May-akda: Alex Gonzaga
Kategorya: Non-fiction
ISBN: 978-971-816-122-7
Sikat na Linya:
Bukod sa mga Alex advice ito yung mga sinabi niya na gustong gusto ko.
“A relationship you keep on hiding is not worth keeping. “– Alex Gonzaga –
“If the guy loves me, he should love my God First.” – Alex Gonzaga –
Pagsusuri:
Ito yung first book ni Alex Gonzaga tungkol sa survival guides sa breakup. Ikinuwento niya dito ang kaniyang sariling experiences tungkol sa tatlong taong nagpatibok ng kaniyang puso. At kung paano siya binago ng mga karanasang ito.
Aakalain mo nung una na ang nakakatawang Alex ang mababasa mo sa librong ito. Ngunit hindi pala, isang Alex na seryoso at hindi mo aakalain na marami ng pinagdaanan ang buhay pag-ibig niya. Hindi pa din nawala yung pagkakwela niya na mas nakapagpagaan ng pagbabasa ng aklat na ito.
Nagbigay siya ng mga gabay kung paano malampasan ang breakup pati mga kanta at pelikula na maaring mong panoorin at pakinggan. Inisa –isa din niya ang mga dahilan ng breakup at mga dapat at hindi dapat gawin habang nasa proseso ng pagmomove-on.
Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga puntos na gustong ibigay ng may-akda. Gumamit siya ng mga halimbawa at ilang kuwento upang mas mabigyang liwanag ang ilang mga gabay. Entertaining at puno ng aral ang kuwentong ito at maayos itong naipaabot sa mga mambabasa.
Marami rin ang makakarelate dito dahil aminin natin dumaan tayong lahat sa yugto ng ating buhay na nasawi tayo sa pag-ibig. Mas narealize lang natin na tama ang mga sinabi ni Alex, at madami sa atin ang gumawa din ng mga kalokahan sa pagmamahal. Kung babalikan natin ngayon ay matatawa na lang tayo dahil sabi nga sa aklat naging daan ito upang mas maging mabuting tao tayo.
Sa huli, dalawang bagay ang aking natutunan at natuon sa aking kaisipan. Una, hindi masamang maging single. Sabi nga nila ang pagiging single ay choice natin. Hindi natin ikakamatay kung mag-isa tayo dahil andyan ang ating mga kaibigan at higit sa lahat ang ating pamilya na tutulong sa atin. Hindi natin kailangang mag-isa dahil hindi naman talaga tayo mag-isa. Kailangan nating makilala ang ating sarili ng tayo lang dahil pag nakilala natin ang ating sarili dito lang natin malalaman ang tunay na gusto at kailangan natin. Pangalawa, pagkakaroon ng relasyon kay God. Madalas sa atin nakakaalala lang kay God pag may kailangan o problema tayo. Gumawa tayo ng relasyon kay God, sabihin natin sa kaniya lahat, kung masaya tayo, kung malungkot tayo at kung may problema tayo. Dahil alam niya kung ano kailangan natin at alam niya kung ano dapat ibigay sa atin. At higit sa lahat alam niya kung kailan ito ibibigay sa atin. Lagi tayong nagtatanong kung bakit ganito at bakit ganyan. Hindi natin kailangan magtanong dahil alam niya ang kailangan natin hind man natin ito sabihin. Nakikita niya at nararamdaman niya ito dahil mahal niya tayo.
Sa kabuuan isang paggising sa lahat ng kababaihan ang librong ito. Maari tama o mali ito base sa iyong karansanan ngunit kapupulutan ito ng aral ng lahat ng taong nagmahal at nagmamahal.
No comments:
Post a Comment