Monday, December 12, 2016

The Unmarried Wife: Movie Review

Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 16, 2016
Haba nang Pelikula: 2oras 5minuto
Direktor: Maryo J. Delos Reyes
Kategorya: Drama, Romance
Istorya at Panulat ni: Vanessa R. Valdez
Base sa Orihinal na Istorya ni: Keiko Aquino
Prodyusers: Charo Santos-Concio, Malou N. Santos
Bida nang Pelikula:
  • Angelica Panganiban bilang si Anne Gonzaga – mabait na asawa ni Geoff.
  • Dingdong Dantes bilang si Geoff Victorio – asawa ni Anne.
  • Paulo Avelino bilang si Bryan – may asawang umibig kay Anne.
  • Dimples Romana bilang si Carmela – abogadong kaibigan ni Anne.
  • Irma Adlawan bilang si Veronica – inang umiwan kina Anne.
  • Denise Laurel bilang Louise – asawa ni Bryan.
Musika ni: Jesse Lucas
Taga-ayos: Tara Illenberger
Taga-pamahagi: StarCinema
Bansa: Pilipnas
Lingguwahe: Tagalog, Filipino
Buod:
Si Anne ay empleyado sa isang kumpanya na nagsusulong sa magandang pagsasama ng pamilya. Nakilala niya si Geoff at nag-ibigan ang dalawa at nagpakasal. Sinubok ng panahon ang kanilang samahan ng pagtaksilan siya ni Geoff. Kung kaya naisip niya na hiwalayan ito at ipa-annul ang kanilang kasal. Nakilala niya si Bryan na akala niyang tutulong sa kaniya. Ngunit bumalik ang asawa nito at mas lalong gumulo ang kaniyang buhay.
Pagsusuri:
Isang matapang na pagganap ang ipinakita ni Angelica Panganiban sa pelikulang ‘The Unmarried Wife’. Sa ilalim ng batikang director Maryo J. Delos Reyes na pinamahagi ng StarCinema.
Si Angelica Panganiban ay si Anne Gonzaga na umibig ng husto sa kaniyang asawa na si Geoff Victorio (Dingdong Dantes). Ngunit sinubok ng panahon ang kanilang pagsasama ng parehas silang magkaproblema. Si Anne ay nawalan ng oras kay Geoff dahil sa pagkakapromote nito sa trabaho at dumami ang kaniyang responsibilidad sa opisina. Sinabayan ito ng pagkakaroon ng problema ni Geoff sa kaniyang pinamamahalaang kumpanya na nagresulta ng isang kataksilan sa parte nito. At ng malaman ito ni Anne hiniwalayan niya si Geoff at nakilala niya si Bryan na akala niya tutulong sa kaniya, ngunit mas lalo lamang palang maglulubog sa kaniyang kinasadlakang sitwasyon.
Maraming magagandang linya ang tatak at talagang magpapaluha sa iyo. Mga tanong at gawi na kinasanayan ng mapanghusgang lipunan gaya na lang ng usapan ng ina nina Anne at Geoff. “Bakit nga ba pag lalaki ang nagloko ayos lang, ngunit bakit pagkababae ay sobrang samang tingnan? Kung tutuusin pareho naman itong masama.”
Napakagaling ng pagganap ni Angelica Panganiban. Mapang-hamon ang kaniyang papel na nabigyan niya ng magaling na pag-arte. At siya ay sumasagisag sa lahat ng mga kababaihan na dumaraan sa kaparehong sitwasyon. Kay Dantes naman ramdam mo na andoon siya pero kulang ang binibigay na emosyon. Ang pagiging bad boy image ni Avelino ay bumagay sa kaniya bilang Brayn. Ang galing din ng mga supporting cast lalo na ni Denise Laurel. Ramdam na ramdam mo siya sa bawat eksena niya.
Maayos na naikuwento ng direktor ang pelikula. Lahat ng anggulo ay naipaliwanag at naipakita ni Delos Reyes. Walang dull moments ang palabas. Walang bitin na mga eksena. At naihatid niya ang nais iparating ng kuwento sa mga manonood. Hitik na hitik yung halos dalawang oras na pagpapalabas nito. Kung kaya’t hindi nakapagtataka na marami ang nakarelate sa mga karakter.
Ang pelikula ay nagpapakita na hindi lahat ng relasyon ay perpekto. Maraming darating na problema at susubukin ang tibay ng inyong pagsasama. At nasa sa atin kung paano natin ito lulutasin. Huwag tayong gagawa ng isang bagay na alam natin dadagdagan lang sa naiwang problema.
Sa kabuuan napakaganda ng pelikulang ito. Maraming mensahe ang mapupulot ng mga mag-asawa na magsisilbing aral para sa lahat.

1 comment: