Sino ba ang hindi kikiligin sa
mga pelikulang Pilipino? Hindi lang ang magandang chemistry ng dalawang bida ang
inaabangan kundi pati ang magandang kuwento na talagang magpapasaya at
magpapakilig sa mga manonood. Nakakadagdag pa ang mga hindi malilimutang eksena
at linya na tumatak sa mga tao hanggang sa ngayon. Inipon ko ang ilan sa mga
hindi malilimutang pelikula mula noon hanggang ngayon na siguradong hindi ninyo
pagsasawaang panoorin ng paulit ulit. Corny, baduy, pero aminin ninyo
nakarelate din kayo sa ilang mga palabas na ito.
1. A very Special Love
Unang pelikula na pinagtambalan
nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Nakakaintriga ang pelikulang ito dahil
hindi naman talaga love team sina Sarah at JLC. Pero teaser pa lang nito
siguradong alam mo na maraming manonood. Nakakakilig yung teaser tapos yung
chemistry nila talagang ang ganda. Bagay na bagay si Sarah sa pagiging
komedyante niya at kwela at si JLC bilang seryosong karakter.
Ito ay kuwento nina Miggy
Montenegro (John Lloyd Cruz) at Laida Magtalas (Sarah Geronimo). Sikat ang
pamilya ni Miggy dahil maraming negosyo ang kaniyang mga magulang na
pinamamahalaan ng kaniyang mga kapatid. Si Miggy ang namahala ng Flippage na
isang magazine para sa mga lalaki. Nag-aaral pa lang si Laida nang magkacrush siya kay Miggy kaya sinabi niyang balang aral magkakakilala din sila. At hindi
nga nagkamali si Laida dahil natanggap siya sa Flippage bilang assistant dito. Pero
ang hindi niya inaasahan ay ang ibang Miggy pala ang makikilala niya. At dito nagsimula
ang kwela at makulit na paghanga at pagpapaibig sa isang Miggy Montenegro.
2. Crazy Beautiful You (2015)
Paano bang hindi ito masasama sa
listahan eh isa sa pinakasikat na love team ng bagong henerasyon ngayon sina
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mas kilala bilang Kathniel. Swak na swak
sa mga teens ang mga pelikula nila. Ang ganda nung sinematograpiya ng movie,
kakaiba at dito mo unang nakita. Maganda din yung pagsasama nila ng mga tribe
na bihirang mangyari na sa mga pelikula ngayon.
Ito ay kuwento nina Jackie
(Kathryn Bernardo) at Kiko (Daniel Padilla). Dahil sa paghihiwalay ng ina at
ama ni Jackie siya ay nagrebelde. Marami siyang ginagawang mga kabulastugan at
kalokohan. Kung kaya napagpasyahan ng kaniyang mga magulang na isama si Jackie sa
kaniyang ina sa isang medical mission. At dito nakilala niya si Kiko na anak sa
labas ng mayor. Si Kiko ang naging guide ng ina ni Jackie at niya sa medical
mission. Nagkagusuhan sina Kiko at Jackie ngunit nalaman ni Kiko na gusto din
si Jackie ng kaniyang kinakapatid at legal na anak ng mayor na si Marcus. Kung
kaya nagparaya si Kiko para dito.
3. Diary ng Panget: The Movie (2014)
Mula sa sikat na Wattpad na nobela
sa kaparehong pamagat ang pelikulang ito. Ito ang unang pagtatambal nina James
Reid at Nadine Lustre. Hindi inaakala ng lahat na hahakot ng maraming manonood
ang pelikulang ito dahil ng panahong iyon hindi pa man sikat at kilala ang love
team na Jadine. Ngunit dahil sa simpleng istorya at nakakakilig na chemistry
nina Reid at Lustre kung kaya tumabo sa takilya ang pelikula.
Ito ay kuwento nina Eya (Nadine
Lustre) at Cross (James Reid). Si Eya ay isang mahirap na naging katulong sa
mayaman at gwapong si Cross. Lahat ng utos ni Cross ay sinusunod ni Eya.
Parehong pumapasok sa iisang paaralan sina Eya at Cross pero sa school parang
hindi sila magkakilala. Madalas na hindi magkasundo ang dalawa ngunit ng lumaon
naging maganda ang kanilang pagtitinginan lalo nang gumanda at mag-ayos na si
Eya.
4. Maging Sino Ka Man (1991)
Pinagbibidahan nina Robin Padilla
at Sharon Cuneta. Ang astig lang nitong movie na ito. Nakakatuwa at nakakakilig
yung mga eksena nina Padilla at Cuneta. Tanging si Robin lang talaga ang
nakakagawa ng ganitong klaseng pelikula. Yung halong astig, aksyon pero yung
love story pang teens ang istilo. Hindi nakakasawang panoorin at balik balikan.
Ito ay istorya ni Monique (Sharon
Cuneta) na isang sikat na singer. Tumakas siya mula sa kaniyang bahay dahil sa
pagtatangka sa kaniyang buhay ng kaniyang stepfather. Sa pagtakas niya
nagpanggap siyang si Digna at namuhay bilang ordinaryong babae na maraming
trabaho. Nakilala niya si Carding (Robin Padilla) na isang magnanakaw na
minsang habulin siya ng mga naghahanap sa kaniya. Nalaman niyang kaya ito
nagnanakaw ay dahil sa mga ampon nitong bata na nakatira sa kaniya.
