Monday, November 28, 2016

10 Kilig Pinoy Movies of All time

Sino ba ang hindi kikiligin sa mga pelikulang Pilipino? Hindi lang ang magandang chemistry ng dalawang bida ang inaabangan kundi pati ang magandang kuwento na talagang magpapasaya at magpapakilig sa mga manonood. Nakakadagdag pa ang mga hindi malilimutang eksena at linya na tumatak sa mga tao hanggang sa ngayon. Inipon ko ang ilan sa mga hindi malilimutang pelikula mula noon hanggang ngayon na siguradong hindi ninyo pagsasawaang panoorin ng paulit ulit. Corny, baduy, pero aminin ninyo nakarelate din kayo sa ilang mga palabas na ito.

1. A very Special Love

Unang pelikula na pinagtambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Nakakaintriga ang pelikulang ito dahil hindi naman talaga love team sina Sarah at JLC. Pero teaser pa lang nito siguradong alam mo na maraming manonood. Nakakakilig yung teaser tapos yung chemistry nila talagang ang ganda. Bagay na bagay si Sarah sa pagiging komedyante niya at kwela at si JLC bilang seryosong karakter.

Ito ay kuwento nina Miggy Montenegro (John Lloyd Cruz) at Laida Magtalas (Sarah Geronimo). Sikat ang pamilya ni Miggy dahil maraming negosyo ang kaniyang mga magulang na pinamamahalaan ng kaniyang mga kapatid. Si Miggy ang namahala ng Flippage na isang magazine para sa mga lalaki. Nag-aaral pa lang si Laida nang magkacrush siya kay Miggy kaya sinabi niyang balang aral magkakakilala din sila. At hindi nga nagkamali si Laida dahil natanggap siya sa Flippage bilang assistant dito. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ibang Miggy pala ang makikilala niya. At dito nagsimula ang kwela at makulit na paghanga at pagpapaibig sa isang Miggy Montenegro.

2. Crazy Beautiful You (2015)

Paano bang hindi ito masasama sa listahan eh isa sa pinakasikat na love team ng bagong henerasyon ngayon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mas kilala bilang Kathniel. Swak na swak sa mga teens ang mga pelikula nila. Ang ganda nung sinematograpiya ng movie, kakaiba at dito mo unang nakita. Maganda din yung pagsasama nila ng mga tribe na bihirang mangyari na sa mga pelikula ngayon.

Ito ay kuwento nina Jackie (Kathryn Bernardo) at Kiko (Daniel Padilla). Dahil sa paghihiwalay ng ina at ama ni Jackie siya ay nagrebelde. Marami siyang ginagawang mga kabulastugan at kalokohan. Kung kaya napagpasyahan ng kaniyang mga magulang na isama si Jackie sa kaniyang ina sa isang medical mission. At dito nakilala niya si Kiko na anak sa labas ng mayor. Si Kiko ang naging guide ng ina ni Jackie at niya sa medical mission. Nagkagusuhan sina Kiko at Jackie ngunit nalaman ni Kiko na gusto din si Jackie ng kaniyang kinakapatid at legal na anak ng mayor na si Marcus. Kung kaya nagparaya si Kiko para dito.

3. Diary ng Panget: The Movie (2014)

Mula sa sikat na Wattpad na nobela sa kaparehong pamagat ang pelikulang ito. Ito ang unang pagtatambal nina James Reid at Nadine Lustre. Hindi inaakala ng lahat na hahakot ng maraming manonood ang pelikulang ito dahil ng panahong iyon hindi pa man sikat at kilala ang love team na Jadine. Ngunit dahil sa simpleng istorya at nakakakilig na chemistry nina Reid at Lustre kung kaya tumabo sa takilya ang pelikula.

Ito ay kuwento nina Eya (Nadine Lustre) at Cross (James Reid). Si Eya ay isang mahirap na naging katulong sa mayaman at gwapong si Cross. Lahat ng utos ni Cross ay sinusunod ni Eya. Parehong pumapasok sa iisang paaralan sina Eya at Cross pero sa school parang hindi sila magkakilala. Madalas na hindi magkasundo ang dalawa ngunit ng lumaon naging maganda ang kanilang pagtitinginan lalo nang gumanda at mag-ayos na si Eya.

4. Maging Sino Ka Man (1991)

Pinagbibidahan nina Robin Padilla at Sharon Cuneta. Ang astig lang nitong movie na ito. Nakakatuwa at nakakakilig yung mga eksena nina Padilla at Cuneta. Tanging si Robin lang talaga ang nakakagawa ng ganitong klaseng pelikula. Yung halong astig, aksyon pero yung love story pang teens ang istilo. Hindi nakakasawang panoorin at balik balikan.

Ito ay istorya ni Monique (Sharon Cuneta) na isang sikat na singer. Tumakas siya mula sa kaniyang bahay dahil sa pagtatangka sa kaniyang buhay ng kaniyang stepfather. Sa pagtakas niya nagpanggap siyang si Digna at namuhay bilang ordinaryong babae na maraming trabaho. Nakilala niya si Carding (Robin Padilla) na isang magnanakaw na minsang habulin siya ng mga naghahanap sa kaniya. Nalaman niyang kaya ito nagnanakaw ay dahil sa mga ampon nitong bata na nakatira sa kaniya.

5. Ang Utol kong Hoodlum (1991)

Isa sa mga pelikula ni Robin na hindi ko makakalimutan ay ang Ang Utol kong Hoodlum. Dahil sa tagumpay ng palabas nagkaroon ito ng part 2. Yung buong set up ng kuwento ay sa Baguio ginanap.

Ito ay istorya ni Ben (Robin Padilla) at Bing (Vina Morales) kung saan umibig si Bing sa isang barumbadong si Ben na hari ng buong lugar nito sa Baguio.

6. Got 2 Believe (2002)

Pinagbibidahan nina Claudine Barreto at Rico Yan. Ang pamagat ay kinuha sa sikat na kantang “Got to Believe in Magic” na siyang naging theme song ng pelikula.

