Saturday, November 5, 2016

Book Review: The Score

May-akda: Elle Kennedy
Kategorya: Contemporary Romance
Karakter:
  • Dean Di Laurentis – manlalaro ng hockey, mayaman, chickboy at maimpluwensiya ang pamilya.
  • Allie Hayes – artista sa teatro na gusting magtrabaho sa mga pelikula at palabas.
  • Sean McCall – dating nobyo ni Allie na gustong makipagbalikan sa kaniya.
  • Grace – kaibigan ni Allie at nobya ni Logan.
  • Hannah- kaibigan ni Allie at nobya ni Garrett.
  • Garrett – kasamahan sa bahay ni Dean at kateam sa hockey.
  • Logan – kateam at kaibigan ni Dean.
Sikat na Linya:
“I get it, the life of Dean is all sunshine and roses but real life isn’t like that. In real life, bad things happen, and you need to deal with them. “– Allie Hayes –
Buod:
Si Dean Di Laurenti ang babaerong hockey players ng school nila. Lahat nakukuha niya mataas na grado, magandang buhay, at mayamang pamilya. Si Allie Hayes naman ay isang broken hearted ng dalaga na kaibigan ng mga nobya ng kateam ni Dean. Gusto ni Allie maging isang artista sa isang magnadang proyekto sa tv. Palaging sinasabihan ng mga kaibigan si Dean na huwag pakikialaman si Alllie dahil kilala na nga nila si Dean na babaero. Ayaw nilang masasaktan si Allie dahil siguradong ang pagkakaibigan nila ay maaapektuhan. Ngunit ng minsang pumunta si Allie at nakituloy sa bahay nina Dean nangyari ang hindi inaasahan upang magkaroon ng konekta ang isa’t isa at tuluyang magmahalan. Ang akala nilang perpektong relasyon ay nabahiran ng lungkot dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa kaibigan ni Dean na hindi nito kinaya.
Pagsusuri:
Ito ang pangatlong libro ni Elle Kennedy tungkol sa mga poging Hockey players. Una ang istory ni Garette at Hannah na The Deal, ang pangalawa ay ni Logan at Grace na The Mistake at ngayon nga ay ang pantatlo na The Score nina Allie at Dean.
Ang babaerong si Dean Di Laurenti ay matagal ng may atraksyon kay Allie ngunit dahil ayaw ng mga kaibigan niyang patulan niya si Allie ay iniiwasan niya ito. Lahat ng babae lumuluhod sa kaniya maliban dito. Hinahabol si Allie ng kaniyang dating nobyo na si Sean kaya nakitulog muna siya kina Dean na nagbunga ng isang gabi ng hindi inaasahang pangyayari. Sinabi ng tatay ni Allie na ang mga taong kagaya ni Dean ay mga taong hindi kaya ang sarili kapag mahirap na ang mga sitwasyon , na napatunayan nga ni Allie ng mamatay ang kaibigan nito.
Maraming tao ang nahahawig sa karakter ni Dean sa kuwentong ito. Hindi lahat puros sarap lang sa buhay. Marami ang pagsubok at kailangan mong sumabay dito para hindi ka maiwan. Ito ang mga pagsubok na sususbok sa iyong katatagan at magpapatibay sa iyo sa mga dadating pang unos. Pero hind ito kinaya ni Dean dahil hindi siya sa sanay ng nahihirapan. Kaya ang depensa niya maging ng ibang tao ay maging miserable. Sa katauhan naman ni Allie na isang matapang na babae ayaw niyang sinasabi sa kaniya ang dapat niyang gawin. Gusto nito na mas makikilala ang kaniyang sarili upang malaman ang dapat at nararapat sa kaniya. Kung kaya nakipaghiwalay siya sa kaniyang nobyo na lagi siyang dinidiktahan  ng dapat niyang gawin.
Simple ang plot pero may aral. At kadalasan sa mga lalaki nahahawig ang ganitong sitwasyon. Sila yung mga pamacho effect pero bigyan mo ng problema hindi na alam ang gagawin. Matutuklasan mo din sa nobelang ito yung pagtuklas sa sarili kasi kung ano talaga yung gusto mo yun ang magbibigay kasiyahan sayo. Maraming aral sa buhay ang naibahagi ng may-akda sa kuwentong ito.
Silipin at kilalanin ang buhay ni Allie at Dean sa The Score.

No comments:

Post a Comment