Kategorya: Contemporary Romance
ISBN: 978-0-316-12239-9
Karakter:
- Hadley Sullivan – 17 taong gulang, claustrophobic.
- Oliver – 18 taong gulang, isang British.
- Andrew – ama ni Hadley.
- Charlotte – pangalawang asawa ng ama ni Hadley.
Sikat na Linya:
“Not everyone makes it fifty-two years, and if you do it doesn’t matter that you once stood in front of all those people and said that you would. The important part is that you had someone to stick by you all the time. Even when everything sucked. “– Hadley –
“Is it better to have had a good thing and lost it, or never to have had it?” - Our Mutual Friend book Quote –
“Love isn’t supposed to make sense. It’s completely illogical.” – Mrs. and Mr. Sullivan –
“People who meet in airports are seventy-two percent more likely to fall for each other than people who meet anywhere else.” - Oliver –
“Did you know that people who meet at least three different times within a twenty four hour period are ninety-eight percent more likely to meet again?” – Oliver –
Buod:
Nang maiwan ng kaniyang eroplano papuntang London si Hadley, nagkrus ang landas nila ni Oliver sa sumunod na biyahe. Si Hadley ay pupunta doon upang umattend sa pangalawang kasal ng kaniyang ama. Nagagalit siya sa kaniyang ama sapagkat iniwan sila nito at pinagpalit sa ibang babae. Si Oliver naman ay taga London na umuwi para sa isang hindi inaasahang pangyayari. Ang pagtatagpo kayang ito ay muli pang masusundan o parang hangin lamang na dumaan sila sa isa’t isa?
Pagsusuri:
Naniniwala ba kayo na ang 72% ng mga taong nagkakakilala sa airport ay mafafall inlove sa isa’t isa? Patutunayan sa atin yan ng handog na nobela ni Jennifer Smith. Siya ang may-akda ng mga sikat na librong This is What Happy Looks Like, The Storm Makers, The Comeback Season at You are Here na naisalin sa halos 29 na lingguwahe.
Ang kuwentong ito ay nagsisimula kay Hadley na papuntang London upang umattend sa pangalawang kasal ng kaniyang ama. Masama ang kaniyang loob dito dahil iniwan sila nito para sa ibang babae. Ngunit pinilit siya ng kaniyang ina na magpunta. Ng maiwan siya ng eroplano, nakilala niya sa sunod na biyahe si Oliver. Isang binatilyong taga-London. Habang nasa himpapawid ang eroplano marami silang napagkuwentuhan tungkol sa isa’t isa. Natuwa naman si Hadley sapagkat hindi niya masyadong naramdaman ang pagiging claustrophobic niya dahil sa kuwento at pang-aaliw ni Oliver. Ngunit hindi inaasahan ni Hadley na iba pala ang dahilan ng pagpunta ni Oliver ng London. Ang akala ni Hadley na malungkot na karanasan para sa kaniya ay mas malungkot palang pangyayari para kay Oliver.
Si Hadley dito yung maraming issues. Maaring dahil bata pa siya upang maintindihan ang lahat. Nasaktan ito sapagkat mahal nitong pareho ang kaniyang mga magulang. Si Oliver naman yung tipo ng karakter na kahit malungkot ang pinagdadaanan ay nakakangiti pa rin.
Maraming klase ng pagmamahalan ang pinakita dito. Hindi porke hindi nagwork out ang isa, yung susunod ay magiging ganoon din. Mayroon namang pagmamahal na matiisin na sa sobrang pagmamahal mo ay hindi na maganda sa iyo at sa mga taong nakapaligid. Ito ang kadalasan nangyayari sa mga magulang at ang pinaka naaapektuhan ay ang mga anak na gaya sa nobelang ito.
Madaming twist yung kuwento. Madaming surpresang bahagi. Para siyang isang puzzle na bawat parte ay bubuo sa kabuuan ng kuwento. Magaling si autor gumawa ng mga kakaibang mga eksena. Gumamit siya ng mga pagbabalik tanaw upang mas bigyang diin at maipakilala pa ang katauhan ng karakter.
Ano nga ba ang probability na makikilala mo ang taong para sa iyo? Tunghayan kung paano binago ng 24 na oras ang buhay nina Oliver at Hadley sa “The Statistical Probability of Love at First Sight”.
No comments:
Post a Comment