Maraming pagpipilian ang mga manonood ngayong araw ng kapaskuhan dahil sa naiibang entries ngayong taon na ito. Piniling maigi ng komite ng MMFF ang mga makakapasok sa taunang patimpalak ng pelikulang Pilipino. Narito ang mga pelikulang nakapasok at maaring panoorin simula Disyembre 25, 2016.
1. Die Beautiful
Nanalo ng Best Actor at Audience Award ang pelikulang ito sa 29th Tokyo International Film Festival. Si Paolo Ballesteros ay si Trisha isang bakla na sinasalihan lahat ng gay beauty contest. Mapagmahal sa mga bata at mabait na kaibigan. Magaling siyang mag-ayos sa sarili na parang totoong babae. Tunghayan natin ang buhay ni Trisha sa Die Beautiful.
Bida sa Pelikula: Paolo Ballesteros, Joel Torre, Gladys Reyes, Luis Alandy, Albie Casino
Direktor: Jun Robles
2. Kabisera (inspired by true story)
Kuwento ng isang pamilya na sinubok ng isang pangyayari. At ang tumayong ilaw nila ang isang ina at asawa sa pagsubok na iyon. Panoorin kung paano muling bumangon ang isang pamilya sa nangyari sa kanilang buhay.
Bida sa Pelikula: Nora Aunor, Ricky Davao, JC de Vera, Jason Abalos, RJ Agustin, Victor Neri, Ronwaldo Martin
Direktor: Arturo “Boy” San Agustin & Real Florido
Si Marty ay isang comic book artist na lihim na nagmamahal sa kaniyang best friend na si Sally na isang nerd at gadget inventor. Ngunit gaya ng maraming love story, maraming hadlang dito. Una ang nakakatakot nitong mga magulang at ang pangalawa may boyfriend si Sally. Walang magawa si Marty kundi ang pagpantasyahan na inililigtas ang kaniyang pinakamamahal mula sa masamang mundo. May halong animation itong pelikula at panoorin kung ano ang kahihinatnan ng love life ni Marty.
Bida sa Pelikula: Rhian Ramos, Enzo Marcos, TJ Trinidad
Direktor: Avid Liongoren
Isang babae si Adlawan na nanunungkulan sa kanilang lugar. Tahimik na namumuhay ang mga tao dito sa pamamagitan ng pagmimina ng ginto. Ngunit isang araw pinagbawalan sila sa pagmimina na ikinabubuhay ng mga tao sa baryo dahil sa kawalan ng permit.
Bida sa Pelikula: Irma Adlawan, Mercedes Cabral, Joem Bascon
Direktor: Alvin Yapan
Nagbabalik si Eugene Domingo para sa pangalawang serye ng Ang Babae sa Septic Tank 2. Sa kuwentong ito tatalakayin kung paano gumawa ng pelikulang nakakakilig at papatok sa takilya. Makakasama ni Domingo si Jercho Rosales bilang kapareha niya. Ang daming hugot at patama ng palabas na ito sa teaser pa lang.
Bida sa Pelikula: Eugene Domingo, Jericho Rosales, Kean Cipriano, Cai Cortez, Khalil Ramos, Joel Torre
Direktor: Marlon Rivera
Ito ang dokumentaryong kuwento tungkol sa buhay ng mga OFW na helper sa Hongkong. Nagpapakita ng pagiging beauty queen nila tuwing linggo kapag sila ay nagkakasama-sama. Ito ang klase ng movie na walang bidang sikat na artista. Kaya tiyak na tunay na buhay ang maihahatid sa atin ng totoong kalagayan ng mga kababayan natin sa Hongkong.
Bida sa Pelikula: Hazel Perdid, Maylyn Jacob, Cherry Bretania, Leo Selomenio
Direktor: Baby Ruth Villarama
Hango sa social media serye na ‘Vince & Kath’ ni Jenny Ruth Almocera. Kuwento ng matalik na magkaibigan na Vince at Kath. Ng dumating si James gusto nito paibigin si Kath sa pamamagitan ng pagtetext dito. At si Vince ang kaniyang ginamit upang itext si Kath bilang si Var. Napaibig ang dalaga at ng magkita na sila si James na ang nagpakilala. Maitatago kaya ni Vince ang tunay niyang nararamdaman kay Kath?
Bida sa Pelikula: Julia Barretto, Joshua Garcia, Ronnie Alonte, Maris Racal, Shamaine Buencamino, Jeric Raval
Direktor: Theodore Boborol
Ayon sa kuwento pinakamalakas ang tawag ng demonyo sa huling pitong araw ng mga diyakono. Upang malayo sila sa tukso itinatago sila ng simbahan sa isang liblib na lugar. Ngunit ang lugar na ito ay pinagtaguan upang maligtas ang mapaghimalang bata na si Anghela Santa Ana. At ditto nagsimula ang mga kakaibang kaganapan sa lugar. Alamin ang kuwento ng Seklusyon na huling ginawa ng simbahan noon pang 1947.
Bida sa Pelikula: Rhed Bustamante, Phoebe Walker, Elora Espano, Neil Ryan Sese, Ronnie Alonte, Lou Veloso, Dominique Roque, John Vic De Guzman, JR Versales
Direktor: Erik Matti
No comments:
Post a Comment