ni Ava ang tumulong sa kaniya upang malampasan lahat ng pagsubok. Kasama dito ang pagtatago niya sa kaniyang baklang kaibigan upang hindi malaman ng istrikto nitong magulang.
Maliban sa nakakakilig, nakakatawa din ang pamilya ni Ava na pinangunahan ng kaniyang ina na si Candy Pangilinan.
Sa simula pa naging pagsubok na kay Ava ang kanilang pagkakaibigan sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap. Ngunit naging inspirasyon niya ang kaniyang kapitbahay na si Ate Bi na nakita ang kaniyang dating pag-ibig. At ganoon din ang lolo ni Coby  na nawala at muling natagpuan ang kaniyang nag-iisang pag-ibig na si Ofelia sa Japan.
Napakasayang magmahal, kaya kung tagasubaybay kayo ng tambalang Jadine, para sa inyo ang pelikulang ito.

No comments:

Post a Comment