Tuesday, November 8, 2016

Book Review: The Baller

May-akda: VI Keeland
Kategorya: Contemporary Romance
Karakter:
  • Delilah Maddox- isang sports reporter ng WMBC Sports News.
  • Brody Easton- quaterback ng New York Steel at MVP ng SuperBowl.
  • Michael Langley – apo ng may-ari ng  WMBC at head ng broadcaster operation.
  • Willow – kababata at dating nobya ni Brody.
  • Marlene – ina ni Willow na nasa pangangalaga ni Brody na itinuring na niyang pangalawang ina.
  • Drew – dating nobyo ni Delilah.
  • Grouper – kaibigan ni Marlene sa ospital na ngangalaga sa kaniya.
Sikat na Linya:
“Changing me was going to be a lot work, but proving to you that if you’ll take a chance on me, I’ll be there to catch you won’t be as hard. “– Brody Easton –
“If I told you I loved you more than anything in this world, would you give me another chance?”- Delilah Maddox -
Buod:
Itinatali ng nakaraan ang puso nina Delilah at Brody. Si Delilah Maddox ay isang sports reporter sa WMBC. Nagkrus ang landas nila ni Broady Easton ang sikat na quarterback ng New York Steel ng interviewhin ni Maddox si Easton sa loob ng locker room. Hindi inaasahan ni Maddox ang gagawin ni Easton nung sila na ang nagiinterview dito bigla nitong tinanggal ang kaniyang tuwalya sa bewang at lantarang pinakita ito kay Maddox. Kilala si Easton na gumagawa ng ganitong mga eksena sapagakt hindi niya gusto ang mga babae sa locker room. Doon nagsimula ang malimit na pagtatagpo ng dalawa at ang pagtitinginang kakalag sa puso nilang parehong nakagapos sa nakaraan.
Pagsusuri:
Kung dito sa Pilipinas ang sikat na laro ay basketbol sa ibang bansa mas kilala at madaming tagahanga ang Superbowl. Ang sikat na larong ito ang pinakasetting ng bagong handog na kuwento ni VI Keeland na “The Baller”.
Sinusundan nito ang karakter ni Delilah Maddox bilang reporter na madalas interviewhin ang sikat na quarterback na si Brody Easton. Umusbong ang pagmamahalan sa kanilang dalawa dahil sa limit ng pagkikita nila at pagkokober ni Maddox sa mga laro ng Steel na koponan ni Easton. Ngunit ang pagmamahalan nila ay naudlot ng bumalik sa buhay ni Easton si Willow na naging dati nitong nobya at naging dahilan noon kung bakit naalis sa koponan si Easton. Samantalang si Maddox ay takot pa ring umibig sa pagaakalang muli na naman siyang maiiwan gaya ng pagiwan sa kaniya ni Drew na dati niyang nobyo.
Maraming klase ang pagmamahal. Andyan ang pagmamahal kaibigan, pagmamahal kapatid at pagmamahal sa magulang. Minsan ang pagaalaga natin ng sobra sa isang tao ay na pagkakamali natin na pagmamahal na. Kailangan munang may mangyari bago natin ito marealize at sa kaso ni Easton narmdaman na lang niya ito dahil sa pagkakaiba nararamdamn niya kina Willow at Delilah. Samantalang sa kaso naman ni Delilah tanging siya lamang ang maaring magpalaya sa kaniyang sarili at muling buksan ang puso niya sa ibang tao kagaya ni Easton.
Cute yung story nito. Simple lang yung plot pero malalim yung pinaghugutan o pinagdaanan ng bawat karakter. May kani kanila malungkot na karanasan sa pagmamahal na lalong humubog ng kanilang damdamin. Ginamit na instrumento ng may-akda ang isport na superbowl upang mas lalong maging kapana-panabik ang istorya.
Silipin ang mundo ng Superbowl sa nobela ni VI Keeland.

No comments:

Post a Comment