Wednesday, November 16, 2016

Ang Pagsusuri: Stupid is Forever


May-akda: Miriam Defensor Santiago
Kategorya: Non-fiction, Autobiography
ISBN: 978-971-816-127-8
Sikat na Linya:
“For God’s sake, save this country. “– Miriam Defensor Santiago–
“At one time I was your age and like all UP students, I wanted to change the world. Maybe I have. But the world also change me. Now I am old enough to have seen the world and have all my illusions shattered. – Miriam Defensor Santiago –
“I’m very results-oriented, and I do have a kamikaze attitude. I don’t care if I go down in flames, as long as my enemies and I go down in flames together. Or maybe you can call it the Samson-in-the-temple syndrome. I don’t care if I destroy myself, as long as I destroy the temple of corruption. That would be a definite service to the community, don’t you think?” – Miriam Defensor Santiago –
“I feel like I am going, going, and soon be gone. Just call me the disappearing senator.” – Miriam Defensor Santiago –
“The biggest challenges in life often lead to the biggest gains in the long run.” – Miriam Defensor Santiago -
Pagsusuri:
Isa sa pinakamatalino at kahanga-hangang tao sa mundo ng pulitika si Miriam Defensor Santiago. Nagkamit siya ng maraming parangal at nabilang  sa “The 100 Most Powerful Women in the World” ng isang Australian Magazine. Hindi na siya baguhan sa pagsusulat dahil mahigit sa 30 ng libro ang kaniyang nagawa na tungkol sa batas at social sciences. Ngunit naiiba ang aklat na ito dahil dito nakita ang nakakatawang side ng nag-iisang Iron Lady ng Asia.
Ang aklat ay pinag-sama samang talumpati ni Miriam sa iba’t ibang okasyon at kolehiyo na nagbigay inspirasyon sa maraming tao lalong lalo na sa mga kabataan. Mababasa dito ang tungkol sa pulitika, sa mga tiwaling pulitiko, leadership, role ng social media at madami pang iba. At sinundan ito ng mga nakakatawang mga pick-up lines na mas nagbigay kulay at nagpalalim sa mga bagay na nais niyang bigyang diin.
Organisado ang pagsasama-sama ng mga impormasyon. Maganda yung ideya ng paglalagay ng mga pick-up lines dahil hindi naging boring ang paglalathala ng kada bahagi ng talumpati. Medyo may ilang salita lang na masyadong malalim ang pagkakagamit ni Miriam na hindi agad maiintindihan ng iba. Informative yung aklat na may halong komedya. Pero naipapaliwanag ang mga bagay na nais iparating sa mga mambabasa. Nilagyan ito ng mga nakakatawang bahagi hindi lang upang magbigay kasiyahan kundi magpatama at gisingin ang kamalayan ng iba sa tunay na estado ng ating bayan. Sinasabi nito ang reyalidad at tunay na nangyayari sa mundo ng isang Miriam.
Ang aklat na ito ay para sa lahat ng kabataan na para sa kaniya ay magiging pag-asa ng bayan. Nais niyang maiparating ang mga bagay bagay upang mamulat ang mga tao sa tunay na nangyayari. Gusto niyang maipaabot at maibahagi ang kaniyang mga kaalaman sa pamamagitan ng mga talumpating kaniyang ginawa at sa pamamagitan ng librong ito. Lahat ng kaniyang pananaw na sinuportahan niya ng kaniyang sariling mga karanasan ang nagpalinaw ng mga nais niyang ipaabot sa mga tao.
Sa kabuuan, ibinahagi din niya ang mga natutunan ng isang Miriam sa pagkakaroon ng isang makabuluhang buhay.
Ito ang isa ala-alang maiiwan sa atin ng isang Miriam Defensor Santiago na Stupid is Forever.

No comments:

Post a Comment