Kategorya: Contemporary Romance
Karakter:
- Reese Annesley – marketing expert sa Parker Industries
- Chase Parker – presidente at founder ng Parker Industries
- Bryant Chesney – may gusto kay Reese
- Peyton – dating nobya ni Chase
- Eddie – homeless na tinulungan nina Chase at Peyton dati
Sikat na Linya:
“Fear does not stop death. It stops life. “– VI Keeland, Chase tattoo –
“Don’t focus on what ifs. Focus on what is.”- VI Keeland, Peyton’s quote on a poster -
Buod:
Si Reese ay marketing expert sa Fresh Looks ngunit ng biglang ang anak ng CEO ang mapromote sa pinaghirapan niyang makuhang posisyon dali daling nagresign si Reese dito at suwerteng natanggap sa Parker Industries. Si Chase naman ang founder at president ng Parker Industries, siya ang gumagawa ng lahat ng itinitinda nilang mga bagay na pampaganda. Madalas nagkakatagpo ang landas nina Reese at Chase kahit hindi pa man sila pormal na magkakilala. Gaya na lang nung isang pagkakataon na inip na inip na si Reese sa kaniyang kadate, kinausap siya ni Chase na parang magkakilala sila para mawala ang kaniyang pagkabagot sa date na iyon at nasundan pa ito ng ilang mga pagtatagpo. Nang matanggap si Reese sa kumpanya ni Chase dito nadiskubre niya ang malungkot nitong nakaraan.
Pagsusuri:
Gaano nga ba kalaki ang tyansa na magkakilala ang dalawang taong hindi magkakilala? Nagsimula sa isang nakakatuwang pagtatagpo ang istorya nina Reese at Chase. Inip na inip na si Reese sa kaniyang kadate ng gabing iyon at sa hindi inaasahang sandali bigla siyang tinawag niya Chase na parang magkakilala na sila. At nasundan pang muli ito na kasama naman ni Reese ang manliligaw nitong si Bryant. Madalas gumawa ng istorya si Chase upang makapag-usap sila at madalas sinasakyan na lang niya ang kalokohan nito. Mas lalong nagkrus ang landas nila ng matanggap si Reese sa kumpanya ni Chase. At dito mas nakilala niya ang lalaki at lihim sa likod ng malulungkor nitong mga mata at mapag-alagang aura.
Si Reese ung tipo ng babae na gagawin lahat para sa kaniyang pangarap na posisyon lalo at alam niya na kwalipikadong kwalipikao siya para dito. Kahit ibaba niyang ang kaniyang sarili makuha lamang ito. Si Chase naman yung mahirap na nagsikap upang yumaman, yung personalidad niya ay sweet at easy going.
Light lang yung daloy ng istorya. Hindi masydaong mabigat sa pakiramdam yung mga masasakit sa pusong eksena. Hinaluan pa ito ng may-akda ng mga nakakatawang bahagi na mas nakatulong upang mapaganda ang kuwento. May ilang mga isyu din ang tinukoy ngunit hindi masyadong binigyang diin.
Simple lang yung plot at maayos na naitawid ang kuwento. Gumamit ng mga flashback sa kada kabanata na minsan nakakalito. Mas maganda sana kung isang tuloy tuloy na flashback hindi yung putol putol na hindi minsan maintindihan. Hindi din masyado binuild up yung karakter ng mga tao sa nakaraan kaya sa una di mo malaman kung sino ba sila. Sa kabuuan maganda naman ang kinalabasan.
Bagay ito sa mga taong hanggang ngayon naghohold pa rin sa mapait na karanasan nila sa buhay. Silipin ang kuwento nina Chase at Reese.
No comments:
Post a Comment