Thursday, November 3, 2016

Book Review: Slave to Love ni Julie A. Richman


May-akda: Julie A. Richman
Kategorya: Contemporary Romance
Karakter:
  • Sierra Stone -  lider ng sales sa sentro ng Amerika, magaling at competitive sa lahat ng bagay.
  • Hale Ludstorm – CEO at founder ng Spacecloud.
  • Kemp McCoy – head ni Sierra at Susan.
  • Susan Smith – lider ng sales sa silangang bahagi ng Amerika, nakakuha ng account ng Spacecloud.
  • Robyn – malanding tauhan ni Susan na paging inaakit si Hale.
  • Noel – kapatid ni Hale, dating nobyo ni Maggie.
  • Maggie – kababata ni Noel at Hale, namatay dahil sa pagkalunod.
  • Beverly & Monica – kaibigan ni Sierra.
Sikat na Linya:
“I love her and I’m not going to get over it, so I need her back. I want her as my girlfriend, I want her as my business partner and when we’re ready I want her to be the mother of my children. “– Hale Ludstorm –
“I know I can search this world a million times over, and if I don’t find my way back to you, Hale, I will never be whole again.”- Sierra Stone -
Buod:
Isa sa pinakamagaling sa sales at nangunguna sa ranking ay si Sierra Stone. Mahigpit ang labanan nila ni Susan na kapwa sales agent din, ngunit hindi niya nauunahan si Sierra. Hanggang  sa dumating ang account ng Spacecloud at napunta ito sa team ni Susan. Sa batang edad nabuo ni Hale Ludstorm ang kumpanyang Spacecloud. Ng makilala niya sina Susan at Sierra na hahawak ng account ng Spacecloud, nabighani agad siya kay Sierra ngunit hindi agad niya ito pinakita sa babae. Nalaman niya kay Kemp na lider ng dalawang babae na posibleng mapromote sa posisiyon nito si Susan at hindi si Sierra dahil sa isang pangako ni Kemp kay Susan noong nagsisimula pa lamang si Kemp. Alam nila na hindi ito matatanggap ni Sierra. Kung kaya gumawa ng paraan si Hale kung paano makukuha sa kompanya ang isang magaling at competitive na si Sierra. At dito nagsimula ang pag-ibig nina Sierra at Hale na pinalilibutan ng mga sekreto na maaring bumago o mapagtibay ang pagmamahalan ng dalawa.
Pagsusuri:
Ang nobelang Slave to Love ang panibagong handog na nobela sa atin ng sikat na autor na si Julie Richman. Maraming tao ang makakarelate sa daloy ng kuwento na hindi lang tungkol sa dalawang tao kundi sa karakter ng bawat isa at kung paano hinubog ng panahon ang kanilang mga desisyon at katayuan sa buhay sa pag-angat sa karerang kanilang pinili.
Ang kuwento ay nagsisimula kay Sierra Stone na isang magaling na agent. Parehas siyang lumaban sa lahat ng kaniyang kakumpetensya at magaling siyang mag-isip ng mga ideya na makakapagpataas ng kaniyang sales. Palaban siya sa paraang pinaghihirapan niya ang lahat ng bagay upang makuha ito. Wala siyang inaapakang iba upang umangat sa kaniyang posisyon. Si Hale Ludstorm naman ay ang founder at CEO ng Spacecloud. Isa siyang dating sundalo na may mataas ng posisyon. Dahil sa isang pangyayari noong kabataan niya nabago ang ugali at pagkatao nito. Gumawa siya ng mga bagay na makakapagpabago sa mundo upang makatulong. Ng makilala niya si Sierra agad siyang nakakaramdam ng atraksyon sa babae. At ng malaman nga niyang hindi ito ang mapropromote sa posiyon na gusto nito ay gumawa siya ng paraan para magtrabaho ito para sa kaniya.
Gusto ko yung karakter dito ni Sierra. Madami na siyang pinagdaanan kaya hinubog na siya ng panahon. At ang mga pinagdaanang iyon ang tumulong sa kaniya upang magtagumpay at umangat ng wala ng inaapakan o ginagamit na ibang tao. Pursigido at may pangarap ang susi sa pag-unlad ng isang tao sa buhay. At kung may bagay na hindi makakatulong sa kaniyang ginagawa tinatanggal niya iyon. Kapag ang isang tao ay may goal mahirap silang matalo sa kahit anong bagay. At ang mga taong ganito ang kailangan pahalagahan sa mga kumpanya. Dahil sila ang magdadala sa kanila sa pag-unlad.
Marami sa mga produkto o bagay na lumalabas sa panahon ngayon ay puros pagkita lang ng malaki ang gusto at hindi binibigyang pansin kung makakasama ba o makakabuti ito sa iba. At sa nobelang ito naiparamdam sa atin ni Hale yung kagustuhan na magkaroon ng pagbabago para sa ikakaunlad hindi lang ng isang tao o kumpanya kundi yung mapapakinabangan ng lahat sa buong mundo. Bihira na iyon sa ngayon na iisipin muna ang mundo bago ang sarili.
Kahanga-hanga at nagbibigay inspirasyon ang nobelang ito ni Richman. Hindi lang ito sumentro sa pag-iibigan ni Sierra at Hale kundi nagpakita ng kakaibang mundo na ikakatuwa ng mga mababasa. Maraming aral at values ang nabigyang diin ni Richman na hindi nakakagulo sa istorya. Simple at magaan lang ang kuwento. Sapat upang pakiligin at bigyang aral ang mga mambabasa.
Maganda ang kuwento at puno ng aral. Maiibigan ito ng mga mababasa. Isa sa mga worth it na basahin sa panahon ngayon.

No comments:

Post a Comment