Sunday, November 20, 2016

Trolls


Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 2, 2016

Haba nang Pelikula: 1oras 20minuto

Direktor: Mike Mitchell, Walt Dohrn

Kategorya: 3D animation, komedya, drama, musikal

Panulat ni: Jonathan Aibel, Glenn Berger

Istorya ni: Erica Rivinoja

Prodyuser: Gina Shay

Bida nang Pelikula:

  • Anna Kendrick bilang boses ni Poppy – prinsesa ng mga Trolls.
  • Justine Timberlake bilang boses ni Branch – troll na mainitin ang ulo na hindi nakikisaya kina Poppy.
  • Zooey Deschanel bilang boses ni Bridget – ang Bergen na lihim na nagmamahal sa hari.
  • Christopher Mintz-Plasse bilang boses ni haring Gristle – hari ng Bergen town.
  • Christine Baranski bilang boses ng masamang tagaluto – tagaluto ng troll sa Bergen town.
  • Russel Brand bilang boses ni Creek – nagtraydor sa mga trolls.
  • James Cordan bilang boses ni Biggie – pinakamalaking troll.
  • Gwen Stefani bilang boses ni Suki – magaling sa musika.
Musika: Christophe Beck

Sinematograpiya:
Yung Duk Jhun

Taga-ayos: Nick Fletcher

Taga-pamahagi:
20th Century Fox

Base sa: Good Luck Trolls na ginawa ni Thomas Dam

Bansa:
Estados Unidos

Lingguwahe: Ingles

Buod:

Dalawampung taon na ang nakakaraan ng tumakas ang mga troll sa bayan ng Bergen. Umalis sila dito dahil ikinulong ng mga taga Bergen ang kanilang punong tinitirahan sa kaalaman na magiging masaya ang isang Bergen tuwing kakain sila ng troll. Kaya naman kada taon ay may kasiyahan sila na puwedeng kumain ng troll ang isang Bergen. Nakatakas ang mga troll at nanirahan ng mapayapa sa malayong lugar. Lumipas ang panahon at muling natagpuan ng masamang tagaluto ang kanilang nilipatang lugar at nahuli ang mga kaibigan ni prinsesa Poppy. Umalis siya upang iligats ang mga ito at maibalik sa kanilang tribo kasama ang lagging aburidong si Branch.

Pagsusuri:

Siguradong kagigiliwan ng mga bata ang pelikulang Trolls. Ang mga magagandang kanta, makulay na setting at tumatak na mga linya ang bumuo sa simpleng plot nina direktor Mitchell at Dohrn. Hindi man naging kakaiba ang kuwento pero pinuno ito ng mga kakaibang sangkap upang mas tangkilikin ng mga manonood.

Ito ay kuwento ni prinsesa Poppy at Branch sa pagliligtas sa kanilang mga kaibigan sa kamay ng mga Bergen. Si Poppy ay isang masiyahing troll at para sa kaniya lahat ng bagay ay may solusyon, ayaw na ayaw niya ng nalulungkot. Si Branch naman ay isang miserableng troll na palaging tinatakot ang mga troll na dadating ang mga Bergen upang kunin sila. Ang pagsasama nila sa pagsagip sa kanilang mga kaibigan ang magiging daan upang mas makilala ni Poppy si Branch at ang pinagdaanan nito. Sa pagsaklolo nila sa mga troll makikilala nila si Bridget isang Bergen na katulong sa kaharian ni haring Gristle. Matagal na may itinatagong pagtingin si Bridget kay Gristle at tutulungan siya ni Poppy upang mapansin siya nito. 

Punung puno ang mga karakter ng kulay at kasiyahan. Ang ganda tingnan sa mata nung pinagsama samang kulay na parang bahaghari. Sumasagisag ng isang bagong umaga na puno ng pag-asa. Naging simbolo din ang mga kulay na ito ng kasiyahan ng mga troll na lalong nakadagdag sa ganda ng palabas.

Gustung gusto ko yung mga ginamit nilang mga kanta. Nagpapakita talaga ng emosyon at nais sabihin ng kada karakter na kumakanta. Lalong lalo na yung bersyon nina Timberlake at Kendrick ng True Colors, nakatouch yung eksena na iyon. At dahil tumulong sa pamamahla ng musika si Timberlake, ilan sa mga kanta niya ay naisama ditto gaya ng Hair Up at Can’t Stop the feeling.

Yung mga linya na ginawa nina Aibel at Beger ay tamang tama para sa palabas na ito. Inilagay yung mga linya sa tamang pagkakataon at angkop na eksena kung saan lalo mong mararamdaman yung tunay na ibig sabihin nito. Andyan yung “Happiness is inside, you just need someone to find it” maikling linya pero punung puno ng ibig sabihin. Maraming ding tumatak na mga aksyon na nagiging tanda ng pagmamahal gaya nung pagbibigay ng yakap kada iilaw ang mga braso ng mga troll. Tanda ng pagmamahal at pagkakaisa ng bawat isa. 

Sa kabuuan maganda ang pelikula at saktong sakto para sa mga batang manonood. Masisiyahan at maraming matutunang aral dito. Mapapaindak din at mapapasabay sa mga kantang handog ng makulay na mundo ng mga troll.

No comments:

Post a Comment