Wednesday, December 7, 2016

Do’s and Don’ts in Watching Movie in Theaters

Marami sa atin ang mahilig manood ng pelikula lalo na at ang bidang artista ay ating paborito at iniidolo. Maging tagalog o ingles mang palabas ating binibigyan oras upang matunghayan ang kuwento at masilayan ang pagganap ng mga sikat na artista. Narito ang ilang mga paalala at mga dapat tandaan upang maging hassle free ang ating panonood.


Don’ts
  • Iwasan ang pag-iingay at pag-uusap ng malakas sa loob ng sinehan. Malaking respeto sa iba kung hindi tayo mag-iingay habang nanonood. Ang pag-uusap ay nakakaagaw ng pansin dahil halos magkakalapit lamang ang mga upuan sa loob ng sinehan. Kung kaya magnda kung iiwasan ito.
  • Iwasan ang pagtataas ng paa at pagsipa sa unahang upuan. Karaniwan nating napapansin na maraming kabataan ang nagtataas ng paa sa loob ng panooran. Hindi ito magandang gawi kahit pa wala namang nakaupo sa harap na upuan. Paggalang ito sa susunod na gagamit, kung kaya hindi dapat itong pagtaasan ng paa. Ang pagsipa ay nakakagambala din sa panonood ng taong nakaupo sa ating unahan, huwag itong gawin.
  • Iwasan ang pagdadala ng smelly o maamoy na pagkain sa loob ng sinehan. Ang pagdadala ng mabaho o hindi kaiga-igayang pagkain sa loob ng panooran ay maaring makaistorbo ng maraming manonood. Hindi agad makakalabas ang amoy nito dahil kulong ang loob ng sinehan. Kung kaya ipinagbabawal ang pagdadala nito.
  • Ilagay sa silent mode ang cellphone upang hindi makaabala sa ibang nanonood. Lagi nating dala ang ating mga cellphone. Kailangang ilagay ito sa silent mode upang hindi makaistorbo sa iba. Kung may tawag na kailangang-kailangang sagutin maaring lumabas pandalian upang kausapin ang tumawag.
  • Kung may kasamang bata, iwasang maglikot at maging makulit ito sa loob ng sinehan. Pangkaraniwan na sa mga pambatang palabas ang magsama ng mga bata sa loob ng panooran. Pagsabihan itong huwag maglikot at maging makulit habang nanonood. Kung nagwawala ito o umiiyak, maaring ilabas muna ang bata hanggang sa kumalma ito upang hindi makabulahaw sa ibang tao.
Do’s
  • Alamin ang lokasyon ng mga exit doors. Mahalagang alam natin kung saan ang emergency or exit doors sa loob ng sinehan. Kung may hindi inaasahang pangyayayri alam natin kung saan tayo puwedeng dumaan upang makalabas.
  • Mag-CR na bago magsimula ang palabas. Ayaw nating maabala sa panonood ng sine lalo sa magandang parte kung bigla tayong kailangang gumamit ng CR. Kung kaya bago pumasok o magsimula ang palabas mag-CR muna.
  • Bago pumunta sa sinehan alamin kung ano ang gustong panoorin at oras ng simula nito. Hindi natin gustong masayang ang ating oras sa paghihintay ng angkop na oras ng palabas. Kung kaya bago manood silipin sa internet kung ano anung oras ang simula nito. Pumili na din ng gustong pelikula upang hindi na mag-aksaya ng panahon sa pagpapasya kung alin ang pipiliin.
  • Bumili ng pagkain o kumain muna bago manood ng pelikula. Masarap habang nanonood yung may popcorn kang kinakaen. Madalas na mas mahal ang pagkaen sa bilihan malapit sa sinehan. Hindi naman pinagbabawal ang pagdadala ng pagkaen sa loob kung kaya maari tayong magdala ng ating gusto, basta huwag lamang itong maamoy na pagkain.
  • Magsuot ng kumportableng damit. Hanggat maari magsuot ng kumportableng kasuotan. Mahirap manood ng nasisikipan o hindi kumportable ang iyong damit. 
Ilan lamang ito sa mga angkop na kaugalian at gawain upang mas maging enjoyable ang ating panonood. Irespeto ang bawat isa sa sinehan. Iwasan ang mga bagay na dapat iwasan upang hindi makaakit ng kaguluhan at istorbo sa ibang tao. Sa pamamagitan nito siguradong magiging masaya ang ating experience sa bawat pelikulang ating papanoorin.

No comments:

Post a Comment