5. Ang Utol kong Hoodlum (1991)
Isa sa mga pelikula ni Robin na hindi
ko makakalimutan ay ang Ang Utol kong Hoodlum. Dahil sa tagumpay ng palabas
nagkaroon ito ng part 2. Yung buong set up ng kuwento ay sa Baguio ginanap.
Ito ay istorya ni Ben (Robin
Padilla) at Bing (Vina Morales) kung saan umibig si Bing sa isang barumbadong
si Ben na hari ng buong lugar nito sa Baguio.
6. Got 2 Believe (2002)
Pinagbibidahan nina Claudine Barreto
at Rico Yan. Ang pamagat ay kinuha sa sikat na kantang “Got to Believe in Magic” na siyang naging theme song ng pelikula.
Si Toni (Claudine Barretto) ay isang
wedding coordinator na naniniwala sa true love. Lagi siyang bridesmaid pero
never the bride. Samantalang si Lorenz (Rico Yan) ay isang wedding
photographer. Madalas niyang makunan si Toni sa mga nakakatuwa nitong
expression at anggulo. Isang araw tinawag siya ng kaniyang boss at inutusan
siyang gumawa ng isang pictorial kay Toni. Sinabi niya ito kay Toni ngunit
hiniling nito na papayag siya kung tutulungan siyang makahanap ng
mapapangasawa. Sa paghahanap nila ng tamang lalaki umibig sila sa isa’t isa.
7. labs kita… Okey ka lang? (1998)
Sino ang makakalimot sa sikat na
linyang “Yes kaibigan mo ko… kaibigan mo
LANG ako… And I’m so stupid for making
the biggest mistake of falling inlove
with my bestfriend…” ramdam na ramdam ko yung lines n yan. Kasikatan pa
noon ng Marvin and Jolina loveteam.
Si Bujoy (Jolina Magdangal) ay
matagal ng lihim na nagmamahal sa kaniyang kaibigan na si Ned (Marvin Agustin).
Magkasama na sila mula pa noong bata pa sila hanggang sa lumaki sila. Ngunit
hindi ito napapansin ni Ned dahil bestfriend lang talaga ang turing nito kay Bujoy.
Ngunit ng lumayo si Bujoy naramdaman ni Ned ang pangungulila niya sa dalaga.
8. Dahal Mahal na Mahal Kita (1998)
Kakaibang Claudine Barretto ang makikita sa pelikulang ito. Ang love team nila ni Rico Yan ay sinamahan
ni Diether Ocampo.
Si Mela (Claudine Barreto) ay ang
bad girl ng kanilang campus samantalang si Miguel (Rico Yan) ay ang matalinong
istudyante. Hindi inaasahan ng lahat na magdadate at magkakagustuhan ang
dalawa. At ng maging sila binago ni Mela ang kaniyang sarili para kay Miguel.
Maging ang kaniyang pananamit at itsura ay pinalitan niya. Ngunit ang kanilang
pagkakaiba ang naging dahilan ng madalas nilang pag-aaway. At sa isang pangyayari
inakala ni Miguel na niloko siya ni Mela na naging dahilan ng kanilang
paghihiwalay ng tuluyan.
9. One More Chance (2007)
Ang klasikong pelikula na tumabo
ng malaki sa takilya ay ang One More
Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Dinagsa ang palabas dahil sa
ganda ng istorya at mga linyang tagos sa puso. Isa ito sa mga hindi
malilimutang pelikula pagdating sa romance. At ilan sa mga hindi makakalimutang
linya ni Basha ay ang “Ako na lang, ako
na lang ulit” na sinagot ni Popoy ng “She
had me at my worst… you had me at my best… And you chose to break my heart”.
Ito ay kuwento nina Basha (Bea
Alonzo) at Popoy (John Lloyd Cruz). Masyadong nasakal si Basha sa pagmamahal ni
Popoy na humatong sa halos hindi na niya kilala ang kaniyang sarili. Kung kaya
napagpasyahan niyang makipagbreak dito at umalis upang hanapin ang kaniyang
sarili. Nahirapan magmove on si Popoy kung kaya araw araw niyang pinupuntahan
si Basha na hindi naman hinaharap ni Basha. Hanggang sa lumipas ang panahon at
muling bumalik si Popoy kasama ang bago nitong girlfriend at hilingin ni Basha
na siya na lang muli ang kaniyang mahalin.
10. Forevermore (2002)
Sinong makakalimot sa mga umiilaw
na puno ng mangga? Ito ang pelikulang pinagsamahan nina Jericho Rosales at
Kristine Hermosa na Forevermore.
Si Anton (Jericho Rosales) ay
isang magaling na arkitekto. Dahil tumatanda na ang kaniyang lolo napilitan
siyang umuwi sa probinsya nito at mamahala sa kanilang asyenda. Muli niyang
nakita dito ang kaniyang kababata na matagal ng may gusto sa kaniya na si Marian
(Kristine Hermosa). Si Marian ang kaniyang naging gabay habang namamahala
pansamantala sa asyenda. Naniniwala si Marian at ang kaniyang lolo na sila ni
Anton ang muling makakagawa ng alamat. Ayon sa matanda muling tatamis at magiging
masagana ang mga bunga ng puno ng mga manga
kung magkakaroon ng tunay na pagibig.
Kayo ano ang pinakanakakakilig na movie para sa inyo?
No comments:
Post a Comment