Tuesday, November 1, 2016

How to Be Yours

Petsa nang Pagpapalabas: Hulyo 27, 2016

Haba nang Pelikula: 1oras 53minuto

Direktor: Dan Villegas

Kategorya: Romantiko, Drama

Panulat ni: Patrick R. Valencia, Hyro P. Aguinaldo

Prodyuser: Elma S. Medua

Bida nang Pelikula: Gerald Anderson bilang si Nino, Bea Alonzo bilang si Anj

Musika ni: Emerzon Texon

Sinematograpiya: Mycko David

Taga-ayos: Marya Ignacio

Taga-pamahagi: Star Cinema

Bansa: Pilipinas

Lingguwahe: Filipino

Buod:

Si Nino ay isang ahente ng chandelier na gustong maging stable sa kaniyang trabaho at si Anj naman ay isang chef na pangarap magtrabaho sa isang high end na restorant balang araw. Ng maging magkasintahan ang dalawa pinili ni Nino ang pagmamahal niya kay Anj kaysa sa kaniyang karera ngunit si Anj ay pinili ang kaniyang trabaho kaysa sa pagmamahal kay Nino.

Pagsusuri:

Ang teaser ng pelikulang ito ang nag-udyok sa akin upang panoorin ito. Ang nakakaintrigang linya na “Dalawa lang yung klase ng tao sa mundo: isang choice A, isang choice B. Choice A, eto yung pipiliin yung love over career, choice B naman, career over love”. May sense at nakakarelate ang marami ngunit hindi lahat sa buhay natin ay tungkol lang sa pagmamahal at karera. Maraming bagay ang maaring dumating na makakaapekto sa ating mga desisyon hindi lang ang dalawang bagay na ito.

Ang pelikulang ito ay kuwento ng dalawang tao na nag-ibigan ngunit sinubok ng mga bagay bagay upang makuha ang inaakalang pang habang buhay na kasayahan. Simple lang ang istorya at walang paligoy ligoy ngunit maraming mga isyu ang  naipakita na siguradong maraming manonood ang makakarelate.

Naging magkaibigan sina Nino at Anj dahil sa isang kaibigan. Nagkikita sila upang magkuwentuhan at magsaya. At dito nabuo ang isang pagmamahalan. Ngunit hindi lahat ng relasyon masaya.

Pangarap ni Anj na maging chef samantalang si Nino naman ay ahente ng chandelier. Ngunit hindi inaasahan ni Anj na makatanggap ng alok na maging isa sa mga chef ng iniidolo niyang chef sa restorant nito, sinuportahan naman siya ni Nino at sinasamahan sa lahat ng ginagawa nito na naging dahilan upang umalis siya sa kaniyang trabaho. Ito ang ikinaiba ng pelikulang ito dahil ito ay nakapokus sa pananaw ng bidang lalaki na hindi madalas gingawa ni Villegas sa kaniyang mga nakaraang pelikula.

Makatotohanan ang pelikula na tumalakay sa mga isyu ng karamihan ngayon. Hindi gumamit si Villegas ng third party upang magkalayo ang dalawang taong nagmamahalan. Pinakita nito kung paano na nagmamature ang isang tao, at mga hirap na kailangan gawin upang matugunan ang pangangailangan ng isang relasyon. At epektibo itong naipakita ni Gerald Anderson sa kaniyang pagganap sa papel na Nino.

Ang pagiging simple at malinis ng pagkukuwento at maging ang mga eksena ang nakapagpaganda ng pelikulang ito. Siguradong marami ang makakarelate at hahanga sa isang taong kagaya ni Nino.


Ang buhay ay hindi puros sarap lamang. Maraming desisyon ang kailangan nating gawin. Ang pagpasok sa isang relasyon ay isang resposibilidad. Kailangan pagtrabahuhan ng magkapareha ito upang manatili silang masaya.

No comments:

Post a Comment