Si Toni (Claudine Barretto) ay isang wedding coordinator na naniniwala sa true love. Lagi siyang bridesmaid pero never the bride. Samantalang si Lorenz (Rico Yan) ay isang wedding photographer. Madalas niyang makunan si Toni sa mga nakakatuwa nitong expression at anggulo. Isang araw tinawag siya ng kaniyang boss at inutusan siyang gumawa ng isang pictorial kay Toni. Sinabi niya ito kay Toni ngunit hiniling nito na papayag siya kung tutulungan siyang makahanap ng mapapangasawa. Sa paghahanap nila ng tamang lalaki umibig sila sa isa’t isa.

7. labs kita… Okey ka lang? (1998)

Sino ang makakalimot sa sikat na linyang “Yes kaibigan mo ko… kaibigan mo LANG ako… And I’m so stupid  for making the biggest mistake  of falling inlove with my bestfriend…” ramdam na ramdam ko yung lines n yan. Kasikatan pa noon ng Marvin and Jolina loveteam.

Si Bujoy (Jolina Magdangal) ay matagal ng lihim na nagmamahal sa kaniyang kaibigan na si Ned (Marvin Agustin). Magkasama na sila mula pa noong bata pa sila hanggang sa lumaki sila. Ngunit hindi ito napapansin ni Ned dahil bestfriend lang talaga ang turing nito kay Bujoy. Ngunit ng lumayo si Bujoy naramdaman ni Ned ang pangungulila niya sa dalaga.

8. Dahal Mahal na Mahal Kita (1998)

Kakaibang Claudine Barretto ang makikita sa pelikulang ito. Ang love team nila ni Rico Yan ay sinamahan ni Diether Ocampo.

Si Mela (Claudine Barreto) ay ang bad girl ng kanilang campus samantalang si Miguel (Rico Yan) ay ang matalinong istudyante. Hindi inaasahan ng lahat na magdadate at magkakagustuhan ang dalawa. At ng maging sila binago ni Mela ang kaniyang sarili para kay Miguel. Maging ang kaniyang pananamit at itsura ay pinalitan niya. Ngunit ang kanilang pagkakaiba ang naging dahilan ng madalas nilang pag-aaway. At sa isang pangyayari inakala ni Miguel na niloko siya ni Mela na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ng tuluyan.

9. One More Chance (2007)

Ang klasikong pelikula na tumabo ng malaki sa takilya ay ang One More Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Dinagsa ang palabas dahil sa ganda ng istorya at mga linyang tagos sa puso. Isa ito sa mga hindi malilimutang pelikula pagdating sa romance. At ilan sa mga hindi makakalimutang linya ni Basha ay ang “Ako na lang, ako na lang ulit” na sinagot ni Popoy ng “She had me at my worst… you had me at my best… And you chose to break my heart”.

Ito ay kuwento nina Basha (Bea Alonzo) at Popoy (John Lloyd Cruz). Masyadong nasakal si Basha sa pagmamahal ni Popoy na humatong sa halos hindi na niya kilala ang kaniyang sarili. Kung kaya napagpasyahan niyang makipagbreak dito at umalis upang hanapin ang kaniyang sarili. Nahirapan magmove on si Popoy kung kaya araw araw niyang pinupuntahan si Basha na hindi naman hinaharap ni Basha. Hanggang sa lumipas ang panahon at muling bumalik si Popoy kasama ang bago nitong girlfriend at hilingin ni Basha na siya na lang muli ang kaniyang mahalin.

10. Forevermore (2002)

Sinong makakalimot sa mga umiilaw na puno ng mangga? Ito ang pelikulang pinagsamahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa na Forevermore.

Si Anton (Jericho Rosales) ay isang magaling na arkitekto. Dahil tumatanda na ang kaniyang lolo napilitan siyang umuwi sa probinsya nito at mamahala sa kanilang asyenda. Muli niyang nakita dito ang kaniyang kababata na matagal ng may gusto sa kaniya na si Marian (Kristine Hermosa). Si Marian ang kaniyang naging gabay habang namamahala pansamantala sa asyenda. Naniniwala si Marian at ang kaniyang lolo na sila ni Anton ang muling makakagawa ng alamat. Ayon sa matanda muling tatamis at magiging masagana ang mga bunga ng puno ng  mga manga kung magkakaroon ng tunay na pagibig.

Kayo ano ang pinakanakakakilig na movie para sa inyo? 

Thursday, November 24, 2016

Official Poster: Mano Po 7: Chinoy

Ang serye ng Mano Po ay muling nagbabalik sa ikapitong pelikula nitong " Mano Po 7: Chinoy". Ito ay pagbibidahan ng pinagsama samang artista ng henerasyon ngayon. Kasama sina Enchong Dee, Jean Garcia, Janella Salvador, Jake Cuenca, Jessy Mendiola, Kean  Cipriano, Marlo Mortel, Jana Agoncillo at Richard Yap. Ito ay mapapanood sa lahat ng sinehan sa Disyembre 14, 2016.

 

Ito ay kuwento ng isang ama kung paano ang buong pamilya niya ay umasam sa pagmamahal na hindi niya naibigay. Mga anak na humihingi ng atensyon sa kaniyang ama at asawang umaasam na muling madama ang pagmamahal.

Kitang kita ang ganda ng sinematograpiyang handog ng palabas na ito. At mukhang maganda ang istorya na siguradong makakarelate ang maraming pamilya sa sitwasyon na nangyayari sa kuwento. Paniguradong tutulo ang luha mo sa galing ng pag-arte ng mga karakter.

Tuklasin ang mga aral pampamilya na nakapaloob sa pelikulang handog ng Regal Films at sa direksyon ng award winning direktor na si Ian Lorenos.

Official Poster: Enteng Kabisote 10 and the Abangers

Muling nagbabalik si Vic Sotto para sa isang maagang pamaskong handog na pelikula. Ang super pelikula ng taon na puno ng super magic ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers. Mapapanood na sa lahat ng sinehan sa Nobyembre 30, 2016.



