Saturday, December 3, 2016

Movie Review: The Escort

Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 2, 2016

Haba nang Pelikula: 1oras 45minuto

Direktor: Enzo Williams

Kategorya: Drama, Romance

Panulat ni: Senedy Que

Prodyusers: Lily Y. Monteverde, Roselle Y. Monteverde

Bida nang Pelikula:
  • Derek Ramsay bilang si Cyrus delos Reyes/Cedric dela Cruz – kasosyo ni Lucy sa Luxe Escort agency, umibig kay Yassi.
  • Lovi Poe bilang si Yassi – umibig kay Cyrus, nagustuhan ni Gary at receptionist sa Luxe Escort agency.
  • Christopher De Leon bilang Gary Montenilla – nagtaksil at nagkaanak sa iba ang tunay na asawa, umibig kay Yassi.
  • Jean Garcia bilang si Lucy – may asawang mayor, ekslusibong escort si Cyrus.
  • Dimples Romana bilang Brenda – isa sa mga escort girl sa Luxe agency.

Musika: Jessie Lasaten

Sinematograpiya: Lee Briones-Mailey, Sherman Philip So

Taga-ayos: Vito Cajili

Taga-pamahagi: Regal Entertainment Inc.

Bansa: Plipinas

Lingguwahe: Tagalog, Filipino

Buod:

Unang kita pa lang ni Cyrus kay Yassi nagustuhan na agad niya ito. Kung kaya inalok niya ng trabaho sa kaniyang agency na tinaggap naman ng dalaga. Naging receptionist si Yassi sa Luxe Escort agency na nagbibigay aliw sa mga parokyano nitong lalaki. Nakilala niya si Gary at pilit siyang ibinebenta sa lalaki ni Cyrus. Nagustuhan si Yassi ni Gary ngunit ang puso niya ay tanging si Cyrus lang ang laman. Nang makilala ni Cyrus si Yassi at umibig din dito, tinapos niya ang ugnayan niya kay Lucy bilang ekslusibong escort. Si Lucy ay may asawang mayor na nakakulong. Ngunit ng lumaya ito nalaman ang kataksilan ng asawa at hinanap si Cyrus.

Pagsusuri:

Ito ang unang pagtatambal nina Lovie Poe at Derek Ramsay sa isang pelikula. Sa teaser pa lang kitang kita ang gandang lalaki ni Ramsay at ang sexy pigura ni Poe. Ito ay isang sexy film na handog nang Regal Entertainment Inc at sa direksyon ni Enzo Williams.

 Ang kuwento ay nagsimula kung saan si Yassi ay nagsisilbi bilang waitress sa isang okasyon na ang mga babae ay tinatawag na escort. Nakita niya na malaki ang kinikita ng mga babae na andoon. Nakita  ito ni Cyrus at inoferan agad siyang magtrabaho para sa kaniya bilang isang receptionist sa Luxe Escort agency nito. Si Cyrus ay kasosyo ni Lucy sa agency at ekslusibong escort din ni Lucy na may asawang mayor. Pagpasok niya sa opisina nakita siya ni Gary Montenilla na kamamatay lang ng asawa. Matagal na itong nililigawan ni Cyrus na kumuha ng escort sa kanila at nagustuhan nga nito si Yassi na hindi naman isang escort. Ngunit pinainan si Yassi ng pera ni Cyrus upang pakisamahan si Gary na hindi nagustuhan ni Yassi. Hindi inaasahang habang ginagawa ito ni Cyrus sa kanya, naramdaman ni Cyrus na mahal na niya ang dalaga at ayaw nitong ibigay siya sa iba kung kay minahal din siya ni Yassi. Bumalik ang asawa ni Lucy at hinanap si Cyrus dahil sa kataksilan ng mga ito. Walang ibang mahingan ng tulong si Yassi kundi si Gary.

Maraming parte sa pelikula ang hindi masyadong naipaliwanag at walang sagot hanggang sa matapos ang pelikula. Kagaya na lang ng paano nakilala ni Lucy si Cyrus, anong ginawa ng mayor sa asawang niyang si Lucy. Masyadong nagpokus ang direktor sa karakter nina Yassi at Cyrus kung kaya ang ibang eksena ay bitin at iniwan na lang sa mga manonood ang posibilidad na nangyari. Ang bagal nung istorya sa simula tapos nung kagitnaan biglang bumilis na ang daming nangyayari. Hindi nabigyan nang tamang oras ang kada sitwasyon upang mas mailahad ng mabuti ang kuwento at mas maramdaman ng manonood ang nais nitong maipaabot sa lahat.

Epektibo si Lovi Poe sa papel niyang virgin na receptionist. Hindi ganun kalalim, tama lang para sa hinihingi ng karakter niya. Hindi ko maramdaman yung sincerity sa papel ni Derek. Hindi mo mafeel yung pag-ibig ni Cyrus kay Yassi. Ultimo yung mga pag-iyak niya at mga linyang sinasabi hindi nakakaantig ng puso. Parang wala lang, sinabi niya lang tapos wala na. Samantalang sina Garcia at De Leon, alam mong batikang batikan na sa mga pagganap.

Yung mga linyang ginamit, although malaman naman kaso yung pagsasabi ng karakter, nakadepende dun kung tatak siya sa manonood at maalala nila. Sa kaso sa palabas na ito hindi ito naachieve.

Nahirapan ang pelikula sa execution ng palabas upang mas maintindihan ito. Marami ang naiwang tanong na ipinagpalagay na lang sa pamamagitan sa mga pansariling konklusyon.

2 comments:

  1. I should state i enjoy fundamentally considering your whole locales.
    miami dolls

    ReplyDelete
  2. The word 'luxury' is used in line with a lot of smaller (maximum of 12 people) escorted New Zealand tours and brings up visuals of pampering and stress-free travel.Phoenix escorts

    ReplyDelete