Friday, November 18, 2016

The Accountant

Theater Movie Poster

Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 2, 2016

Haba nang Pelikula: 2oras 5minuto

Direktor: Gavin O’Connor

Kategorya: Aksyon, Krimen, Drama, Thriller

Panulat ni: Bill Dubuque

Istorya ni:
Jon Spaihts, Scott Derrickson, C. Robert Cargill

Prodyusers:
Mark Williams, Lynette Howell Taylor

Bida nang Pelikula:

  • Ben Affleck bilang si Christian Wolff – isang magaling na accountant, may-ari ng ZZZ accounting.
  • Anna Kendrick bilang si Dana Cummings – accountant sa Living Robotics na kumpanya, tinulungan ni Christian.
  • J.K. Simmons bilang si Ray King – isang direktor sa pinansyal na krimen.
  • Jon Bernthal bilang si Brax – kapatid ni Christian.
  • Jeffrey Tambor bilang si Francis Silverberg – dating accountant na nagturo kay Christian, pinatay ng Gambino family.
  • Cynthia Addai-Robinson bilang si Marybeth Medina - – junior analyst na kinuha ni Ray King upang tulungan siya, may mga krimen na nagawa sa nakaraan niya.
  • John Lithgow bilang si Lamar Black – CEO ng Living Robotics.
Musika: Mark Isham

Sinematograpiya:
Seamus McGarvey

Taga-ayos:
Richard Pearson

Taga-pamahagi: Warner Bros. Pictures

Bansa: Estados Unidos

Lingguwahe: Ingles

Buod:

Si Christian Wolff ay pinanganak na may kakaibang autism disorder at dahil sa sakit na ito iniwan siya at ang kapatid niyang si Brax ng kaniyang ina. Pinalaki sila ng kaniyang ama na isang militar. Tinuruan sila nito ng martial arts at sharpshooting. Ngunit lumaki si Christian na magaling na accountant at naitayo niya ang ZZZ accounting. Ang Living Robotics na kumpanya ay isa sa naging kliyente niya at dito niya nakilala si Dana Cummings na accountant nito. Nakakita sila ng mga pagkakaiba at nawawalang pera ng kumpanya na siyang naging dahilan upang malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Pagsusuri:

Kakaiba yung iniexpect ko mula sa pelikulang ito. Parang matalino si Ben Affleck na malulutas niya lahat ng krimen. Pero iba pala ito. Maraming twist na naganap sa buong kuwento. Nakakalito siya nung una kasi parang hindi mo halos maintindihan kung ano talaga ang nangyayari sa pelikula. Panimula pa lang malaking tanong agad ang naglaro sa kung tungkol saan ang patutunguhan ng eksena.


Gumamit ang direktor ng mga pagbabalik tanaw upang mas maemphasize pa ang kuwento. Pinakita dito ang pagkabata ni Christian at kung paano siyang nabuhay na may aking galing sa pagbaril at martial arts. Sakto lang yung mga balik tanaw hindi siya ganoon kahaba at tamang tama lang sa kada eksena. 



Magaling yung mga linya ni Dubuque. Simple lang pero may lalim at may laman. Gaya na lang nung sinabi ng ama ni Christian na “You are different sooner or later different scares a lot of people.” may kakaibang kahulugan. Marami ding magagandang linya na kapupulutan mo ng aral ang naisama ng manunulat sa pelikula. Isama pa yung dalawang punto na naibigay din ng pelikula, una “Life is full of choices” at “Loyalty, family first”, tumatak sa akin tong mga linya na ito kaya epektibong manunulat siya.



Ito ay kuwento ni Christian Wolf na isang magaling na accountant at may-ari ng ZZZ accounting. Kilala siya sa pagiging accountant ng mga masasamang tao. Ngunit lahat ng kinikita niya at inilalaan niya sa isang Neuroscience Institute na nangangalaga sa mga may disorder na autism. Makikilala niya sa kumpanyang Living Robotics si Dana Cummings na siyang accountant ng kumpanya. Nadiskubre nila na may nawawalang pera at dahil dito sila inutusang patayin ng CEO ng nito. At lalo pa itong pinagulo ng pagtatagpo nila ng kapatid niyang si Brax sa isang hindi inaasahang pagkakataon.



Walang masyadong aksyon sa pelikula gaya ng inaasahan. Maraming nangyayari na halos nangangalahati ka na sa pelikula pero hindi pa pla iyon yung mismong istorya. Mas pinalalim at pinakilala ng maige ang katauhan ni Christian na hindi naman kinakailangan. 



Sa kabuuan ok lang yung pelikula, huwag masyadong magexpect.

No comments:

Post a Comment