Ang superhero na si Enteng Kabisote ay muling sasabak sa isang adventure gamit ang kaniyang bagong tuklas na Enteng Kabisote Robotics. Kanilang iimbestigahan ang isang application na laro  na tinatawag na Slash Man. Ang larong ito ay pinamamahalaan ng masamang si Dr. Kwak kwak (Epi Quizon) na ginagamit ang laro upang makontrol ang isip ng sangkatauhan. At upang makumpleto ang kaniyang misyon kailangan niyang makuha ang kapangyarihan mula sa OEW. Ang pitong Outcast Engkantasya Workers kasama si Enteng ay lalabanan ang kasamaan ni Kwak kwak,

Si Enteng ay sasamahan nina Nidora (Wally Bayola), Tinidora (Jose Manalo), Tidora (Paolo Ballesteros),Remy, Oring (Kakai Bautista), Lucas at Bistika bilang ang pitong OEW.

May espesyal na partisipasyon din dito ang sikat na Aldub loveteam Maine Mendoza at Alden Richards, pati si Pauleen Luna-Sotto na kabiyak ni Vic sa tunay na buhay at ang kaibigan nitong si Joey de Leon.

Muling tumawa at masiyahan kung paano muling maililigtas ni Enteng ang buong mundo. Ang pelikula ay handog ng M-zet TV Production Inc., Octo Arts at APT Entertainment sa direksyon ni  Marlon Rivera at Tony Y. Reyes.

Tuesday, November 22, 2016

Fantastic Beast and Where to Find Them



Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 16, 2016

Haba nang Pelikula: 2oras 13minuto

Direktor: David Yates

Kategorya: Pantasya

Panulat ni: J.K. Rowling

Prodyusers: David Heyman, J.K. Rowling, Steve Kloves, Lionel Wigram

Bida nang Pelikula: 
  • Eddie Redmayne bilang Newt Scamander – isang wizard na maraming alaga kakaibang hayop sa loob ng kaniyang maleta. May-akda ng Fantastic Beast and Where to Find Them na matatagpuan sa Hogwart.
  • Katherine Waterston bilang Tina Goldstein – isang mabait na wizard na tumulong kay Newt, dating may mataas na posisyon sa Ministry of Magic ngunit nademote dahil sa isang pangyayari.
  • Dan Fogler bilang Jacob Kowalski – pangarap magkaroon ng bakeshop, naging kaibigan ni Newt at na inlove sa kapatid ni Tina na si Queenie.
  • Alison Sudol bilang Queenie Goldstein – isang wizard at mabait na kapatid ni Tina.
  • Colin Ferrell bilang Percival Graves – isa sa may mataas na antas sa Wizarding world. Dahil sa polyjuice naitago ang katauhan bilang tunay na Grindelwald.
  • Johnny Depp bilang Gellert Grindelwald – pangalawa sa painakamalakas at masamang wizard sunod kay Voldemort.
Musika: James Newton Howard

Sinematograpiya: Philippe Rousselot

Taga-ayos: Mark Day

Taga-pamahagi: Warner Bros. Pictures

Base sa: Fantastic Beast and Where to Find Them ni J.K. Rowling

Bansa: Estados Unidos

Lingguwahe: Ingles

Buod:

Si Newt Scamander ay napadaan sa New York bago magtungo ng Arizona ng sa hindi inaasahang pangyayari ang isa niyang alagang creature ay nakalabas mula sa kaniyang mahiwagang maleta na naglalaman ng napakaraming kakaibang hayop. Sa paghabol dito nagkapalit sila ng maleta ni Jacob at napakawalan nito ang ilan sa mga hayop na alaga nito. Dahil doon napagbintangan siya ni Tina na may dahilan ng mga pagkasirang nagaganap sa New York. Ngunit pinatunayan ni Newt na hindi ang mga alaga niya ang dahilan nito. Nagpatulong siya kay Jacob upang mahuling muli ang mga nakawalang alaga upang patunayan na hindi sila ang dahilan ng mga nangyayari sa New York. Samantala si Graves ay walang humpay na nakikipag-ugnyan sa isang bata upang hanapin ang isang Obscurus na sa palagay niya ay siyang sumasalakay sa New York. Ito ay mga batang wizard na may masamang kapangyarihan na maaring magdala ng malaking pinsala at karaniwang tinatago ang kanilang mga kapangyarihan. Dito magtatagpo ang landas nina Tina, Newt at Graves upang subukang iligtas at tulungan ang batang Obscurus.

Pagsusuri:

Matapos ang sikat na serye ng Harry Potter muling nagbabalik pelikula ang isa na namang aklat ni J.K. Rowling na Fantastic Beast and Where to Find Them. Ito ang unang beses na naging parte si Rowling bilang manunulat ng isang pelikula. At maayos niya itong naibahagi muli sa mga manonood.

Ito ang kuwento tungkol sa pakikipagsapalaran ni Newt Scamander ng mapadaan siya sa New York. Nais lumikha ni Newt ng isang libro na maglalaman ng tungkol sa mga kakaibang creatures na kaniyang natagpuan sa kaniyang paglalakbay. Ang kuwentong ito ay nangyari bago pa ang kuwento ni Harry Potter. Sapagkat ang kaniyang mga libro ay pinag-aaralan na ni Harry noong panahon niya. Nakawala sa kaniyang maleta ang isa niyang alaga at sa paghabol niya dito naipagpalit niya ito kay Jacob na isang No Maj (isang tao na walang kapangyarihan) at napakawalan ang ilan sa kniyang mga alaga. Tinulungan naman siya nito upang maibalik sa kaniyang maleta ang mga nakawala upang hindi na siya mapagbintangan sa isang kaso na nangyayari sa New York. Patuloy na namiminsala ang isang hindi kilalang kalaban kung kaya nagtulong tulong sina Graves, Tina at Newt upang malaman kung sino talaga ang gumagawa nito.

Ang palabas ay binuo ng dalawa bahagi. Una ang kuwento ni Newt sa paghuli muli sa kaniyang mga alaga at ang pangalawang kuwento ay ang paghuli at paglaban sa isang Obcurus. Hindi tinipid yung kuwento. Siksik na siksik yung dalawang oras ng pelikula. Puno ito ng mahika at mga kakaibang nilalang na magiging kasiya siya sa mga fans ng Harry Potter. Hindi mo din mahuhulaan kung sino talaga ang tunay na kaaway. 

