Petsa nang Pagpapalabas: Pebrero 24, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 43minuto
Direktor: Dan Villegas
Kategorya: Romantiko, Komedya
Panulat ni: Dan Villegas, Pertee Brinas
Prodyusers: Charo Santos-Concio, Malou
Santos
Bida nang Pelikula: Gerald Anderson bilang si
Jake Del Mundo, Arci Munoz bilang si Tintin Paraiso
Taga-pamahagi: ABS-CBN Film Productions
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Filipino,
Ingles
Buod:
Si Jake del Mundo ay isang businessman
sa pampamilyang negosyo. Matapos ang ilang taon ng pagiging binata naisip niya
na gusto na niyang magpakasal sa kaniyang matagal ng nobya na si Tracy. Ngunit
hindi ito tinanaggap ni Tracy at pinagpalit siya sa ibang lalaki. Si Tintin
Paraiso naman ay isang make-up artista na naniniwala sa pagkakaroon ng
perpektong nobyo at inaasahan niya na ang kaniyang nobyo ay aalukin na siya ng
kasal. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ang lalaki ay hindi sumipot sa
restaurant at nakita na lang niya sa facebook na may inaya na itong iba.
Matapos malaman ito ibinahagi niya ito sa social media kung saan naging viral
ang kaniyang video.
Matapos ang ilang buwan ang dalawa ay
nagkita sa isang beach resort na pag-aari ni Jake. Si Tintin ay naroon para sa
isang trabaho na pagmamake-upan niya. Naging magkaibigan sila at patuloy na
nagkikita upang magkuwentuhan. Nalaman nila na pareho silang ng kapalaran sa
pag-ibig kung kaya napagkasunduan nila na tulungan ang isa’t isa para makakita
ng bagong mamahalin. Ngunit hindi nila inaasahan ang susunod na pangyayari na
magpapa-inlove sa mga manonood ng pelikulang ito.
Pagsusuri:
Sikat si Direktor Dan Villegas sa
kaniyang mga romantikong pelikulang gaya ng English
Only Please, The Breakup Playlist, at Walang Forever. At ngayon nga
kaniyang inihahandog sa lahat ang Always
Be My Maybe na pinangungunnahan nina Gerald Anderson at Arci Munoz. Sa
palabas na ito hindi lang natin mararamdaman ang tamis ng pag-ibig kundi pati
ang mga aral na ating natututunan sa pakikipagrelasyon na marami sa atin ay
naranasan na.
Sina Tintin at Jake ay parehong galing
sa isang nabigong pag-ibig. Upang mapatunayan kung wala na ngang pag-ibig sa
dati niyang nobyo si Tintin binigyan siya ng dare ng kaniyang mga kaibigan na
makipagkilala kay Jake. At doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Dahil
palagi silang nagkikita, naramdaman nila na may atraksyong namamagitan sa
kanila. At ayaw nilang pansinin ito dahil
sa mapait na karanasan nila sa dati nilang mga karelasyon. Kaya hindi nila
binigyan ng label ang namamagitan sa kanila upang maiwasan na din ang emotional
attachment.
Ngunit naging kumplikado ang lahat dahil
sa isang pangyayari. Kung saan ang simula ang isang relasyong hindi nila
inaasahang uusbong sa kanilang dalawa. Parehong karakter ang natatakot sumugal
sa pag-ibig ngunit parehong gustong maging masaya habang buhay. Tinalakay ng
pelikula ang pagunawa sa reyalidad na kinasasangkutan ng maraming tao ngayon
pagdating sa paglalagay ng pangalan sa kanilang sariling relasyon at ganoon din
ang pag-alam sa tunay na nararamdaman para sa isang tao.
Ang ganitong klaseng pelikula ay hindi na
bago sa ating panlasa. Maraming palabas at teleserye na nagawa ang ganito ang
tema. Kapuna puna ang magaling na pagganap ni Arci Munoz. Nakakaaliw siya at
talagang nakakatawa. Tamang tama siya sa mga pelikulang gaya nito. Samantalang
si Gerald Anderson naman ay sanay na sanay sa bawat eksena. Hindi na din ito
bago sa kaniya dahil sa gumaling na din siya sa pag-arte.
Magugustuhan ito ng mga manonood. Simple
at nakakatawa ito na tamang tama para sa isang romantikong pelikula.