May-akda: Colleen Hoover
Kategorya: Drama, Romance
ISBN: 978-1-4711-5627-4
Karakter:
- Lily Blossom Bloom – mahilig sa halaman at may-ari ng Lily’s Bloom
- Ryle Kincaid _ isang neurosurgeon, umiibig kay Lily
- Atlas Corrigan – kababata ni Lily, magaling na chef at may-ari ng Bib Restaurant
- Allysa – Sister of Ryle, bestfriend of Lily
- Marshall – husband of Allysa
- Darin, Brad, Jimmy – friends of Atlas, works in Bib’s Restaurant
Sikat na Linya:
“There is no such thing as bad people. We’re all just people who sometimes do bad things “– Ryle Kincaid –
“When life gets you down do you wanna know what you’ve gotta do?... Just keep swimming. Just keep swimming, swimming, swimming. “ – Dory on Finding Nemo -
“People say that teenagers don’t know how to love like adults.” –Lily-
Life is funny thing. We only get so many years to live it, so we have to do everything we can to make sure those years are as full as they can be. We shouldn’t waste time on things that might happen someday or maybe even never.” – Atlas –
Buod:
Matapos mamatay ang ama ni Lily natagpuan niya ang sariling nag-iisip sa isang roof top kung saan niya nakilala ang isang estrangherong si Ryle. Nasundan pa ito ng magtrabaho ang kapatid ni Ryle na si Allysa sa kniyang bagong bukas na flower shop. Si Ryle ay isang neurosurgeon at may traumatic na nakaraan. Ngunit bumalik sa buhay niya si Atlas, ang dating niyang kababata.
Pagsusuri:
WOHOOOO! Hindi ko mailagay sa salita ang dapat ko sabihin sa librong ito. Grabe lang as in Grabe. Sandali kakalmahin ko lang sarili ko…. Ok heto na.
Mula mismo sa may-akda, ito ang unang libro ni Collen Hoover mula mismong sa sarili niyang karanasan. Nagpapakita ng isang mapait na pangyayari sa kaniyang pamilya. Isang masakit na katotohanan na sumasalamin hindi man sa lahat ng sitwasyon o lahat ng tao pero marami ang makakarelate sa kuwentong ito.
Kuwento ito ni Lily na matapos mamatay ang kaniyang ama ay nagtayo ng isang flower shop sa Boston na Lily’s Bloom. Mayroong mapait na karanasan si Lily sa kaniyang ama na nakita niya nung bata pa siya. Nakilala niya si Ryle na isang magaling na neurosurgeon na nakausap niya sa roof top ng isang building. Nasundan pa ito nung magtrabaho sa kaniya ang kapatid nitong si Allysa. Nagsimulang mag-ibigan ang dalawa na nauwi sa pagpapakasal. Ngunit may ilang insedente sa kanilang pagsasama ang naging hadlang sa kanilang samahan. At sa panahong ito muling nagtagpo ang landas nila Atlas na dati niyang kababata.
Si Lily yung tipo ng karakter na matapang. Matapang sa mga bagay na alam niyang tama at makakabuti sa kaniya. At kung alam niya na hindi na ito makakabuti, alam niya kung kailan dapat tumigil kahit masakit pa ito sa kaniya. Sana lahat ng babae ay may ganitong klase ng lakas ng loob at paninidigan upang walang babaeng iiyak at masasaktan. Kumbaga huwag na nating piliting pagalingin ang isang sugat na patuloy na pinapadugo ng iba dahil hinding hindi ito gagaling. Bawat isa nararapat mahalin dahil deserve nila ang pagmamahal na nararapat ibigay ng kahit sinong tao sa kanila.
Gumamit ang may-akda ng mga diaries o journals upang magpakita ng pagbabalik tanaw. Naging maganda ang execution ng pagbabalik tanaw dito. Hindi ito nakakagulo o pasulpot sulpot lang kagaya ng gingawa ng ibang autor. Maganda ang flow at pagkakasunod -sunod, hindi ka binibigla ng kuwento at naiintindihan mo agad ang pagpapasok ng bagong anggulo.
Ramdam na ramdam ko yung karakter ni Lily. Hindi ko maipaliwang yung koneksyon kahit alam ko na hindi ko pinagdaanan ang nangyari sa kaniya , sa bawat bigkas ng mga salita ni Hoover sa istorya. Naiparamdam niya ang sakit ng nararamdaman ng isang Lily. Mahohook ka sa story. At makakarelate ka sa mga karakter. Yung mga linya talagang magpapakirot sa puso ng nagbabasa. Halos totoo na parang tumutusok sa puso mo sa bawat basa mo sa mga kataga.
Maganda yung nilalaman ng libro. Hindi lang ito nageentertain nagbibigay din ng aral, impormasyon at kaalaman. Na matagumpay na nailagay ng may-akda sa kuwento. Naibahagi niya ang kaniyang hangarin at napaabot sa iba ang mensaheng nais niyang maiparating.
Inirerekomenda ko ito sa lahat ng babae, hindi lang kayo maiinlove sa librong ito kundi magbibigay din ng inspirasyon ang buhay ng isang Lily Blossom Bloom sa lahat ng kababaihan ng bagong henerasyon.
Ang pag-ibig ay hindi nakakasakit, kundi mapagbigay at mapagparaya…
No comments:
Post a Comment