Ang ganda nung sinematograpiya. At mas lalong kamangha mangha yung loob nung maleta ni Newt. Sino ang magaakala na ang isang maliit na maleta ay maglalaman ng isang kakaibang mundo sa loob. Nakakatuwa at nakakamangha ang isip ni Rowling sa mga ganitong bagay. Ang lawak ng kaniyang imahinasyon sa pagimbento ng mga hindi pangkaraniwang mga bagay at nilalang.

Kahanga hanga din yung mga eksena na nilapatan ng mahika gaya ng lumilipad na mansanas, damit at papel. Mararamdaman mo talaga na nasa mundo ka ng mahika sa pelikulang ito. Maayos na naisabuhay ang mga kakaibang nilalang sa libro ni Rowling.

Medyo hindi masyadong nabigyang diin yung mga aksyon scenes. Siguro mas nagpokus sila sa mga nilalang kesa sa maaksyong labanan. Wala masyadong makapigil hiningang parte na aasahan dito. 

Sa mga nakakamiss kay Harry Potter, tuklasin at mamangha sa kakaibang mundo ni Newt Scamander.

Sunday, November 20, 2016

Trolls


Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 2, 2016

Haba nang Pelikula: 1oras 20minuto

Direktor: Mike Mitchell, Walt Dohrn

Kategorya: 3D animation, komedya, drama, musikal

Panulat ni: Jonathan Aibel, Glenn Berger

Istorya ni: Erica Rivinoja

Prodyuser: Gina Shay

Bida nang Pelikula:

  • Anna Kendrick bilang boses ni Poppy – prinsesa ng mga Trolls.
  • Justine Timberlake bilang boses ni Branch – troll na mainitin ang ulo na hindi nakikisaya kina Poppy.
  • Zooey Deschanel bilang boses ni Bridget – ang Bergen na lihim na nagmamahal sa hari.
  • Christopher Mintz-Plasse bilang boses ni haring Gristle – hari ng Bergen town.
  • Christine Baranski bilang boses ng masamang tagaluto – tagaluto ng troll sa Bergen town.
  • Russel Brand bilang boses ni Creek – nagtraydor sa mga trolls.
  • James Cordan bilang boses ni Biggie – pinakamalaking troll.
  • Gwen Stefani bilang boses ni Suki – magaling sa musika.
Musika: Christophe Beck

Sinematograpiya:
Yung Duk Jhun

Taga-ayos: Nick Fletcher

Taga-pamahagi:
20th Century Fox

Base sa: Good Luck Trolls na ginawa ni Thomas Dam

Bansa:
Estados Unidos

Lingguwahe: Ingles

Buod:

Dalawampung taon na ang nakakaraan ng tumakas ang mga troll sa bayan ng Bergen. Umalis sila dito dahil ikinulong ng mga taga Bergen ang kanilang punong tinitirahan sa kaalaman na magiging masaya ang isang Bergen tuwing kakain sila ng troll. Kaya naman kada taon ay may kasiyahan sila na puwedeng kumain ng troll ang isang Bergen. Nakatakas ang mga troll at nanirahan ng mapayapa sa malayong lugar. Lumipas ang panahon at muling natagpuan ng masamang tagaluto ang kanilang nilipatang lugar at nahuli ang mga kaibigan ni prinsesa Poppy. Umalis siya upang iligats ang mga ito at maibalik sa kanilang tribo kasama ang lagging aburidong si Branch.

Pagsusuri:

Siguradong kagigiliwan ng mga bata ang pelikulang Trolls. Ang mga magagandang kanta, makulay na setting at tumatak na mga linya ang bumuo sa simpleng plot nina direktor Mitchell at Dohrn. Hindi man naging kakaiba ang kuwento pero pinuno ito ng mga kakaibang sangkap upang mas tangkilikin ng mga manonood.

Ito ay kuwento ni prinsesa Poppy at Branch sa pagliligtas sa kanilang mga kaibigan sa kamay ng mga Bergen. Si Poppy ay isang masiyahing troll at para sa kaniya lahat ng bagay ay may solusyon, ayaw na ayaw niya ng nalulungkot. Si Branch naman ay isang miserableng troll na palaging tinatakot ang mga troll na dadating ang mga Bergen upang kunin sila. Ang pagsasama nila sa pagsagip sa kanilang mga kaibigan ang magiging daan upang mas makilala ni Poppy si Branch at ang pinagdaanan nito. Sa pagsaklolo nila sa mga troll makikilala nila si Bridget isang Bergen na katulong sa kaharian ni haring Gristle. Matagal na may itinatagong pagtingin si Bridget kay Gristle at tutulungan siya ni Poppy upang mapansin siya nito. 

Punung puno ang mga karakter ng kulay at kasiyahan. Ang ganda tingnan sa mata nung pinagsama samang kulay na parang bahaghari. Sumasagisag ng isang bagong umaga na puno ng pag-asa. Naging simbolo din ang mga kulay na ito ng kasiyahan ng mga troll na lalong nakadagdag sa ganda ng palabas.

Gustung gusto ko yung mga ginamit nilang mga kanta. Nagpapakita talaga ng emosyon at nais sabihin ng kada karakter na kumakanta. Lalong lalo na yung bersyon nina Timberlake at Kendrick ng True Colors, nakatouch yung eksena na iyon. At dahil tumulong sa pamamahla ng musika si Timberlake, ilan sa mga kanta niya ay naisama ditto gaya ng Hair Up at Can’t Stop the feeling.

Yung mga linya na ginawa nina Aibel at Beger ay tamang tama para sa palabas na ito. Inilagay yung mga linya sa tamang pagkakataon at angkop na eksena kung saan lalo mong mararamdaman yung tunay na ibig sabihin nito. Andyan yung “Happiness is inside, you just need someone to find it” maikling linya pero punung puno ng ibig sabihin. Maraming ding tumatak na mga aksyon na nagiging tanda ng pagmamahal gaya nung pagbibigay ng yakap kada iilaw ang mga braso ng mga troll. Tanda ng pagmamahal at pagkakaisa ng bawat isa. 

Sa kabuuan maganda ang pelikula at saktong sakto para sa mga batang manonood. Masisiyahan at maraming matutunang aral dito. Mapapaindak din at mapapasabay sa mga kantang handog ng makulay na mundo ng mga troll.

