Monday, November 7, 2016

Book Review: Dark Room: A Society X Novel

May-akda: Heidi McLaughlin & L.P. Dover
Kategorya: Contemporary Romance
Karakter:
  • Parker Ward – may-ari ng Ward Enterprises na kumpanya na nagpapautang sa mga negosyong gusting magexpand o makaahon.
  • Mia Hudson – Zumba instruktres, kapatid ni Andrew at pangarap maging isang clothing designer.
  • Bryce – may-ari ng Soviety X na club, kaibigan ni Parker.
  • Rachel – kaibigang matalik ni Mia.
  • Zac – dating nobyo ni Mia.
  • Andrew – kapatid ni Mia at kaibigang matalik ni Parker.
Sikat na Linya:
“I’m in love with you. And now that you’re here, I’m not letting you go. I don’t think I can. “– Parker Ward –
“Being with you has made me the happiest I’ve ever been. I can’t imagine a life without you.”- Mia Hudson -
Buod:
Ang Society X ay isang club na nagbibigay aliw sa mga tao. Maraming kuwarto dito ang puwedeng gamitin at ekslusibo sa mga mayayamang miyembro nito. Lahat ng impormasyon at mga nagaganap dito ay hanggang dito lang at hindi nakakalabas sa club. Ang may-ari nitong si Bryce ay humingi ng tulong kay Parker upang iexpand ang negosyo ito. Lahat ng pinapasukan o tinutulungan ni Parker ay sinusubukan niya kung worth it paglagyan ng investment. Kung kaya nagpaschedule siya dito at ginamit ang isang kwarto na tinatawag na dark room. Sa dark room hindi mo puwedeng kausapin at puwedeng makilala ang makakasama mo kasi madilim sa kwartong ito. Si Mia Hudson ay graduate ng kursong clothing design, ngunit hindi muna niya ito pinursue at gusto niyang tulungan ang kaniyang kapatid na si Andrew sa negosyo nitong gym na naging Zumba instruktres siya. Matagal ng magkakilala si Mia at Parker. At ang atraksyon ni Parker para kay Mia ay matagal na niyang iniiwasan dahil kapatid ito ng matalik niyang kaibigan na si Andrew. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Ngunit sa hindi inaasaahang pagkakataon humingi siya ng tulong dito para sa isang negosyo na may kinalaman sa mga damit at siya ang kailangan niyang tao para dito. Naging miyembro din si Mia ng Society X dahil lamang binayaran ng nakasama niya doon ang kaniyang monthly fee na nakakapagtaka sa kaniya. Binigyan din siya ng kuwintas na kakaiba sa kuwintas na kalimitang binibigay ng club.
Pagsusuri:
Muli tayong pakikiligin nina Dover at McLaughlin sa bagong handog nilang nobela na Dark Room. Nakakaintriga ung teaser nitong book na ito. Hindi mo malaman kung ano ang magiging laman ng kuwento. Kaabang abang at kapana panabik ang bawat bahagi.
Ang kuwentong ito ay nagsimula sa club na Society X na nagbibigay aliw sa mga miyembro nito. Sila ang gumagawa ng pagpapare pareha ng mga magkakasama sama. At dahil sa curiosity ni Mia nagtry siya dito since ang unang gamit ay walang bayad. May nakasama siyang lalaki at hindi niya ito makalimutan. Ngunit hindi siya tuluyang nagpamiyembro dahil napakamahal ng monthly fee kaya nagtaka siya ng bayaran ito ng kaniyang nakasamang lalaki. Si Parker naman ang tumatayong Ceo ng Ward Enterprise na pag-aari ng pamilya nila. Sinubukan niya ang Society X upang malaman kung dapat ba niyang pahiramin ng pera ang club na ito upang magexpand. Matagal ng magkakilala sina Mia at Parker sapagkat kapatid ni Mia ang matalik nitong kaibigan na si Andrew.
Medyo SPG yung story kaya read on your own risk. Ngunit hindi ito naging malaswa at nagamit ang mga bahaging ito upang mas maging nakakaintriga ang pamagat na ginamit.
Maganda yung katangian ni Parker na inaalam muna ang papasukan niya o pagbibigyan niya ng pera bago sumugal at maginvest dito. Karamihan sa mga CEO ganito ang mga katangian. Si Mia naman yung tipong mapagmahal na kapatid ngunit hindi nakakalimot na abutin ang pangarap. Kung may kakayahan ka at alam mo na magaling ka dito dapat bigyan mo ito ng pansin para sa ikauunlad ng iyong pagkatao.
Ginamit na instrumento ng may-akda ang dark room upang mabuo ang isang pag-iibigan. Kahit hindi mo kilala o nakakausap ang tao, nararamdaman mo naman kung tama ang taong ito para sayo. Ang pag-ibig kung talagang sayo lalaruin ka lang ngunit sa huli sa ikaw pa din ang hahanapin.
Isang simpleng pag-iibigan na kaaaliwan ng lahat. Silipin at pasukin ang kuwento ng Dark Room.

No comments:

Post a Comment