Wednesday, November 9, 2016

Book Review: Fifty Shades Darker


C:\Users\bsmañibo.KBS\AppData\Local\Microsoft\Windows\Temporary Internet Files\Content.Outlook\DSS0B7W9\FullSizeRender (2).jpg
May-akda: E L. James
Kategorya: Contemporary Romance
ISBN: 978-0-345-80349-8
Karakter:
  • Anastasia “Ana” Steele – assistant ni Jack Hyde, editor sa SIP
  • Christian Grey – CEO ng Grey Enterprise Holdings Inc.
  • Mia Grey – kapatid ni Christian
  • Jose Rodriguez – kaibigan ni Anastasia na mahilig sa photography
  • Gail Jones – tagaluto ni Christian
  • Leila – baliw na dating submissive ni Christian
  • Taylor – taga pag maneho ni Christian
  • Carrick Grey – ama ni Christian
  • Grace Grey – ina ni Christian
  • Jack Hyde – boss ni Ana sa SIP
  • Elena Lincoln – tintawag ni Ana na Mrs. Robinson, nagturo ng maraming bagay at may gusto kay Christian
  • Welch – security adviser ni Christian
  • Ethan – kapatid ng kaibigan ni Ana na si Kate
  • Kate – best friend ni Ana
Sikat na Linya:
“This is me, Ana. All of me… and I’m all yours. What do I have to do to make you realize that? To make you see that I want you any way I can get you. That I love you. “– Christian Grey –
“His magical is powerful, intoxicating. I’m a butterfly caught in his net, unable and unwilling to escape. I’m his… totally his.”- Anastasia Steele -
Buod:
Matapos ang isang mapait na paghihiwalay muling nagkabalikan sina Ana at Christian. Si Ana ay isa ng editor sa SIP. Samantalang si Christian ay binili ito upang maprotektahan si Ana. Unti-unting ibinukas ni Christian ang kaniyang sarili kay Ana. Ang mapait na karanasan nito noong kabataan, ang nagdudulot ng kakaibang Christian Grey. Ngunit hindi inaasahang bumalik ang dati nitong submissive na si Leila.
Pagsusuri:
Ito ang pangalawang sa tatlong aklat ng kuwento nina Ana at Christian na may pamagat na Fifty Shades Darker. Ang unang akalt nito ay ang Fifty of Shades Grey na naging pelikula na at huli ay ang Fifty Shades Freed.
Mula sa pamagat nito mahihinuha na sa librong ito maraming masasamang bagay ang mabubunyag mula sa ating fifty shades na si Christian. Maiitim na nakaraan at alaala ng magpapabago  ng buhay at pagsasama nila ni Ana.
Ito ang pagpapatuloy ng pagmamahalan nina Ana at Christian. Susubukin sila ng maraming pagsubok na susubukan nilang lutasin ng hindi tumatakbo sa isa’t isa. Ang mga dilim sa pagkatao ni Christian ay unti-unti niyang masasabi ay Ana pati ang ilang tao na babalik mula sa kaniyang nakaraan.
Marami siguro sa mga kakabaihan ngayon ang gusting gusto ang karakter ni Ana. Para ba itong isang Cinderella story, na ang isang mayaman at guwapong lalaki gaya ni Christian at magkakagusto sa isang ordinaryong babae na gaya niya.
Pero alam natin na hindi lahat ng tao ay perpekto. Maraming bagay ang nakaka-apekto sa bawat isa na huhubog ng kani-kanilang pagkato. Masama man ito o magnadang karansan ito ang huhulma sa buhay natin.
Magandang parte yung pag-amin ni Christian kay Ana na kailangan niya ito sa buhay niya. Sapagkat ang pag-amin na ito ay bago sa kaniya, lalo na ang magpakita ng matinding emosyon na hindi niya makontrol.
Maganda ang pagkakasulat ng aklat na ito. Puno ito ng mga aral sa buhya. Sinusukat nito ang katatagan ng isang pagmamahalan, na sa mundong ito ay bihira ng makita. Maganda ang daloy ng istorya at hindi nagmamadali sa paglalahad ng mga bagay bagay.
Maraming magagandang linya ang may may-akda dito na lalong nagpaganda sa mga eksena. Mga linyang nagpadama ng matinding emosyon at kukurot sa puso ng mambabasa. Isinulat niya ito sa paraang mahohook ang magbabasa sa mga susunod na pahina. Parang pagkain na hindi mo titigilan hanggng sa hindi ubos. Two thumbs up para kay EL James.
Inirerekomenda ko ito sa mga may asawa, gustong mag-asawa, nasa relasyon at sa gustong pumasok sa isang relasyon. Malalaman nila na ang pagpasok sa isang relasyon ay hindi lang puro saya kundi andiyan din ang sakit at pagkabigo na maaari ding maramdaman.
Tunghayan kung paano ang pag-ibig ay mangingibabaw sa pagmamahalang Christian at Ana.

No comments:

Post a Comment