Friday, November 18, 2016

The Accountant

Theater Movie Poster

Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 2, 2016

Haba nang Pelikula: 2oras 5minuto

Direktor: Gavin O’Connor

Kategorya: Aksyon, Krimen, Drama, Thriller

Panulat ni: Bill Dubuque

Istorya ni:
Jon Spaihts, Scott Derrickson, C. Robert Cargill

Prodyusers:
Mark Williams, Lynette Howell Taylor

Bida nang Pelikula:

  • Ben Affleck bilang si Christian Wolff – isang magaling na accountant, may-ari ng ZZZ accounting.
  • Anna Kendrick bilang si Dana Cummings – accountant sa Living Robotics na kumpanya, tinulungan ni Christian.
  • J.K. Simmons bilang si Ray King – isang direktor sa pinansyal na krimen.
  • Jon Bernthal bilang si Brax – kapatid ni Christian.
  • Jeffrey Tambor bilang si Francis Silverberg – dating accountant na nagturo kay Christian, pinatay ng Gambino family.
  • Cynthia Addai-Robinson bilang si Marybeth Medina - – junior analyst na kinuha ni Ray King upang tulungan siya, may mga krimen na nagawa sa nakaraan niya.
  • John Lithgow bilang si Lamar Black – CEO ng Living Robotics.
Musika: Mark Isham

Sinematograpiya:
Seamus McGarvey

Taga-ayos:
Richard Pearson

Taga-pamahagi: Warner Bros. Pictures

Bansa: Estados Unidos

Lingguwahe: Ingles

Buod:

Si Christian Wolff ay pinanganak na may kakaibang autism disorder at dahil sa sakit na ito iniwan siya at ang kapatid niyang si Brax ng kaniyang ina. Pinalaki sila ng kaniyang ama na isang militar. Tinuruan sila nito ng martial arts at sharpshooting. Ngunit lumaki si Christian na magaling na accountant at naitayo niya ang ZZZ accounting. Ang Living Robotics na kumpanya ay isa sa naging kliyente niya at dito niya nakilala si Dana Cummings na accountant nito. Nakakita sila ng mga pagkakaiba at nawawalang pera ng kumpanya na siyang naging dahilan upang malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Pagsusuri:

Kakaiba yung iniexpect ko mula sa pelikulang ito. Parang matalino si Ben Affleck na malulutas niya lahat ng krimen. Pero iba pala ito. Maraming twist na naganap sa buong kuwento. Nakakalito siya nung una kasi parang hindi mo halos maintindihan kung ano talaga ang nangyayari sa pelikula. Panimula pa lang malaking tanong agad ang naglaro sa kung tungkol saan ang patutunguhan ng eksena.


Gumamit ang direktor ng mga pagbabalik tanaw upang mas maemphasize pa ang kuwento. Pinakita dito ang pagkabata ni Christian at kung paano siyang nabuhay na may aking galing sa pagbaril at martial arts. Sakto lang yung mga balik tanaw hindi siya ganoon kahaba at tamang tama lang sa kada eksena. 



Magaling yung mga linya ni Dubuque. Simple lang pero may lalim at may laman. Gaya na lang nung sinabi ng ama ni Christian na “You are different sooner or later different scares a lot of people.” may kakaibang kahulugan. Marami ding magagandang linya na kapupulutan mo ng aral ang naisama ng manunulat sa pelikula. Isama pa yung dalawang punto na naibigay din ng pelikula, una “Life is full of choices” at “Loyalty, family first”, tumatak sa akin tong mga linya na ito kaya epektibong manunulat siya.



Ito ay kuwento ni Christian Wolf na isang magaling na accountant at may-ari ng ZZZ accounting. Kilala siya sa pagiging accountant ng mga masasamang tao. Ngunit lahat ng kinikita niya at inilalaan niya sa isang Neuroscience Institute na nangangalaga sa mga may disorder na autism. Makikilala niya sa kumpanyang Living Robotics si Dana Cummings na siyang accountant ng kumpanya. Nadiskubre nila na may nawawalang pera at dahil dito sila inutusang patayin ng CEO ng nito. At lalo pa itong pinagulo ng pagtatagpo nila ng kapatid niyang si Brax sa isang hindi inaasahang pagkakataon.



Walang masyadong aksyon sa pelikula gaya ng inaasahan. Maraming nangyayari na halos nangangalahati ka na sa pelikula pero hindi pa pla iyon yung mismong istorya. Mas pinalalim at pinakilala ng maige ang katauhan ni Christian na hindi naman kinakailangan. 



Sa kabuuan ok lang yung pelikula, huwag masyadong magexpect.

