Haba nang Pelikula: 1oras 31minuto
Direktor: Anna Foester
Kategorya: Katatakutan, Aksyon
Panulat ni: Cory Goodman
Istorya ni: Cory Goodman, Kyle Ward
Prodyusers: Tom Rosenberg, Gary Lucchesi, Len Wiseman, RichardWright, David Kern
Base sa: Karakter na ginawa ni Kevin Grevioux, Len Wiseman, Danny Mcbride
Bida nang Pelikula:
- Kate Beckinsale bilang si Selene – isang malakas na bampira dahil sapagiging Bampira-Corvinus Strain Hybrid niya.
- Theo James bilang si David – kaibigan at kakampi ni Selene nanaging isang Bampira-Corvinus Strain Hybrid din.
- Tobias Menzies bilang si Marius – gusto makuha ang anak ni Selene upang mas lumakas pa siya, lider ng mga Lycans.
- Lara Pulver bilang si Semira – sakim na gustong idiin si Selene saisang kasalanan na hindi niya ginawa.
- Clementine Nicholson bilang si Lena – isa sa pinakamagaling namandirigma ng Nordic Coven at tumulong kay Selene.
- Charles Dance bilang si Thomas – kakampi ni Selene at ama ni David.
Musika ni: Michael Wandmacher
Sinematograpiya ni: Karl Walter Lindenlaub
Taga-ayos: Peter Amundson
Taga-pamahagi: Screen Gems
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Matapos ang masasakit na pangyayari sa buhay ni Selene muli siyangpinalaya ng vampire clan upang sanayin sa paglaban ang mga bagongbampira upang lumaban sa mga Lycans. Ngunit ito pala ay isang patibonglamang upang mas lalo siya idiin at kamkamin ang trono ng tusongbampira na si Semira. Sa tulong ni David at Thomas muli nilangsusubukang tapusin ang walang humpay na digmaan sa pagitan ng mgaLycans at Bampira.
Pagsusuri:
Maaksyon pelikula muli ang handog ni Kate Beckinsale sa pagbabalikniya bilang si Selene sa ‘Underworld: Blood Wars’. Ito ay sa direksyon niAnna Foester at panulat ni Cory Goodman.
Tinawag muli ng council ng bampira sa pangungumbinsi ni Thomas (amani David) at Semira na pabalikin si Selene dahil kailangan nila ito upangturuan ang ibang bampira sa pakikipaglaban sa mga Lycans. Ngunittrinaydor lamang si Selene ni Semira kung kaya tinulungan siya ninaThomas at David upang makaalis at nagpunta sila sa norte upang puntahanang Nordic Coven na nagbunyag ng tunay na katauhan ni David.
Maayos na naikuwento ni Foester ang pelikula. Nagpakita siya ng mgapagbabalik tanaw sa pamamagitan ng kakaibang paraan na pagtikim ngdugo ng taong gusto mong makita ang ginawa. Ang bilis ng phasing ngistorya na kung hindi mo napanood ang mga nakaraang installment ay maliligaw ka kuwento nito. Maraming karakter ang nababanggit nabinigyan lang ng kaunting diin upang ipakilala at hindi masyadongmaguluhan ang una pa lang na manonood ng kuwento.
Ang mga malapalasyong kaharian at madilim na kapaligiran angnagpapakita ng tunay na buhay at angkop para sa pelikula na bida ang mgabampira. Karamihan ng scene ay sa dilim at sa gabi ginawa upang mas mabigyan ng emphasize ang karakter ng kuwento. Ang galing din ngpagpapalit anyo ng mga Lycans na hindi mo aakalain ang bilis ng pagiginganyong lobo nila.
Medyo magulo yung istorya mas magiging advisable sa mga manonood napanoorin muna yung mga nakaraang mga pelikula nito upang mas maintindihan ang kuwento. Mabilis nilang inilahad ang lahat na medyomay mga ilang parte ang naging malabo sa istorya. Bigla na langnangyayari ang ilang eksena at hindi nabigyang detalye.
Pinuno pa rin ni Beckinsale ng mga makapigil hiningan niyang stunts angpalabas. Magaling pa rin at walang kupas ang kaniyang pagganap bilang siSelene. Kulang sa aksyon namn ang pinakita ni James na hindi nasabayanang galing ni Beckinsale.
Panoorin ang mga nakaraang movie nito upang mas maenjoy ang‘Underworld: Blood Wars’.