May-akda: Lauren Kate
Kategorya: Fiction, Romance, Paranormal, Pantasya
ISBN: 978-0-375-89675-0
Karakter:
- Lucinda “Luce”Price - bidang babae, mortal na umiibig kay Daniel.
- Daniel Grigori – bidang lalaki, isang anghel na umiibig kay Luce.
- Cam – isang anghel na umiibig kay Luce.
- Penn – mortal na kaibigan ni Luce na tumulong sa kaniya upang makakuha ng impormasyon tungkol kay Daniel.
- Gabbe – anghel na kaibigang matalik ni Daniel, pinagselosan ni Luce.
- Miss Sophia – guro sa Sword and Cross.
- Arriane – anghel na kaibigan ni Luce na nagtour sa kaniya sa Sword and Cross.
- Molly - anghel na laging galit kay Luce.
Sikat na Linya:
“This feeling that I know you. That I’ve known you for a while.” – Luce Price –
“We meet. We always meet, somehow we’re always thrown together, no matter where I go, no matter how I try to distance myself from you. It never matters. You always find me.”- Daniel Grigori -
Buod:
Dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan, si Luce ay inilipat sa bago nitong iskuwelahan na Sword and Cross. Dito nakilala niya si Daniel na nakaramdam agad siya ng atraksyon at pamilyar na pakiramdam na matagal na niya itong kilala sa una pa lang nilang pagkikita. Ngunit ramdam niyang umiiwas at lumalayo ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan. Dahil sa misteryoso nitong pagkatao at mga ikinikilos naisip niya at ng kaibigan niyang si Penn na magimbestiga at maghanap ng impromasyon tungkol dito. At hindi nila inaasahan ang kanilang malalaman. Na matapos ang ilang siglo ang tadhana nina Daniel at Luce ay magbabago. Paano kung ang pag-ibig na akala mo ay tama ay hindi pala para sa iyo? Hanggang saan dadalhin sina Luce at Daniel ng kanilang walang hanggang pag-iibigan na sa una pa lang ay madami ng hadlang? Mamahalin mo ba ng paulit ulit ang nag-iisang tao sa buong buhay mo kahit alam mo na sa huli ay mawawala din siya sa iyo?
Pagsusuri:
Sa panulat ni Lauren Kate binigyang buhay niya ang isang kuwento at kathang isip na mga karakter na sa mga tv lang natin madalas napapanood. May hawig ang kuwentong ito sa pelikula ni Nicolas Cage at Meg Ryan noong 1998 na City of Angels. Malungkot lang iyong ending noon pero maraming eksena ang nakakaaliw at kahanga-hanga. Ito ang unang aklat ni Kate sa tatlong nobela nina Daniel at Luce.
Ang nobelang ito ay tungkol sa pag-iibigan ng isang mortal at anghel na hindi pinahihintulutan sa batas ng langit at lupa. Ang paghahanap at pagkilala ni Luce sa kanyang sarili at ang pag-ibig na nararamdaman niya bigla sa unang kita pa lang niya kay Daniel. Si Daniel naman ay palaging umiiwas kay Luce at sa pag-ibig niya dito upang hindi na maulit ang nangyari noon na mawawala sa kaniya si Luce. Naghahanap ng mga impormasyon si Luce katulong ang kaibigang niyang si Penn upang malaman ang tunay na pagkatao ni Daniel at kung bakit palagi itong umiiwas sa kaniya. Ngunit sa kakahanap ni Luce nalalagay siya sa panganib ngunit andoon si Daniel, alam nito kung saan at paano palagi siya ililigtas. Nararamdaman ni Luce na kilalang kilala niya si Daniel kahit palagi nitong tinatanggi na ngayon pa lang sila nagkita.
Gustung gusto ko dito ang karakter ni Daniel. Walang ubos at wagas ang kaniyang pagmamahal na kahit gaano pa katagal at kahit sino pa ang dumating si Luce pa din ang kaniyang mamahalin. Lahat ibibigay niya at gagawin para kay Luce. Sobra yung lungkot dito ni Daniel at yung pagpipigil niya na mahalin ito. Paano mo nga ba pipigilan ang isnag pagmamahal na khit anong tago mo ay pilit kang hahanapin? Pero ang masakit yung pagkatapos ng lahat maiiwan kang mag-isa at iyon ang iniiwasan ni Daniel. Samantalang ang karakter ni Luce ay yung halos walang kaalam alam sa lahat. Yung hindi mo alam kung maiinis ka ba o iintindihin na lang dahil yun ang daloy ang istorya.
Sa totoo medyo naguluhan talaga ako sa kuwento nito noong una. Siguro dahil sa sobrang pagbubuild up ng karakter. Madaming parte ang paligoy-ligoy at pasikot sikot na mas nakakapagpalito sa mambabasa. Nakakainip yung istorya, mananabik ka lang sa siguro sa dulong bahagi kung saan naipaliwanag ang lahat at halos tapos na ang nobela. Kung baga kahit yung ending lang basahin mo alam mo na magiging takbo ng istorya.
Dumagdag din sa kuwento ang madaming abnormal na bagay ang naisama ni Kate sa nobelang ito. Andiyan ang mga itim na usok na nagpapakita kay Luce at ang mga anghel na nag-aanyong tao. Kagulat-gulat ang imahinasyon ni kate sa mga ganitong bagay na nakakapagbigay ng dagdag na interes sa mambabasa.
Ito yung tipo na hindi kakilig kilig na nobela. Mas maraming bahagi ang nagpapaliwanag kaysa nagpapakilig. Sa mga mahilig sa pantasya at mga anghel ang romantikong nobela na ito ay para sa inyo.
No comments:
Post a Comment