Wednesday, November 16, 2016

Ang Pagsusuri: Stupid is Forever


May-akda: Miriam Defensor Santiago
Kategorya: Non-fiction, Autobiography
ISBN: 978-971-816-127-8
Sikat na Linya:
“For God’s sake, save this country. “– Miriam Defensor Santiago–
“At one time I was your age and like all UP students, I wanted to change the world. Maybe I have. But the world also change me. Now I am old enough to have seen the world and have all my illusions shattered. – Miriam Defensor Santiago –
“I’m very results-oriented, and I do have a kamikaze attitude. I don’t care if I go down in flames, as long as my enemies and I go down in flames together. Or maybe you can call it the Samson-in-the-temple syndrome. I don’t care if I destroy myself, as long as I destroy the temple of corruption. That would be a definite service to the community, don’t you think?” – Miriam Defensor Santiago –
“I feel like I am going, going, and soon be gone. Just call me the disappearing senator.” – Miriam Defensor Santiago –
“The biggest challenges in life often lead to the biggest gains in the long run.” – Miriam Defensor Santiago -
Pagsusuri:
Isa sa pinakamatalino at kahanga-hangang tao sa mundo ng pulitika si Miriam Defensor Santiago. Nagkamit siya ng maraming parangal at nabilang  sa “The 100 Most Powerful Women in the World” ng isang Australian Magazine. Hindi na siya baguhan sa pagsusulat dahil mahigit sa 30 ng libro ang kaniyang nagawa na tungkol sa batas at social sciences. Ngunit naiiba ang aklat na ito dahil dito nakita ang nakakatawang side ng nag-iisang Iron Lady ng Asia.
Ang aklat ay pinag-sama samang talumpati ni Miriam sa iba’t ibang okasyon at kolehiyo na nagbigay inspirasyon sa maraming tao lalong lalo na sa mga kabataan. Mababasa dito ang tungkol sa pulitika, sa mga tiwaling pulitiko, leadership, role ng social media at madami pang iba. At sinundan ito ng mga nakakatawang mga pick-up lines na mas nagbigay kulay at nagpalalim sa mga bagay na nais niyang bigyang diin.
Organisado ang pagsasama-sama ng mga impormasyon. Maganda yung ideya ng paglalagay ng mga pick-up lines dahil hindi naging boring ang paglalathala ng kada bahagi ng talumpati. Medyo may ilang salita lang na masyadong malalim ang pagkakagamit ni Miriam na hindi agad maiintindihan ng iba. Informative yung aklat na may halong komedya. Pero naipapaliwanag ang mga bagay na nais iparating sa mga mambabasa. Nilagyan ito ng mga nakakatawang bahagi hindi lang upang magbigay kasiyahan kundi magpatama at gisingin ang kamalayan ng iba sa tunay na estado ng ating bayan. Sinasabi nito ang reyalidad at tunay na nangyayari sa mundo ng isang Miriam.
Ang aklat na ito ay para sa lahat ng kabataan na para sa kaniya ay magiging pag-asa ng bayan. Nais niyang maiparating ang mga bagay bagay upang mamulat ang mga tao sa tunay na nangyayari. Gusto niyang maipaabot at maibahagi ang kaniyang mga kaalaman sa pamamagitan ng mga talumpating kaniyang ginawa at sa pamamagitan ng librong ito. Lahat ng kaniyang pananaw na sinuportahan niya ng kaniyang sariling mga karanasan ang nagpalinaw ng mga nais niyang ipaabot sa mga tao.
Sa kabuuan, ibinahagi din niya ang mga natutunan ng isang Miriam sa pagkakaroon ng isang makabuluhang buhay.
Ito ang isa ala-alang maiiwan sa atin ng isang Miriam Defensor Santiago na Stupid is Forever.

Monday, November 14, 2016

Ang Pagsusuri: Dear Alex, Break na Kami Paano?! Love Catherine


May-akda: Alex Gonzaga
Kategorya: Non-fiction
ISBN: 978-971-816-122-7
Sikat na Linya:
Bukod sa mga Alex advice ito yung mga sinabi niya na gustong gusto ko.
“A relationship you keep on hiding is not worth keeping. “– Alex Gonzaga –
“If the guy loves me, he should love my God First.” – Alex Gonzaga –
Pagsusuri:
Ito yung first book ni Alex Gonzaga tungkol sa survival guides sa breakup. Ikinuwento niya dito ang kaniyang sariling experiences tungkol sa tatlong taong nagpatibok ng kaniyang puso. At kung paano siya binago ng mga karanasang ito.
Aakalain mo nung una na ang nakakatawang Alex ang mababasa mo sa librong ito. Ngunit hindi pala, isang Alex na seryoso at hindi mo aakalain na marami ng pinagdaanan ang buhay pag-ibig niya. Hindi pa din nawala yung pagkakwela niya na mas nakapagpagaan ng pagbabasa ng aklat na ito.
Nagbigay siya ng mga gabay kung paano malampasan ang breakup pati mga kanta at pelikula na maaring mong panoorin at pakinggan. Inisa –isa din niya ang mga dahilan ng breakup at mga dapat at hindi dapat gawin habang nasa proseso ng pagmomove-on.
Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga puntos na gustong ibigay ng may-akda. Gumamit siya ng mga halimbawa at ilang kuwento upang mas mabigyang liwanag ang ilang mga gabay. Entertaining at puno ng aral ang kuwentong ito at maayos itong naipaabot sa mga mambabasa.
Marami rin ang makakarelate dito dahil aminin natin dumaan tayong lahat sa yugto ng ating buhay na nasawi tayo sa pag-ibig. Mas narealize lang natin na tama ang mga sinabi ni Alex, at madami sa atin ang gumawa din ng mga kalokahan sa pagmamahal. Kung babalikan natin ngayon ay matatawa na lang tayo dahil sabi nga sa aklat naging daan ito upang mas maging mabuting tao tayo.
Sa huli, dalawang bagay ang aking natutunan at natuon sa aking kaisipan. Una, hindi masamang maging single. Sabi nga nila ang pagiging single ay choice natin. Hindi natin ikakamatay kung mag-isa tayo dahil andyan ang ating mga kaibigan at higit sa lahat ang ating pamilya na tutulong sa atin. Hindi natin kailangang mag-isa dahil hindi naman talaga tayo mag-isa. Kailangan nating makilala ang ating sarili ng tayo lang dahil pag nakilala natin ang ating sarili dito lang natin malalaman ang tunay na gusto at kailangan natin. Pangalawa, pagkakaroon ng relasyon kay God. Madalas sa atin nakakaalala lang kay God pag may kailangan o problema tayo. Gumawa tayo ng relasyon kay God, sabihin natin sa kaniya lahat, kung masaya tayo, kung  malungkot tayo at kung may problema tayo. Dahil alam niya kung ano kailangan natin at alam niya kung ano dapat ibigay sa atin. At higit sa lahat alam niya kung kailan ito ibibigay sa atin. Lagi tayong nagtatanong kung bakit ganito at bakit ganyan. Hindi natin kailangan magtanong dahil alam niya ang kailangan natin hind man natin ito sabihin. Nakikita niya at nararamdaman niya ito dahil mahal niya tayo.
Sa kabuuan isang paggising sa lahat ng kababaihan ang librong ito. Maari tama o mali ito base sa iyong karansanan ngunit kapupulutan ito ng aral ng lahat ng taong nagmahal at nagmamahal.

