Petsa ng Pagpapalabas: Agosto 8, 2016 (Cinemalaya Film Festival)
Haba ng Pelikula: 1oras 17minuto
Direksyon: Roderick Cabrido
Panulat: Denise O’Hara
Kategorya: Filipino art drama
Produksyon: Joseph Israel Laban, Ferdinand Lapuz
Bida sa Pelikula: Nora Aunor (Pina-ilog), Barbie Forteza (Dowokan), Ronwaldo Martin (Dapu-An), Elora EspaƱo (Anggoran), Flor Salanga (Mayhuran)
Musika ni: Jema Pamintuan
Sinematograpiya: Mycko David
Bansa: Pilipinas
Buod:
Si Pina-ilog ay nakatira sa isang maliit na nayon sa kabundukan ng Antique. Siya ang “Binukot” na pinili nung kanyang kabataan sa lahat ng babae sa kanilang nayon. Nakakulong siya sa loob ng kanyang bahay at ang kanyang ulo ay palaging may takip na belo, pinagbabawalan siyang lumabas o magtrabaho sa bukid. Iginagalang siya at nirerespeto sapagkat siya ang nangangalaga ng kanilang kultura, isinasaulo niya ang kanilang mga kanta at ipinapalabas eto tuwing may espesyal na okasyon. Lumipas ang mga panahon at ang pagkakaroon ng “Binukot”ay unti unting naglalaho. Wala nang may gusto maging “Binukot” khit si Dowokan na anak ni Pina-ilog. Gusto ni Dowokan na maging malaya, matuto at umibig na hindi sinang ayunan ni Pina-ilog dahil siya ang nakatakda na susunod sa kaniya. Gusto ni Pina-ilog na buhayin ang kanilang mga tradisyon kasama ang kaniyang obligasyon sa kanyang mga kanayon na pangalagaan ang kanilang kultura at maging tagabantay laban sa mga masamang elemento. Si Dowokan ang napiling magmana at mangalaga ng kanilang tradisyon at kultura para sa susunod na henerasyon. Ngunit umibig si Dowokan sa isang lalaki na naglagay sa kanya at sa knilang nayon sa kapahamakan. Lumaban si Pina-ilog para mabuhay si Dowokan ngunit lumaban siya sa multo ng kanilang tradisyon na nagkukulong sa kanya.
Karagdagang Impormasyon Tungkol sa Pelikula:
- Ang Tuos ay nagwagi na Best Cinematography, Best Production Design, Best Original Musical Score, Best Sound, Audience Choice Award sa Cinemalaya 2016 Awards
Pagsusuri:
Hindi man natin palaging nakikita sa mga malalaking pelikula si Superstar Ms. Nora Aunor, busy naman siya sa mga indie films. Dalawang pelikula kada taon ang nagagawa niya simula nung ginawa niya ang “Thy Womb”nung 2012. At palagi itong inaabangan ng mga manonood.
Bilang si Pina-ilog kakaunti lang ang naging linya ni Nora Aunor. Bilang mahinang babae na palaging nasa higaan o nakasakay sa basket ang kanyang pagkilos ay kontrolado at limitado. Ang kaniyang pagganap ay pinakita niya sa ekpresyon ng kanyang mukha at mata. Minsan akala natin hindi siya ang bida ngunit sa huli napagtanto natin na siya nga.
Maraming eksena si Barbie Forteza sa pelikulang ito. Maganda at epektibo ang kanyang mga pagganap bilang si Dowokan sa mga emotional scenes nila ni Ms. Aunor. Si Forteza ay nakilala sa kanyang pag ganap bilang anak ni Ricky Davao na si Mariquina nung nakaraang Cinemalaya 2014.
Pinagmamalaki ng pelikulang ito ang napakagandang sinematograpiya ni Mycko David. Mula sa simula na nagpakita ng maberdeng kapaligiran, asul na langit at katubigan hanggang sa kung paano bumababa mula sa bundok ang tribo papunta sa kabayanan.
Ang pagkanta ni Bayang Barrios ay napakagaling at tamang tama para sa pelikula. Thumbs up para kay Direk Cabrido para sa paggawa ng isang palabas na tumatalakay sa kakaibang kultura.
No comments:
Post a Comment