Friday, December 2, 2016

10 Must see Acts on ‘The Super Parental Guardians’

Dinumog nang manonood ang muling pagtatambal sa pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin sa kanilang pinakamaagang  pamaskong handog na “The Super Parental Guradians”. Kasama pa ang dalawang break out child stars ngayon na sina Awra Briguela at Onyok Pineda at sa direksyon ng batikang director na si Bb. Joyce Bernal. Maraming eksena ang tumatak at nakatutuwa sa palabas na ito na siguradong kagigiliwan nang mga manonood. Narito ang ilang parte na kinaaliwan nang mga tao.

1. Paglabas ni Emie.
Hindi inaakala ng lahat na masasama ang magandang si Bela Padilla bilang Emie sa palabas na ito. Kahit special na partisipasyon lamang ang ganap ni Padilla, nakakuha naman ito ng atensyon ng mga manonood dahil sa kagandahang taglay ng dalaga sa papel na astig na girlfriend nang sigang si Joem Bascon. Siya ay pinag-aagawan nina Paco (Coco) at Jake (Joem) kung kaya nagkaroon nang laban ang dalawang grupo.
2. Pagtawag ng tulong dahil nasaksak si Sarah.
Gumanap si Matet de leon bilang si Sarah na kapatid ni Paco (Coco) at kaibigan ni Arci (Vice). Nakakatawa yung pagkasaksak niya at humihingi siya nang tulong. Ang dami pang tinawagan ni Arci hanggang sa huli si Sarah pa mismo ang tunay na tumawag sa 911.  Kwela yung eksena kasi natataranta sina Lassy at MC kasama si Vice kung anong gagawin. Hindi din agad nalaman ni Matet na nasaksak pala siya.
3. Riot sa bubong ng squatter’s area.
Ito ang naging opening ng pelikula. Makapigil hininga ang pagtalon talon ni Coco sa mga bubong sa squatters area kasama sina Benny at Miko Matos na kapwa kasama niya sa gang. Tunay na hindi mapapantayan ang galing ni Coco pagdating sa mga aksyon scenes.
4. Paligsahan sa spaghetti.
Nagpaligsahan sa eksenang ito sina Awra at Vice sa spaghetti nilang niluto para sa mga nagtratrabaho sa renovation ng bahay na tinitirhan nila. Una nagpakita ng niluto si Awra na gawa daw ang kaniyang spaghetti sa fresh pick ripe tomatoes, samantalang ang kay Vice Ganda naman ay spaghetting mayroong antibiotic, antihistamine, gluthatione at Ginkgo Biloba.
5. Pagtatanggol Ni Vice kay Awra laban sa batang umaaway sa kaniya.
Naabutan ni Vice na inaaway si Onyok at Awra ng tatlong bata. Sinabihan si Awra ng bata na batang ulila, na inulit naman ni Vice sa bata kung bakit tinawag niya si Awra na batang ulikba na mas masakit sa sinabi ng batang umaaway sa kaniya.
6. Sambutan nang bola at paligsahan sa pagposing.
Sumali sina Vice at Awra sa paligsahan nila sa school at gumanap si Vice bilang nanay nang mga ito. Habang nagsasambutan ng bola nagpaligsahan ang dalawa sa pagpose matapos maihagis ang bola sa magkabilang panig. Laughtrip ang mga pose nina Vice at Awra.
7. Pagsayaw ni Vice at Awra.
Makapigil hiningang stunt ang ginawa nina Vice at Awra sa production number nilang sayaw bilang mag ina sa school. Halos mabali ang buto ni Awra sa paghahagis hagis dito sa ere. At nahilo naman si Vice nung siya naman ang inihagis.
8. Nakakatakot na paglabas ni Matet.
Nakakatawang nakakatakot ang pagmumulto ni Sarah kina Vice at Coco. Bagamat laging may dalang balut si Matet dito dahil adik siya doon hindi pa din naitago ang nakakagulat niyang pagsulpot. Isang eksena dito ay ang biglang pagpapakita ni Matet sa labas ng pinto ni Vice pagbukas niya nito.
9. Dramatic scene ni Vice at Coco.
Kilala natin si Vice sa mga punchlines at nakakatawang kilos. Kaya marami ang magugulat sa dramatic scene nila ni Coco tungkol sa walang nagmamahal na tao kay Vice na pinabulaanan naman ni Coco na umabot sa matinding sagutan ng linya ng dalawang bida. Ramdam mo yung acting ni Vice sa eksenang ito.
10. Pagkanta ni Coco.
Isang pasabog sa ending part ng palabas ang pagkanta ni Coco na hindi niya madalas ginagawa sa iba niyang pelikula. Kumanta si Coco ng Wag Ka Nang Umiyak sa huling bahagi nang akala niya ay namatay sa pagsabog si Vice.
Kayo, anong paborito ninyong eksena?

No comments:

Post a Comment