Saturday, November 12, 2016

Book Review: It Ends With Us


May-akda: Colleen Hoover
Kategorya: Drama, Romance
ISBN: 978-1-4711-5627-4
Karakter:
  • Lily Blossom Bloom –  mahilig sa halaman at may-ari ng Lily’s Bloom
  • Ryle Kincaid _ isang neurosurgeon, umiibig kay Lily
  • Atlas Corrigan – kababata ni Lily, magaling na chef at may-ari ng Bib Restaurant
  • Allysa – Sister of Ryle, bestfriend of Lily
  • Marshall – husband of Allysa
  • Darin, Brad, Jimmy – friends of Atlas, works in Bib’s Restaurant
Sikat na Linya:
“There is no such thing as bad people. We’re all just people who sometimes do bad things “– Ryle Kincaid –
“When life gets you down do you wanna know what you’ve gotta do?... Just keep swimming. Just keep swimming, swimming, swimming. “ – Dory on Finding Nemo -
“People say that teenagers don’t know how to love like adults.” –Lily-
Life is funny thing. We only get so many years to live it, so we have to do everything we can to make sure those years are as full as they can be. We shouldn’t waste time on things that might happen someday or maybe even never.” – Atlas –
Buod:
Matapos mamatay ang ama ni Lily natagpuan niya ang sariling nag-iisip sa isang roof top kung saan niya nakilala ang isang estrangherong si Ryle. Nasundan pa ito ng magtrabaho ang kapatid ni Ryle na si Allysa sa kniyang bagong bukas na flower shop. Si Ryle ay isang neurosurgeon at may traumatic na nakaraan. Ngunit bumalik sa buhay niya si Atlas, ang dating niyang kababata.
Pagsusuri:
WOHOOOO! Hindi ko mailagay sa salita ang dapat ko sabihin sa librong ito. Grabe lang as in Grabe. Sandali kakalmahin ko lang sarili ko…. Ok heto na.
Mula mismo sa may-akda, ito ang unang libro ni Collen Hoover mula mismong sa sarili niyang karanasan. Nagpapakita ng isang mapait na pangyayari sa kaniyang pamilya. Isang masakit na katotohanan na sumasalamin hindi man sa lahat ng sitwasyon o lahat ng tao pero marami ang makakarelate sa kuwentong ito.
Kuwento ito ni Lily na matapos mamatay ang kaniyang ama ay nagtayo ng isang flower shop sa Boston na Lily’s Bloom. Mayroong mapait na karanasan si Lily sa kaniyang ama na nakita niya nung bata pa siya. Nakilala niya si Ryle na isang magaling na neurosurgeon na nakausap niya sa roof top ng isang building. Nasundan pa ito nung magtrabaho sa kaniya ang kapatid nitong si Allysa. Nagsimulang mag-ibigan ang dalawa na nauwi sa pagpapakasal. Ngunit may ilang insedente sa kanilang pagsasama ang naging hadlang sa kanilang samahan. At sa panahong ito muling nagtagpo ang landas nila Atlas na dati niyang kababata.
Si Lily yung tipo ng karakter na matapang. Matapang sa mga bagay na alam niyang tama at makakabuti sa kaniya. At kung alam niya na hindi na ito makakabuti, alam niya kung kailan dapat tumigil kahit masakit pa ito sa kaniya. Sana lahat ng babae ay may ganitong klase ng lakas ng loob at paninidigan upang walang babaeng iiyak at masasaktan. Kumbaga huwag na nating piliting pagalingin ang isang sugat na patuloy na pinapadugo ng iba dahil hinding hindi ito gagaling. Bawat isa nararapat mahalin  dahil deserve nila ang pagmamahal na nararapat ibigay ng kahit sinong tao sa kanila.
Gumamit ang may-akda ng mga diaries o journals upang magpakita ng pagbabalik tanaw. Naging maganda ang execution ng pagbabalik tanaw dito. Hindi ito nakakagulo o pasulpot sulpot lang kagaya ng gingawa ng ibang autor. Maganda ang flow at pagkakasunod -sunod, hindi ka binibigla ng kuwento at naiintindihan mo agad ang pagpapasok ng bagong anggulo.
Ramdam na ramdam ko yung karakter ni Lily. Hindi ko maipaliwang yung koneksyon kahit alam ko na hindi ko pinagdaanan ang nangyari sa kaniya , sa bawat bigkas ng mga salita ni Hoover sa istorya. Naiparamdam niya ang sakit ng nararamdaman ng isang Lily. Mahohook ka sa story. At makakarelate ka sa mga karakter. Yung mga linya talagang magpapakirot sa puso ng nagbabasa. Halos totoo na parang tumutusok sa puso mo sa bawat basa mo sa mga kataga.
Maganda yung nilalaman ng libro. Hindi lang ito nageentertain nagbibigay din ng aral, impormasyon at kaalaman. Na matagumpay na nailagay ng may-akda sa kuwento. Naibahagi niya ang kaniyang hangarin at napaabot sa iba ang mensaheng nais niyang maiparating.
Inirerekomenda ko ito sa lahat ng babae, hindi lang kayo maiinlove sa librong ito kundi magbibigay din ng inspirasyon ang buhay ng isang Lily Blossom Bloom sa lahat ng kababaihan ng bagong henerasyon.
Ang pag-ibig ay hindi nakakasakit, kundi mapagbigay at mapagparaya…

Friday, November 11, 2016

Book Review Bared To You (A Crossfire Novel #1)

May-akda: Sylvia Day

Kategorya:
Romance

ISBN: 978-0-9851146-0-2

Karakter:

  • Eva Tramell – assistant sa advertising agency na Water Field & Leaman
  • Gideon Cross – may-ari ng Cross Industries
  • Cary Taylor – modelo, kaibigan at kasama sa bahay ni Eva
  • Parker Smith – Krav Maga instruktor
  • Mark Garrity – boss ni Eva sa agency
  • Megumi – receptionist
  • Steven Ellison – partner ni Mark
  • Richard Stanton – pangalawang asawa ng ina ni Eva
  • Monica – inang madalas promoprotekta kay Eva
  • Magdalene Perez – socialite na may gusto kay Gideon
  • Trey – partner ni Cary
  • Nathan – kinakapatid ni Eva
  • Elizabeth – ina ni Gideon
  • Christopher Vidal – ama ni Gideon
  • Shawna – kapatid ni Steven
  • Corrine Giroux – dating nobya ni Gideon at nagpropose ng kasal sa kaniya noon
  • Victor Reyes – ama ni Eva
Sikat na Linya:

“I’ve always seen you angel. From the moment you found me. I’ve seen nothing but you. “– Gideon Cross –


“I’ve been loved before – by Corrine, by other women. But what the hell do they know about me? What the hell are they in love with when they don’t know how fucked up I am? If that’s love, its nothing compared to what I feel for you.” – Gideon Cross -

Buod:



Si Eva Tramell ay bagong lipat sa New York kasama ang kaibigangmodelo na si Cary. Natanggap siya bilang assistant sa isang advertising agency. Samantalang si Gideon Cross naman ang mogul at isa sapinakamayamang negosyante sa Amerika, siya ang may-ari ng Cross Industries. Una pa lang pagkikita nina Eva at Gideon pareho na silangnabighani sa isa’t isa. Ngunit ang katauhan nilang dalawa ay unti untingmabubunyag sa pagusbong ng isang pagiibigan.


Pagsusuri:

Kakaibang kuwento ang ibinigay ni Sylvia Day sa unang aklat niya saCrossfire novel na Bared To You. Ito ay istorya ng pagiibigan nina Eva at Gideon. Maraming lihim ang bawat karakter na susubukan nilang ayusinng magkasama.

Natural lang ang daloy ng istorya. Walang masyadong bago sa mgakuwentong ganito. Walang masyadong lalim at walang paligoy ligoy.Parang hindi mo na maaanticipate yung sususnod na mangyayari kasi lahatparang nahuhulaan mo na ang kasunod. Walang interesante sapagmamahalan nila maliban sa ilang isyu nila. 

Maayos na naitawid ang kuwento. Same plot na mayaman na lalaki namaiinlove. Tapos may isyu yung dalawang bida. Walang bago. At yungmadalas nating nababasa na tipo ng lalaki, mayaman, guwapo at maimpluwensya—yan si Gideon, na madalas din ginagamit ng ibang autorna halos gasgas na. Yung mga lines ok lang, need pa ng konting polish parang mas inspiring basahin. Hindi masyado kumurot sa puso ko yungkuwento. Hindi ako masyadong nakaramdam ng emosyon sa karakter niEva o ni Gideon. Siguro may kulang pa akong hinahanap na hindinaibigay ng may-akda.

Sa kabuuan kung idolo niyo si Sylvia Day at yung klase ng pagsusulat niya, para ito sa inyo.

Thursday, November 10, 2016

Book Review: Bossman


May-akda: VI Keeland
Kategorya: Contemporary Romance
Karakter:
  • Reese Annesley – marketing expert sa Parker Industries
  • Chase Parker – presidente at founder ng Parker Industries
  • Bryant Chesney – may gusto kay Reese
  • Peyton – dating nobya ni Chase
  • Eddie – homeless na tinulungan nina Chase at Peyton dati
Sikat na Linya:
“Fear does not stop death. It stops life. “– VI Keeland, Chase tattoo –
“Don’t focus on what ifs. Focus on what is.”- VI Keeland, Peyton’s quote on a poster -
Buod:
Si Reese ay marketing expert sa Fresh Looks ngunit ng biglang ang anak ng CEO ang mapromote sa pinaghirapan niyang makuhang posisyon dali daling nagresign si Reese dito at suwerteng natanggap sa Parker Industries. Si Chase naman ang founder at president ng Parker Industries, siya ang gumagawa ng lahat ng itinitinda nilang mga bagay na pampaganda. Madalas nagkakatagpo ang landas nina Reese at Chase kahit hindi pa man sila pormal na magkakilala. Gaya na lang nung isang pagkakataon na inip na inip na si Reese sa kaniyang kadate, kinausap siya ni Chase na parang magkakilala sila para mawala ang kaniyang pagkabagot sa date na iyon at nasundan pa ito ng ilang mga pagtatagpo. Nang matanggap si Reese sa kumpanya ni Chase dito nadiskubre niya ang malungkot nitong nakaraan.
Pagsusuri:
Gaano nga ba kalaki ang tyansa na magkakilala ang dalawang taong hindi magkakilala? Nagsimula sa isang nakakatuwang pagtatagpo ang istorya nina Reese at Chase. Inip na inip na si Reese sa kaniyang kadate ng gabing iyon at sa hindi inaasahang sandali bigla siyang tinawag niya Chase na parang magkakilala na sila. At nasundan pang muli ito na kasama naman ni Reese ang manliligaw nitong si Bryant. Madalas gumawa ng istorya si Chase upang makapag-usap sila at madalas sinasakyan na lang niya ang kalokohan nito. Mas lalong nagkrus ang landas nila ng matanggap si Reese sa kumpanya ni Chase. At dito mas nakilala niya ang lalaki at lihim sa likod ng malulungkor nitong mga mata at mapag-alagang aura.
Si Reese ung tipo ng babae na gagawin lahat para sa kaniyang pangarap na posisyon lalo at alam niya na kwalipikadong kwalipikao siya para dito. Kahit ibaba niyang ang kaniyang sarili makuha lamang ito. Si Chase naman yung mahirap na nagsikap upang yumaman, yung personalidad niya ay sweet at easy going.
Light lang yung daloy ng istorya. Hindi masydaong mabigat sa pakiramdam yung mga masasakit sa pusong eksena. Hinaluan pa ito ng may-akda ng mga nakakatawang bahagi na mas nakatulong upang mapaganda ang kuwento. May ilang mga isyu din ang tinukoy ngunit hindi masyadong binigyang diin.
Simple lang yung plot at maayos na naitawid ang kuwento. Gumamit ng mga flashback sa kada kabanata na minsan nakakalito. Mas maganda sana kung isang tuloy tuloy na flashback hindi yung putol putol na hindi minsan maintindihan. Hindi din masyado binuild up yung karakter ng mga tao sa nakaraan kaya sa una di mo malaman kung sino ba sila. Sa kabuuan maganda naman ang kinalabasan.
Bagay ito sa mga taong hanggang ngayon naghohold pa rin sa mapait na karanasan nila sa buhay. Silipin ang kuwento nina Chase at Reese.